Chapter 2.

282 10 0
                                    

Chapter 2.


"Ultra Mega Mall? sa UM Mall?!"

"Yeah doon nga."

"What the eff! Makikita ko na si James! Waaaaah!"

"Nakaka excite girls! paganda tayo ah!" at nakita kong nag apiran yung dalawang babae. Naglalakad ako sa hallway habang inaalala ko yung sinabi ni James. Super girl?

"Aww." napatumba ako ng may nakadumbuan akong lalaki. Aish! ginugulo na naman ni James ang isip ko! polluted naaaaaa!

"Sorry Miss. Let me help you." nilahad niya yung kamay niya. Tinignan ko yung lalaki. Infairness! Pogi siya! Wahahahaha! Pero kay James pa rin ako.

"Ehem." napabalik ako sa realidad ng may paubo ubo effect pa ito. Kinuha ko yung kamay niya at pinatayo niya ko. Kinuha niya yung bag ko na nasa sahig at binigay nito sa akin.

"Thank you." kinuha ko yung bag ko at sinuot ito sa akin. Pinagpagan ko naman yung palda ko.

"I'm Carlo, you are?" nilahad niya yung kamay niya na para bang makikipagshake hands. Pinunasan ko muna yung kamay ko sa palda ko at nakipagshake hands ako. "I'm Nadine." I smiled.

"Ow." he smiled.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"I need to go. Ikaw rin, baka malate ka pa sa klase mo." sabi ko.

"Anong year mo?" tanong niya.

"4th year, ikaw?"

"4th year din. Wait, anong section?"

"Uhm. 1."

"Ayos! sige sabay na tayo." sabi niya.

"Wait, transferee? Section 1?" tanong ko sa kanya. He smiled.

"Yeap. Hi classmate!" natawa ako sa kasiglahan niya. Sabay na kaming naglakad at pumasok sa room.

Napansin kong tinignan kami ng mga classmate namin.

"Oh my! may pogi!"

"Classmate natin? waaah! kapogi!"

"Kay swerte!"

Pumunta na ako sa upuan ko. Di naman First day ng class. Last week kasi nag start ang klase.

"Hi bessss!"

"Hi Jema!" I hugged her.

"Sino yung kasama mo na guy? Infairness, pogi siya!" pinalo ko ito sa braso.

"Aray! bakit ba?" sabi niya at nagpout siya. "He's Carlo. May boyfriend ka na." sabi ko.

"Crush lang naman at tsaka, di naman malalaman ni Rafael eh." bulong nito sa akin. Hinanap ko si Carlo at ayun nasa likod. Pinagpepyestahan ng mga babae. Tinignan ko rin si Rafael na nasa ibang row at natutulog. Palagi naman eh. "Hmmp. kung single lang ako kanina ko pa pinuntahan si Carlo." inirapan ko lang ito.  Inayos ko yung upo ko at nilagay yung bag sa baba. Di ako sanay na may bag na nasa likod ko dahil masakit sa likod.

"Ui Nadz." di ko ito nilingon.

"Nadine naman, pansinin mo ko." tumingin ako sa blackboard.

"Ui bes, tingin tingin din sa akin pag may time."

"Wala akong time." narinig ko itong napa 'aw' di na niya ko ginulo.

"Balita ko, may bagong labas na magazine sa Mall." rinig kong sabi ni Jema habang nakikipag usap sa likod. Di ko pinahalata na nakikinig ako.

"Oh? Sino naman ang cover?" tanong ng classmate kong babae na si Michelle.

"Si James Cameron daw." bigla akong napalingon kay Jema at nakita kong nakatingin din pala ito sa akin.

"Oh? may time ka na ba sa akin, Nadz?" she smiled sweetly. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Tss, alam mo talaga yung kahinaan ko."

"Hahahahaha." she laughed. Ilang sandali ay dumating na din yung adviser namin.

"Good Morning 4-1."

"Good Morning Ma'am Rivera."

"May bago pala kayong classmate, so hijo? Can you introduce yourself infront?" tinignan ko si Carlo na tumayo at pumunta sa harapan.

"Good Morning, I'm Carlo Lloyd  Villanueva. 16 yrs old. I'm from Oxford Academy in America." he smiled at napansin kong madaming kinikilig.

"Ma'am! Ma'am! Can we ask Carlo some questions?" tanong ni Theresa.


Tinignan ni Ma'am si Carlo na para bang tinatanong kung pwede. Tumango ito.


"Okay class, pwede siyang mag entertain ng questions pero 5 questions only." narinig kong napa yes ang mga girls sa kabilang row.


"Carlo, are you single?"


"Anong ideal girl mo?"


"Pwede bang mag apply?"


"May nililigawan ka ba?"


"Pwedeng tayo na lang?" tinignan ko yung mga babaeng nagtatanong. Section 1 ito ah! pero akala mo kung taga lower section ang mga ito.

Narinig kong napaubo si Carlo. "Yes, I am single." nagtilian ang mga babae kasama na ang mga bakla.

"Gusto ko ng girl na simple at walang arte." umiwas ako ng tingin ng bigla itong lumingon sa akin.

"Wala akong nililigawan pero may balak akong ligawan." rinig kong sabi niya. Tinignan ko ito muli at ngumiti siya. Bumalik na ito sa kanyang upuan.


Nagsimula na kaming mag klase. Araling Panlipunan ang first subject at sumunod ang T.L.E. namin. So meaning, kailangan naming lumipat ng classroom. Tumayo ako at inayos ko yung blouse at palda ko. Computer ang napili kong topic. Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ako ng room. "Ay palaka." napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot si Carlo. "Tinakot mo naman ako." sabi ko.


"Halika, sabay na tayo." sabi niya at kinuha ang bag ko. Nagsimula na ito maglalakad. "Teka Carlo, sa akin na yung bag ko." pero di ito humarap sa akin.


"Ui bes, bakit na kay Carlo yung bag mo? Ey, ikaw ah!" panunukso ni Jema na nasa likod ko. "Ayaw niya kasing lumingon sa akin." sabi ko. "Ang weird nga eh." dagdag ko pa. Bumaba na kami sa hagdanan. Medyo malayo yung Computer lab sa room namin. Sa likod ito ng office. Nagkwentuhan lang kami ni Jema habang nasa harapan namin si Carlo. Di ko maintindihan itong lalaking ito. First day na first niya, parang feeling close agad ito sa akin Haay. Carlo ang weird mo!


———

A/N: Hello po, sorry kung short lang. Babawi po ako promise! ^_^

Sino kaya si Carlo sa buhay ni Nadine?



VOTE AND COMMENT po! :) Ishare niyo na rin sa iba :)

IDOL ko, BOYFRIEND ko (JADINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon