Val P.O.V
Hay naku lagot na namn ako kay senior niyan. Bumalik ako sa Departamento ng Pag ibig( Deparyment of love and Human Affairs). Alam ko alam na ni Senior Levy ang pangyayari at alam ko mapaparusahan ako.
Pumunta ako sa office ni senior. Kahit na di pa ako pinapatawag ni senior ay dumiretso na ako sa oposina niya, pagtapat ko sa pinto narinig ko siyang nagsalita.
Come in!
Pumasok na ako at nakita kong nakaupo siya sa may mesa niya, at seryoso ang mukha.
Malaking problema ang ginawa mo Agent Val, sobrang malaking kaguluhan. Sabi ni Senior.
Senior di ko naman sinasadya eh.
Kahit na Agent, di pa natin alam kong ano ang magiging dulot nang mga pangyayari hindi natin nasunod ang plano.
Baka puwede naman pong gamitin ko muna ang black arrow.
Alam mo naman agent na matagal ang proseso ng paggagawa ng black arrow di ba! At saka hindi basta basta ito inilalabas hanggat di nagkakaroon ng malawakang imbestigasyon sa nakatataas. Para mapadali ang paghingi mo sa black arrow pumunta ka sa Beareu of Correction ibigay mo itong request na ito. At humingi ka na rin ng pansamantalang solusyon sa problemang ito.Pagdating ko sa Correction ibinigay ko ang request. Nag intay ako para sa questioning ng mga pangyayari. Di rin naman nagtagal at pinapasok ako sa opisina ng Director ng Corrections.
Hello agent Val! Bati sa akin ni Director Christian.
Hello po !
Malaking pagkakamali ang nagawa mo sa buhay ng tatlong taong iyon. Pero di naman kita masisisi kasi di nangyayari ang mga bagay na walang dahilan. Kung ano mang dahilan yun ang Diyos lang ang nakakaalam. Kaya wag ka masyadong matakot.
Salamat po Director, parang nabawasan ang aking pangamba sa aking narinig.
Sige, alam mo naman na ang black arrow lang ang mabisang solusyon sa pangyayaring ito, at lingid din sa ating kaalaman na inaabot ng isa hanggang 6 na buwan ang abot sa paggagawa nito.
Opo alam ko po!
So ibig sabihin haharap ka sa mataas na kapulungan para ibigay sa iyo ang option 2 habang iniintay natin ang black arrow which is option 1. Which mean iisip ako at ang mataas na kapulungan ng pansamantalang solusyon.
Okay po salamat po ulit, muli na naman akong kinabahan at ipinagdadasal ko na sana di mahirap ang solusyong iyon.
Nag intay ako ng almost 2 hours sa labas ng papasukin ako sa mataas na kapulungan at nagulat ako sa solusyong kanilang napagdesisyonan.
BINABASA MO ANG
The Cupid's Mistake
FantasyWhat if kung ang nagtataguyod ng pag ibig ay nagkamali,paano niya ito magagawan ng solusyon at paano ito makakaapekto sa mga taong sangkot sa pagkakamaling ito? Ano nga ba ang totoo sa likod ng mga kuwento ng nakaraan!