Chapter 8: Friday the 13th

36 7 0
                                    

Brianna's POV

My ghad puyat na puyat ako as in .. 

"Ate ate!! Naiihi na po ako ate... please open " ang aga aga ng makulit na 'to ah

"Ate your so bagal I'm shouting and begging you ..but thank you love you ate " Ang arte magsalita netong kapatid ko, yung kakambal nga niyang si Angelica napaka tahimik, di makabasag pinggan nga eh, eh etong si Angeline ang daldal ..

nag ready na ako't lahat lahat at bumaba.

"Ma hindi na po ako kakain and I'm late ..waaah iniwan na ba ako ni kuya? " Ok na ulit si ma, sana hindi na siya maatake ulit. Ano kayang dahilan kung bakit siya naatake this time? Yung una kasi ay dahil kai dad

"Haay nako anak lagi ka nalang late, anyways kumusta kayo ni Kenetthe? hihi " nang asar pa talaga, pero hayst I don't want to talk about him.

Ngumiti nalang ako bilang sagot at  umalis na ako... tumakbo ako dahil hindi ako marunong mag drive at may topak yung sasakyan di'ba ang saya?? wala pang taxi na dumadaan. hayst eto na ba salubong ng friday the 13th? nausog ata yung mga inisip ko kagabi ah.

At minamalas nga naman late ako ng 1 min lang at kukuha pa ako ng admission slip.. yan kasi kinukuha kapag nahuhuli ng mga members ng CAT. Late nga dumarating yung SGO ang dami pang nakapilang students...

Oh my !! Andito din si Jericho?!! bale parang ako muna bago siya. Hindi siya tumingin sa gawi ko at umupo nalang at naka cross arm ulit.

OK kalma ka lang Brianna! 

"Oh my gosh girls nandito din si Jericho,I think we are destined ,eto yung first time kong pumunta dito at nandito din siya" tiling tili yung babaeng yun. Ewan ko ba talaga kung bakit kailangan pa nilang sabihin yun ng malakas, rinig ng lahat eh.

Pati naman ako eh 1st time din dito kaya baka ako ang destined para sa kanya ...assumera eh!!

"Grabe ang bango niya! " sabi nung katabi naman niya

"tsk!" -- Jericho

ayan magagalit na, napaka ano niyo! char! ganito din naman ako pero sadyang hindi lang pahalata.

Ang tagal ng magbibigay ng admission slip! kaya hindi ko napansig nakatulog ako.

30 minutes later maybe..

*poke poke*

"Kuya Zac 5 minuites muna please puyat ako kagabi"

Hinug ko yung unan ko ..bakit naman ang tigas neto?..hay ang kulit talaga ni Angeline baka nilagyan niya nanaman ng kung ano ano ...ang bango pa hah ano kaya ginamit ni mama na downy? familiar nga lang saakin yung amoy. naalala ko tuloy si Jeri-KO! hihi. hinigpitan ko yung yakap ko.

"MISS SANTILLIAN ARE YOU GOING TO GET AN ADMISSION SLIP OR WHAT?!!" pati ba naman yung terror na teacher ko nasa panaginip k--?!!!!! waiiit! 

Unti unti kong idinilat yung mga mata ko habang nakayakap parin sa--

"Excuse me I'm not your kuya Zac" pagrinig ko palang yung boses na yun automatic na napatayo ako!

O_______O oh no siya pala yung kayakap ko at inaamoy ko!

NAKAKAHIYA!!

"I'm sorry ,sorry" Pagkatapos kong makakuha ng admission slip, lumabas ako agad ...

Kilig to the bones at the same tiiime nakakahiyaaaa ka Yanna !!waaaah

"Ang flirt ng babaeng yan,kayakap niya si Jericho Lee kanina grabe!"--tinignan pa ako up and down tsk!

"Upakan ko yan girl eh she knows naman na loser siya dito" sila yung mga laging nang aasar at nambubully saakin noon. Ewan ko lang kung bakit bigla silang tumigil bigla nung nag grade 8 na kami.

"Don't worry girls dahil never na magkakagusto ni JeriLee sa isang baduy, panget at loser nga diba?" Nagapiran pa sila.. well, I dont really care sa mga pinag sasasabi ng mga yan! Puro sila chismis at pang aasar. Akala mo naman kung ang gaganda nila psh!

Ang bilis ng oras...

*recess*

Haba ng pila sa canteen -__-
Hindi ko pa kasabay si bes ngayon kasi absent huhu
Hindi pa ako nag breakfast

May biglang umakbay saakin and I think this is a guy at baka si Stepano nanaman!.. nilingon ko..

Geez.. ang lapit ng mukha niya sakin kaya naman ibinalik ko yung tingin ko sa linya..

"Alisin mo nga yang kamay mo !!" Aish pinagtitinginan at bulungan nanaman ako ..lagi naman eh walang nagbago ! T___T

"Ang arte mo naman,sa gwapo kong 'to pinagtatabuyan mo pa? Ang swerte mo nga eh hahaha" upakan ko tong lalaking 'to eh anong swerte ? Kung si Jericho ka lang baka forever na akong ganito eh ...haaaay bukang bibig ko nalang siya palagi hanggang utak bukang utak kung tawagin .. lol

Pumunta kami sa 1st line "unahin mo siya kung ayaw mong ipatapon kitang pluto" kuminang naman mata ng babaeng nag seserve !

"Ok sir ^____^" grabe talaga ang sama ng ugali neto, paano kaya naging magkaibigan si Jericho at etong Stepanong ito noh?

"Kakaiba talaga pag gwapo, siguro kung maganda at sexy ka gagawin mo din to kasoooo hindi eh kabaliktaran hahaha" nangiinis ba to ? Makalait feeling close!

"Tumigil ka na nga!" at talagang tinignan ko siya ng sobrang sama

*blag* ayan napapala ng naglalakad habang nakatalikod eh. Naglalakad kasi ako tapos siya nasa harapan ko habang nag lalakad din patalikod habang nakaharap saakin.

"DAFAQ!!" sigaw nung nabangga niya at masaklap ang taba taba natapon pa yung pagkain niya at talagang galit na galit.

"Bulag ka ba?"sabi ni Stepano

"Ikaw nga hindi tumitingin sa dinadaanan mo eh!!!" sumbat ng nakabangga

*krrrrg* ooops? Panira naman yung tyan ko ... nagtawanan yung mga nasa canteen kasi biglang tahimik at tutunog pa itong tyan na 'to ..walang kwenta Hindi man lang nila awatin ang dalawang to.

May lumapit naman saakin

"Give me your food!" Sabi nung kasama ng kaaway ni Stepano..

"Alam mo bang gutom ako?? Narinig mo naman siguro yung tiyan ko di'ba?" Deep inside,I'm scared! ang tapang ko naman ata biglang sabihin yun noh.

"Aba! Puta, sumasagot ka pa!"

Itinulak yung balikat ko ng malakas.
Waaaah ang tanga niya!! Malapit pa naman kami sa stairs..

kaya na out balance ako at mahuhulog na sa stairs. Waaaaaaah!!

Pag dilat ko may sumalo sa'akin..

O____O 

"L-Lee?" ganun parin ang itsura namin kaya nag sisigawan nanaman ang mga fan girls niya kesyo malandi ako, ang assumera ko, nakakainggit at kung ano ano pa!

"You're very clumsy" tapos itinayo niya ako..
Kinabahan ako sa boses niya..

"S-sorry, sorry and salamat na din Lee" tyaka umalis na ako habang nakatakip sa mukha dahil feeling ko pumula yung buong mukha ko.

Hindi ko alam kung minamalas ba ako o parang swerte dahil sa mga nangyare!

Nakakahiya! tumakbo naman ako at may naka bangga ako. aiiish ano nanaman ba kaya 'to?

Inangat ko yung mukha ko at si Kenetthe? Sobrang seryoso ng mukha niya. At naglakat papalayo na parang hindi niya ako kilala >__< 

Nakokonsensya tuloy ako sa mga sinabi ko, kaso bakit ba? nakakainis kasi eh tsaka hindi naman kami talaga close!

***

A/N:lame eh hehe ang totoo wala akong maisip eh haha rush lang ba..

Destined or coincidence?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon