The Father Of My Baby
Flower in the Rain III
Written by: Pilyang Ulan
~Fifth Chapter~
A/N: ewan ko kung SPG ba ito o hinde! Hahaha bahala na kayo manghusga kay Charlotte! Hihihi
----
Nanlaki ang mga mata ni Charlotte nang mabungaran ang makalat na lugar ng binata, parang dinaanan ito ng bagyo. May duplicate key siya kaya nakapasok siya ng walang kahirap-hirap.
Tabingi ang kurtina sa bintana, basag ang iilang base at frame, nakakalat rin ang mga bubog ng basag na baso at bote, parang ni-Yolanda lang. Ang flat screen nitong TV ay nakabukas pero naka-mute naman iyon.
"Tsk!" Napailing na lamang siya ng ulo. Isinabit niya muna ang dala niyang shoulder bag sa likod ng main door, she tied her hair into a messy bun, before tinungo ang kusina. Mabilisan niyang kinuha ang walis at dustpan, wawalisin niya muna ang mga nabasag na kagamitan.
Teka! May nakalimutan siya. Si Sebastian!
Hayun! Agad niyang hinanap ang binata, only to find out, andun nakaratay ito sa carpeted floor, malapit sa couch kaya hindi niya agad ito nakita. "Eeww..." Anas niya nang makitang nasa tabi lang nito ang sinukang pagkain at alak. Mukhang mahihirapan nga siyang maglinis.
Napansin niyang yakap nito ang frame ng dating nobya, kinuha niya iyon at tinitigan. "Tsk! Sabi ko na nga bang hindi ka talaga magandang impluwensiya sa Kuya ko! First impression last!" Dinuro niya ang nakangiti nitong larawan as if kaharap niya ang babae. "I know you don't him, ramdam ko iyon! Babae din ako! Ako lang ang nagmamahal kay Sebastian ng totoo! Ako lang! Impakta ka talaga!" Imbiyernang-imbiyerna niya sabi at inikutan pa ang mata. Akmang itatapon na sana niya iyon. "Eps! Di ko lang muna sa couch! Babalikan kita!" Itinabi niya ang frame bago binalingan ang natutulog na si Sebastian.
Lumuhod siya sa tapat nito at sinubukang gisingin ng marahang tapik sa mukha. "Kuya," aniya pero walang epekto. Isa pa! Medyo malakas ng kaunti! "Kuya!"
"Hhmm..." Ungol lang ang sagot nito "...Zoe..."
PAK! Medyo napalakas ata ang sampal na ginawa niya kasi nagmulat ito ng mata. "Ay sorry Kuya..." Napatutop siya sa kaniyang bibig. "Hindi ko sinasadya..." Hindi naman talaga eh, maliban na lang sa huling binanggit nitong pangalang. Nangangamba siyang baka nagalit ito nang sinampal niya, pero deadma... Pumikit itong muli at itinuloy ang tulog.
"Hays..." Nakahinga siya ng maluwag, "mukhang kalbaryo mode ito," tumayo siya at tinungo ang ulunan ng binata. Hinila niya ang magkabilang braso nito papuntang kwarto. Alangan naman karagahin niya eh doble ang laki nito sa kaniya. "Ump! Bigat!" Patuloy parin niya itong hinila, tagaktak ng pawis ang kaniyang mukha, dinaig pa niya ang umiri ng matigas na pupu! Hmp!
"Ah!" Habol ang kaniyang hininga nang makapasok sila sa loob, hapung-hapo siyang napa-upo sa sahig malapit lang sa kama, samantalang nanatiling tulog parin ang binata at humihilik pa. "Ahm..." Lumunok muna siya ng laway, na uhaw kasi siya bigla, "ang bigat mo... Hays papaano kaya kita ihiga sa kama?!"
Lahat ng kaniyang lakas ay ibinigay niya para lang maihiga ng maayos sa kama ang binata. Basa na ang kaniyang damit sa pawis, hinihingal, at nanghihina.
"Kung di lang kita mahal..." Anas niya at humiga sa tabi nito ng ilang saglit. Niyakap niya ang braso sa malapad nitong dibdib at pinakatitigan ang mukha nito. "Mahal kita alam mo ba yun?" Pinikit niya ang mga mata, kung pwede bang ganito na lang sila ni Sebastian.