Chapter 3: New student

88 9 0
                                    


Brianna's POV

"Beeees nako!! Kailan mo ba balak magtapat kay JeriMO? As in mag aapat na taon mo na yang kinikim-kim" ikwinekwento ko kasi sa kanya lahat. How and When tapos kung saan ko lagi siya nakikita ahhh basta lahat lahat.

"Ewan ko, kinakabahan ako eh at isa pa, kung kaharap ko siya hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko kagaya kagabiiii bes sobrang bilis ng tibo ng puso kooo!" sigh~

"Aray ko naman! " bigla ba naman akong binatukan?

"Kung pinangungunahan ka ng kaba, walang mangyayari at malay mo mamaya minlove ka na kay Kenetthe yiiie " kinikiliti niya yung tagiliran ko habang inaasar. Ang daming alam ni bes ah isa din itong NBSB eh.

"Nga pala bes ngayun na darating yung new student at magiging classmate daw natin, balita ko heartthrob yun sa dati niyang school, sobrang gwapooooo pa daw at sana maging close kayo para magka love life ka din hahaha" pangaasar ko sabay tawa. Naexcite ako bigla para sa kanya. Takot kasi 'to sa lalaki eh, ewan ko ba. Wala namang dahilan para matakot siya kasi NBSB, or sadyang dahil sa mga binabasa or pinapanood niya. Ang sarap kaya ng feeling na may inspirasyon ka<3

"Haay nako bes madami nga akong manliligaw pero hindi naman sila sincere, maghihintay pa ako ok? " maganda din naman kasi si bes, choosy lang talaga siya.

*bell riiiings *

Pumasok na kami sa room

"Class, meet your new classmate, sige pakilala ka na " sheeeymus!! Ang gwapo nga dahil lalo sa messy hair niya, ay no no no loyal ako kay Lee ko, I mean Jeri-KO

"Stephen Solomon..." tss ang cold naman ng isang to, ayoko sa kanya para kay bes... at siguradong hindi siya type ni bes kasi parang ang napaka sungit, playboy and parang hindi nag seseryoso sa buhay. Judgemental lang Yanna? hahahaha

"OMG ang gwapo nga talag niyaaaa!"

"May bago nanaman tayong crushiiie!"

"papa Stephen I love you naaa!"

Nagtilihan naman yung mga ibang babae lalo na yung 3 baklitas sa harap..

 
"You may sit at the empty table at the back of Ms.Santillian." Turo niya. hala bakit sa likod ko pa? Dapat sa likod nalang ni bes total parehong walang nakaupo.

Nung papunta siya sa upuan niya kumain pa ata ng gum at ang basura niya inilagay sa table ko?! Aba may pagka bastos din eto ah.
Mukha bang basurahan ang table ko?!

"Excuse me? Pwede ka namang kumain basta itapon mo sa tamang lalagyan yang wrapper mo diba?" pabulong kong sabi

"Mukha ka namang basura kaya tama lang sa pinaglagyan ko " nainis ako sa sinabi niyang yun!
Kaya itinapon ko sa pagmumukha niya yung wrapper.

"ANO BA??!!" Oh my gosh ah siya pa may ganang magalit

"What's the problem Mr. Solomon?" --sir

"Sir itina.... " hindi ko naituloy dahil sinigawan ako

"I'm not talking to you Ms. Santillian! " T___T
Napahiya tuloy ako.

"She just threw this wrapper to me" O__O wow ha! just wow!!

"get out Yanna 1st day niya palang, ganya agad ang trato mo?! Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo and ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang nam bubully!" bwiset kang Stepano ka.. nasira image ko humanda ka Stepano!!

Pagbukas ko ng pintuan, nagbukas din yung sa kaharap naming room at ang iniluwa si Kenetthe Lee haaaay dagdag bwiset ng araw eh noh sinong susunod?!

"Oh anyare sayo? Pinalabas ka rin?" hindi ko siya pinansin kaya naglakad naman ako at sumusunod lang siya, wala ako sa mood

"Gosh! That girl kinakausap siya ni Kenetthe Lee!! Lumalandi na dahil loser siya this past years" sabi nung baklang nakasalubong namin.

Buong magdamag akong kinukulit at iniinis neto!! Kesyo ano daw surname ko, age, birthday, pangalan ng lolo at lola ko, sinong ninang at ninang kooo! nakakairita! kung ibigay ko sakanya yung mga papeles ko! hayst hindi ko pinansin lahat ng mga pinag tatatanong niya.

"HI JERILEE "(Short for Jericho Lee) nadistract ako dahil sa pangalang yun
Ang daming nakapaligid na babae sakya, ay sakanila dahil nandun si Stepano? Kaylan pa nakalabas yang lokong yan?

Sinundan ko lang sila ng tingin
Kakaiba yung aura ng dalawang yun parang ang tagal na hindi nagkita na parang may inis sa mga mata. ano yun?

 
Pero biglang ngumiti si Stepano

"musta brad? " At nag banggahan ng shoulders
Ang gulo nila ah magkaaway o magkaibigan? Malabo pag friends dahil mabait si Jericho Lee at si Stepano? Salbahe!

"Nagulat ka? Elementary pa silang magkabarkada kaso lumipat ng ibang school si Stephen" Sabi ni Kenneth. Nag kukwento ba naman pero parang interesado ako ng very light basta pag si Jeri-KO ang usapan hihi

"barkada ko nga yang mga yan eh... at magkaugali sila, parehong tahimik at masikreto, isang beses lang silang nagaway dahil sa babae, pero si Jericho pinaubaya niya kay Stephen yung babaeng gusto nila pareho pero pagkalipas ng isang taon ay hiwalay na sila, at bigla nalang nagtransfer siya sa ibang school at ang babaeng sinasabi ko... a-ah... nakalimutan ko" nakinig talaga ako ng maigi sa kwento niya. Si Jericho Lee nagpaubaya? kaya pala NGSB? Kasi gusto niya pa yung girl kaya? Pabitin din naman mag kwento 'tong Lee na 'to, hindi pa sinabi kung sino ba talaga si at girrrl.

"Sure ka? " tanong ko pa

"Teka diba dito ka nag-aral simula 1st year? Trending nga yang topic na yun dito sa school eh kasi saktong 4th grading ng 1st year eh nag hiwalay sila kaya naman nag ulit yung babae and ganon din si Stephen dahil lumipat at si Jericho naman ay umulit din para makasama pa si girl na hindi naman siya gusto " Medyo chismoso din 'tong lalaking 'to ah, at panong kabarkada niya sila? umulit din kaya 'to? Tsk pake ko ba naman?

"Alam mo ba nung pagkapasok ko palang dito, naging miserable na ang buhay ko? wala nga akong pake sa mga nangyayari.. may inspirasiyon lang talaga ako kaya nagsurvive ako... loner pa nga ako nun eh pero simula grade 8 or 2nd year, nakilala ko si bes kaya naman--" teka bakit ba ako nag oopen sa lalaking to?! napatigil ako tsaka umiwas.

*ehem* aiiish!

"Basta, ikaw napaka chismoso mo!" pang iiba ko kaya natawa siya tapos napatitig nalang ulit ako sa gawi nila Stephen at Jericho

***
A/N: buti umabot pa ako sa chapter 3 nyahaha... but thanks sa nakakabasa netong story ko :))

Destined or coincidence?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon