CHAPTER 5

11.8K 348 39
                                    

Natapos na ang kasal namin at ito nandito kami ngayon ni Ma'am Monroe sa iisang room, halatang ayaw niya talaga ako makasama.

Niloloko pa nga kami kanina ng parents namin na gumawa na daw kami ng bata, para may apo na sila.

Jusko ang bata ko pa para magka anak at hindi din naman papayag si Ma'am na magka anak kami, halatang homophobic siya ayaw niya lang ipakita sa parents niya.

"Jan ka sa sofa matutulog." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Pero Ma'am hindi ako kasya sa sofa staka masakit po sa leeg kapag sa sofa ako matutulog, malaki naman po ang kama kakasya naman po tayo diyan." Sabi ko sa kaniya dahil ayaw ko na matulog sa sofa.

Ang tangkad ko kaya 6ft ako tapos sa sofa ako patutulugin.

"I don't care sa sofa ka or sa ibaba ka matulog, basta ayaw kitang katabi mamaya may sakit ka pala." Nasaktan ako sa sinabi niya.

Gustuhin ko man siyang sagutin pero hindi pwede, dahil mas matanda siya sa akin at may respeto naman ako sa kaniya.

Tumango nalang ako at nag latag ng kumot sa ibaba at kumuha ng dalawang unan, pero kinuha niya rin 'yung isa.

Hindi daw siya sanay kapag dalawa lang unan niya, kaya wala na ako nagawa kundi isang unan lang kinuha ko.

Nakita kong humiga na siya at hawak ang laptop niya.

Humiga na din ako sa lapag.

"I'm tired, hon and I miss you so much." Rinig kong sabi ni ma'am.

Mukhang may kausap siya at boyfriend niya kausap niya.

Pinikit ko nalang mata ko pero hindi ako maka tulog.

"I miss your touch and kisses hon." Nairita ako dahil ang ingay niya.

Halatang nag lalandian sila, hindi ba niya maisip na may kasama siya dito at asawa niya pa.

Tumayo ako at pumunta ng balcony.

Siguro sa balcony nalang ako matutulog, mahangin pa at walang lamok.

"Where are you going?" Tanong niya saakin.

"Balcony po, matutulog." Tipid na sagot ko at dumeretso nalang sa balcony.

Sinarado ko din ang curtain alam ko naman ayaw niya din ako makita.

Inilatag ko nalang ang kumot at unan ko staka ako umupo sa upuan na may mesa.

Tumingala ako at tinignan ang langit.

"Kung maging star na din kaya ako." Sabi ko sa sarili ko.

Mukhang masaya maging star.

Napa ngiti nalang ako.

Nang mag sawa ako sa pag tingin sa langit ay tumayo na ako.

Naalala ko kase nasa loob yung cellphone ko.

Pag pasok ko nakita ko si ma'am na naka ngiti, nawala din agad 'yun nung makita niya ako.

Kinuha ko na agad ang cellphone ko at kumuha na din ako ng chichirya at water ko, para may makain ako dahil balak kong manood ng vlog.

Pag kuha ko sa mga kailangan ko ay pumunta na ako ulit ng balcony.

Nanood lang ako ng vlog hanggang sa inantok na ako, kaya na higa nalang ako.

Kahit malamig tiniis ko dahil ayaw ko na din bumalik sa loob, baka sabihin ni ma'am pabalik-balik ako.

Hinayaan ko nalang ang mata ko hanggang sa inantok na ako at natulog na ako.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙼𝚎 𝙱𝚊𝚌𝚔 𝙿𝚛𝚘𝚏𝚎𝚜𝚜𝚘𝚛 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon