The Father Of My Baby
Flower in the Rain III
Written by: Pilyang Ulan
~Third Chapter~
"Charlotte Anak," tawag ng kaniyang ina mula sa labas ng pintuan. Mahihinang katok nito ang gumising sa kaniya. Bahagya niyang sinilip ang maliit na orasan na nakapatong sa kaniyang mesa. "Tsk! Alas sais na pala ng hapon!" Anas niya. Ibig sabihin matagal na pala siyang nakatulog, sabagay hang-over siya at pagod na pagod rin ang kaniyang pakiramdam.
"Charlotte! Gising ka na ba?" Patuloy parin ito sa pagkatok. "Opo ma..." Tugon niya na inaantok parin.
"Halika na anak, kanina pa kita ginigising. You didn't even woke up for lunch."
"Yes Ma, sandali..." Tinatamad parin siya, tila kay bigat ng kaniyang katawan, pero bumangon parin siya para buksan ang ina. "Pasensiya na Ma napasarap ang tulog ko." Humikab pa siya sa harapan ng ina.
"Siguro sobra kang nag-enjoy pati mga kaibigan. It's okay, hindi naman masama mag-enjoy once in a while." Ngumiti ito sa kaniya. "Maghanda ka na at kakain na tayo."
"Ay oo nga pala Ma," napangiwi siya, sakto rin kumalam ang kaniyang sikmura. Kahit breakfast di pala siya kumain kasi na binusog siya ni Sebastian kagabi...hihihi!
"Magsuklay ka ng buhok ah, dinaig mo pa si Sisa sa itsura mong iyan," natatawang sabi ng ginang sa kaniya. Napahawak siya kaagad sa kaniyang buhok, tsk! Parang dinaanan ng bagyo, nakalimutan kasi niyang suklayin iyon kanina bago matulog.
"Ahihihi opo Mama," nakisabay na rin siya sa tawa nito.
----
She combed her long wavy chestnut brown hair, and tied it with her hello kitty pink bow. Sinipat niyang muli ang kaniyang itsura sa salamin at napangiti, wala lang... Masyado lang siyang masaya.
Eto talaga ang hilig niya ang mgangolekta ng mga cartoon character items, specially ang kay Hello Kitty, Betty Boop at Jessica Rabbit. Pero mas bet niya si Betty Boop kasi nasa gitna ito ni Hello Kitty at Jessica Rabbit. Masyado naman kasing daring itong si JR.
"Hindi ka na virgin..." Kinausap niya ang sarili sa salamin. "Na-devirginized ka na ng love of your life!" Namula ang kaniyang mukha at humagikhik. "Tsk! Tama na nga yang kalandian mo noh!" Di niya mapigilan ang matawa sa sarili. "Ano labas ka na at kumain?" At nag-thumbs up sa sarili. Pag-iisipan pa niya ang next step kung papaano siya mapalapit sa kaniyang Kuya Sebastian, hindi bilang kapatid kundi bilang isang babae. Pero paano nga ba? Napaka-complicated naman kasi... Minsan hinihiling niya na sana hindi na lamang siya in-adopt ng Mama nito.
"Andito na a---" nataigilan siya nang makitang sino ang nasa kusina, ang matamis niyang ngiti ay biglang napalis. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso, nanlamig ang kaniyang mga kamay at paa.
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" Takang sita ni Sebastian sa kaniya na baghayang lumingon sa kaniya bago itinutok ang mata sa harapan nito. Nakatayo ang binata habang hawak ang isang tasang may fruit salad at ang isang kamay ay minamaniobra ang remote control, may maliit na TV kasi sila sa itaas ng refrigirator. Hindi naman kalakihan ang kanilang kusina pero kasya silang tatlo pati na rin ang ibang appliances. "Hey! Little girl don't you just stand there halika na at kumain." Muli itong nagsalita nang wala itong makuhang sagot mula sa kaniya.
"Ah...er..." She blinked in a countless time, hindi siya makapagsalita ng diretso, parang may nakabara kasi sa kaniyang lalamunan. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa papunta sa mesa, nagmistulan siyang robot at may distansiya pa talaga nang dumaan siya sa harapan ng binata.