Chapter 3

34 5 0
                                    

TDOC Chapter 3

"There are many little reasons to be happy. One is probably when you stared at your crush and found him staring back at you." -K.M.P

❦❦❦


Mathematics Month na, at ngayon ang schedule ng Tower of Hanoi Challenge at Quiz bee. Hindi ko lubos akalain na manonood ako ng ganitong klase ng competition.

Tumayo ako malapit sa stage. Wala akong kasama. Absent si Angela. Mas okay sana na nandito siya para may ka-chikahan ako para hindi rin halata 'yung pakay ko rito.

"Anong section mo?" May lumapit sa akin na babae, organizer ng mga activities.

"Section 6 po."

"Kasali ka ba? Pumunta ka na sa backstage."

"Naku. Hindi po!"

"Sa quiz bee? Mamaya pa 'yun. Sa AVR gaganapin."

"Mas lalong hindi po!" Todo iling ko. Umalis na siya kaya nakahinga na ako nang maluwag.

I'm just an average learner. Hindi pang-contest, pero pasado naman mga grades ko. No pressure and high expectation from my parents. Sa crush ko lang ata ako mapi-pressure.

What? I'm already acknowledging that he's my new crush? Ang bilis Kaylen, ha!

Pumirmi na ako nang lumabas na lahat ng kalahok at lumapit sa nakahilerang lamesa. Nandoon 'yung gagamitin nila.

Pinigilan ko ngumiti nang makita si Kiandro. Wala siyang suot na salamin ngayon. Siguro reading glasses niya lang 'yun. With or without, he really has a look that screams intelligence. Siguro sa tindigan niya. Plus he's neat. Very prim. 'Yung uniporme niya pa, sarado 'yung butones hanggang collar, he's clearly giving a good guy image.

Yumuko na siya at inilagay ang kaliwang kamay sa likuran. One hand lang daw sila.

The Tower of Hanoi Challenge has started in no time. Hindi ko pa nalaro 'yan. Basta ang alam ko, pabilisan 'yan ng paglipat ng disk sa mga tower, pero dapat nakaayon pa rin ito sa arrangement.

Nakakalito kahit nanonood lang ako. But Kiandro? He knows how to concentrate. Grabe 'yung hand-eye coordination. Ang bilis! Ang expert gumalaw ng kamay niya.

Nakisabay ako sa palakpakan ng mga iba ring nanonood nang mauna si Kiandro natapos at itinanghal na panalo.

Hindi na ako nakapanood ng quiz bee dahil limited lang ang puwede manood. Saka hapon 'yung schedule ng mga seniors. Kailangan ko rin umuwi 'no. But that was okay. Nabalitaan ko naman na panalo raw siya.



***


"Ma, nandiyan na si Papa!" excited kong sambit habang nakasilip sa bintana at nakita ang kotse ni Papa na pumarada.

Tuwing Linggo nauwi siya rito sa'min. Daya nga, eh. Anim na araw siya sa trabaho niya tapos aalis din agad pagkarating dito.

"Oh, ready ka na agad? 10 a.m. pa tayo aalis," pansin ni Papa. Naka-ayos na kasi ako.

"Why not now?"

"What's the rush about?" he chuckled.

"Baka late po tayo makarating sa simbahan. Baka hindi po natin maabutan..."

"Sakto lang palagi ang dating natin."

Napanguso ako. He was right. Sakto ang dating namin, subalit hindi naman sakto ang puwesto.

Ang layo sa unahan... kung nasaan ngayon si Kiandro. My gaze was fixed on him. He was sitting, crossing his legs while a guitar was placed on his lap. Ito ang unang beses na makita ko siyang may hawak na gitara. Itinotono niya pa lang ang instrumento, at ilang sandali pa, tumayo na siya at isinuot na ang strap nito.

The Downfall of CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon