Chapter 6.

230 9 3
                                    

A/N: Hi sa inyo! Namiss ko kayo. Don't forget to read my Author's Note sa dulo. Enjoy reading! :))
--
Nadine's POV

Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang ang Monday tapos ngayon Thursday na. Bukas na pala yung Mall tour. Excited ako na kinakabahan. Syempre! Makikita ko na yung mahal ko! Hahahaha charot! Mahal talaga? Hahahaha. Kinakabahan din ako kasi baka di ako pansinin. Baka nag iba na yung ugali. Sayang ang effort diba pag ganun ang nangyari? Well hindi naman ako umaasa.

Tinanong ko si Carlo kung number ba niya yung tumawag kagabi. Sabi niya hindi. Wala pa nga daw siyang load eh. Tss. Sino kaya yun? at mukhang feeling close.

"Bes!"

"Yes?"

"Magmake up ka kaya." Huh? Make up? Wala yan sa vocabulary ko.

"Ayoko nga."

"Bakit ba ayaw mong magmake up?"

"Eh basta." Andito kami sa locker room at kinukuha namin yung libro namin sa Physics. Malay niyo baka may quiz kami. Makapagready lang.

Isasara ko na sana yung locker ko ng may magsara nito.

"Ano ba-"

"Hi Nadine." Nakita ko si Carlo na nakasandal sa katabing locker ng locker ko. Nakangiti ito habang nakapamulsa.

"Alam mo para kang kabute." Sabi ko at nilock yung locker ko.

"Aw. Grabe naman yang Hello mo ah." sabi nito at nakapout. Inirapan ko ito at humarap kay Jema.

"Jema, tara na."

Papaalis na sana kami nang hawakan ni Carlo ang braso ko. "Uy, iniiwasan mo ba ako?" tinignan ko ito mula ulo hanggang paa.

"Bakit naman kita iiwasan?" tanong ko at binawi ko yung braso sa pagkakahawak.

"Eh bakit ang sungit mo tapos hindi mo ako pinapansin?"

"Alam mo Carlo, kailangan pa namin magreview baka may quiz tayo sa Physics. Ikaw rin, kung ayaw mong ma-zero. Magreview ka na." sabi ko at hinila na si Jema papaalis.
--
30 minutes na lang bago magring ang bell. Pumunta na kami sa tambayan namin ni Jema. Sa may lumang shed. Kukunti lang kasi ang tao dito kumpara sa bago. May pintuan ito sa unahan. At kapag umuulan, sure na sure na babahain sa bagong shed kaya binubuksan nila yung gate dito sa luma. Umupo kami sa may gilid na kung saan mayroong dalawang malaking bato. Binuklat ko yung libro at hinanap yung page para basahin yung lesson.

"Ui Nadine."

"Ssh, huwag kang maingay. Nagrereview ako." sabi ko at binabasa pa rin yung pagrereview ko. Nahihirapan ako sa Physics. Mas mabuti pa ang Trigo -_-

Hindi na niya ako ginulo at siguro nagbasa na rin. After 30 mins, bumalik na kami sa room para makapagready. Terror kasi yung Physics teacher namin. Mahirap na.

Pagpasok namin sa room ay wala pa si Carlo. Nagrereview kaya yun o nagtatampo? Eh kasi kapag ako ang kausap mo. Kapag oras ng pag aaral, dapat mag aral ka rin. Pero kapag oras ni James, huwag mo akong guguluhin. Hehehe.

Umupo na kami sa upuan at tinago yung libro. Hinihintay lang namin na dumating si Ma'am Reyes.

"Alam mo bes, nagtampo siguro si Carlo sayo." sabi ni Jema. Baka nga, nakokonsensya tuloy ako.

Lumingon ako sa pintuan at hinihintay si Carlo. At ayun! nasa labas at may kausap. Bigla akong umiwas nung tumingin ito sa akin. Hay! Huwag ko na nga tignan baka makalimutan ko pa yung nireview ko.

--
Lunch break na at walang pasok mamaya. Oh yes! May meeting daw kasi ang lahat ng teachers eh. Tapos bukas may seminar sila. Oh diba? Ang astig? Hahahaha. Naperfect ko yung quiz kanina. Buti na lang at nagreview ako. Si Jema naman, may isang mali. Nakalimutang niyang lagyan ng unit yung sagot niya sa number 15. Pero ang mission ko ngayon ay hanapin si Carlo. Yes! Tama nga! Magsosorry kasi ako. Kung hindi niya tanggapin atleast nagsorry ako.

IDOL ko, BOYFRIEND ko (JADINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon