Chapter 5 What's going on

11 0 0
                                    

Pagmulat ng aking mga mata, inilibot ko ang aking mata sa di pamilyar na kuwarto maputi ang buong paligid, alam kong di ito aking kuwarto, pagtingin ko sa aking tagiliran nakita ko ang suwero na nakatakid sa aking kamay. Susubukan ko sanang tumayo pero bigla akong nahilo. Nakita ko sina dad sa upuan natutulog tinignan ko ang orasan 3 :00 na pala ng madaling araw.
Naramdaman kong may tumayo sa kinauupuan nina dad at mam. Narinig ko ang isang pamilyar na boses,
Gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo? Yanna
Okay lang po ako ma!
Maya maya pa may nagsalita sa likuran namin
Mabuti naman at ayos na ang pakiramdam mo Yanna,
Opo dad!
Dahil diyan sa artista mo kaya sinakripisyo mo ang pamilya mo pati sarili mo, anak ang katigasan ng ulo kailan man ay hindi magdudulot ng mabuti sayo,. Hindi masama ang humangad ka na mahalin din tayo n
g mahal mo pero anak wag nating kalimutang magtira ng kahit maliit na respeto at pagmamahal sa sarili mo.
Wala akong nagawa kundi umiyak sa sinabi ni dad, may point naman siya, ano nga ba ang mahihita ko sa pagkakaroon ko ng gusto sa isang lalaki na kailan man ay hindi hinding mapapasa akin. Ang unfair talaga ng mundo, ang unfair ng pag ibig, ang pait ng pagkakataon. Hindi lang pala langit at lupa ang pagitan namin kundi bituin siya ako naman isang butil lang ng buhangin sa dagat. Kailan man di humalik ang bituin sa buhangin. Sabi nga ni Shakespeare, "The course of true love never did run smooth"

Pinauwi ko na sina dad upang makapagpahinga sila, di pa kasi ako puwedeng umuwi kasi itetest pa daw ako.

Mayamaya may pumasok sa aking kuwarto nakita ko ang name tag niya sa suot niyang doctor's coat.
Doctor Carlisle Salvandrez.
Uhh, good morning Ms. Yanna.
Oh no! Ang guwapo niya, miski nakasuot siya ng eyeglasses guwapo siya! Nakakaakit ang pagiging mukha niyang professional, sa aura pa lang niya at postura di mapagkakaila na mataas ang kanyang pinag aralan.
Miss, okay ka lang ba? I am asking you kung may masakit pa ba kayong nararamdaman!
Uhh, sorry dok, okay na po ako pero medyo nahihilo lang ng konti.
Ahh! Siguro ay dala pa yan ng trauma sa pagkakatumba niyo ni Mr. Kristoff.
Noon ko lang naalala ang mga nangyari kahapon, oh my gosh, noon ko lang naramdaman ang ganung pakiramdam na parang tinamaan ng kidlat.
Dok, if you don't mind kamusta na po si Kristoff?
He's on stable condition na! May konti pang iniintay na test result.
Gising na po ba siya?
Ahh, oo! By the way, may relasyon ba kayo ni Kristoff?
Bkit po niyo naitatanong dok? Natatawa kong sabi?
Kasi although hindi niya masabi kong anong tunay mong pangalan hinahanap ka niya, tinatanong niya lagi kong anong nangyari sa babaeng kasama niya noong natumba kayo!
Bka naman po si Mam Tricia ang hinahanap niya?
Sinabi na nga namin pero hindi daw si Tricia kaya nagconclude kami na ikaw ang kanyang hinahanap.
I had lost word! Nang marinig ang mga salitang aking narinig.

The Cupid's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon