chap7 - would you accept me?

49 6 4
                                    

Kinabukasan, maaga pa ay tumawag na si Shin. Hindi siya masyadong nakatulog ng nakaraang gabi.

Nakaapat na ring ang bago ito sinagot.


Mmm...ang aga pa mamaya ka na tumawag... Halatang bagong gising ang boses ni Yong.

Bakit ikaw ang sumagot? Tanung agad ni Shin. Narinig niya ang paggalaw ni Yong sa kabilang linya.


Tulog pa si Di. Mamaya ka na tumawag. Sagot ni Yong. Napuyat kami sa kagagahan mo. Ibaba ko na to. Naputol ang linya.

Napabuntunghininga siya. Galit pa si Yong sa kanya. Nag ayos siya ng sarili. Nag leave siya ng tatlong araw sa trabaho. Balak niyang pumunta ng LA kahit isang araw lang para makita si Diane. Pero nagdadalawang isip na siya.

Paano ba niya sasabihin na siya ang nagpapadala ng bulaklak dito.

Paano din kaya niya sasabihin na gusto na niya ito. Naloloka siya sa kakaisip.


Ang daming missed calls at message ni Shin ng i check ni Diane ang cellphone niya. Nagpadala lang siya ng sms dito na gising na siya at lalabas sila ni Yong.

Nagmumukmok si Yong at bahagyang namaga ang mata nito sa pag-iyak kagabi.


Mag shopping tayo Yong. Yaya niya sa kaibigan. May ipinapabili si Czai. Dagdag niya para mapilitan itong kumilos. Napangiti siya tumango ito.


Naka jeans lang ito at tshirt ng lumabas ng banyo. Crew cut ang gupit nito para madaling maitago sa ilalim ng wig kaya lalaking lalaki ito tingnan. Napailing si Diane.

Beh di ka ba mag aayos? Tanung niya dito.

Tinatamad ako. Sagot lang nito. Pagkasuot ng rubbershoes, nagyaya na itong umalis.


Naglibot sila sa mga shops sa Beverly Hills. Tapos pinilit niya itong mag selfie. Kumain sila ng ice cream at pinilit niya itong mag roller skates sa may park sa Hollywood Hills.

Bago natapos ang araw nakita din niyang ngumiti ito at tumawa. Saka lang nakahinga ng naluwag si Diane.

Ilang missed calls ang nareceive niya mula kay Shin. Nagluluto si Yong at nagpasabi si John na dadating siya.


Beh.. Bati niya kay Shin ng sagutin nito ang phone. Mahinang tawa ang narinig niya. Oh..lasing ka ba?

Beh...kamusta? Magaling na ba ang bruha kaya may time ka na sakin? Sagot ni Shin sa tanung ni Diane. Kanina pa siya tumatawag at di siya nito pinapansin. Naiinis siya kaya uminom nalang siya.

Beh..anu ka ba? alam mong me problema si Yong di ba? Tanung ni Diane sa kaibigan.

Oh.e di sa kanya ka na.. Bakit ka kasi tumawag? Natawa siya ulit pagkasabi nun at ininom ang alak sa baso niya. Sige na baka umiiyak na naman yan kasalanan ko pa..


Naputol ang tawag at napabuntunghininga si Diane. Napaka selosa ng mga kaibigan niya.

Beh? Bakit ganyan ang fez mo? Nakasilip si Yong sa pinto ng kwarto at nakatingin kay Diane.

Si Shin...napailing na sabi nito. Umiinom. Nagtatampo pa. Tumayo na ito at lumabas ng kwarto.


Nagtatampo? Nagtatakang sabi ni Yong. Tawagan ko nga.

Huwag na baka mag- away na naman kayo.. Awat ni Diane sa kaibigan.


Hindi...wait.... Dinayal niya ang number ni Shin at naghintay.


Bakit? Tanung agad ni Shin ng sagutin ang tawag ni Yong.

Shin..ok ka lang ba? Malambing ang boses ni Yong. Beh...

Beh.. Sabi ni Shin. Ayos ka na ba? Nagbago ang tono niya. Wala namang kasalanan si Yong siya lang ang may problema.


Umiinom ka? Heart problem ba?
Narinig ni Yong ang tawa ni Shin sa kabilang linya. Kausapin mo si Di.
Nag aalala na sayo. Iniabot niya ang cellphone kay Diana at dumiretso siya sa kusina.


Nakasilip si Diane sa bintana ng suite ni Yong habang kausap si Shin.
Beh ... Sorry na... Kasi naman alam mo naman nangyari kay Yong di ba? Sabi niya dito.

The FabQuad : Beki Series Book llTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon