TDOC Chapter 5"It's the connection we can't explain. It's hard to put it into words, but when heart speaks, we will love the idea of where it leads." -K.M.P
❦❦❦
"Naks! Nanghiram ka lang pala ng libro sa kaniya, chinat ka na niya, at heto, lalabas at kakain na kayo nang sabay," nakangiting tudyo ni Angela habang hawak ang salamin na ginagamit ko ngayon. I'm styling my wavy side hair with a hairpin."Malapit ka na magka-boyfriend, ah. Feeling ko talaga magkakatuluyan kayo."
"Magdilang anghel ka sana, Angge."
Tumayo na 'ko, at dahil uwian na, sabay na kaming lumabas ni Angela. Pasimple siyang nang-asar sa akin nang matanaw namin si Kiandro sa main gate. Nakatayo roon at hinihintay ako.
Yup, he's waiting for me. Ngayon ang usapan namin. I still can't believe that we're already exchanging chats. Humahaba na 'yung convo namin dahil sa simpleng tanungan kung busy ba, saan kami magkita, ano oras, at kung tuloy ba.
"Tara na," aya ko nang makaalis na ang kaibigan ko. Sabay na kami naglakad ni Kiandro. Ang layo ng pagitan namin sa isa't isa.
Normal lang naman siguro 'to. 'Yung may kaunting ilangan pa dahil we are still trying to connect with each other.
"Kiandro..." I called. "Kung masusundan 'to, kahit isama mo mga best friend mo para hindi ka ma-awkward."
He cast a sideways glance. "I don't have close friends. Wala akong isasama."
"Kahit doon sa simbahan?"
"Sakto lang. Mga kakilala at nakakausap naman."
I just nodded. Clearly, he's not outgoing. The opposite of me. I'm a social butterfly. Si Angela 'yung best friend ko talaga. Then, the rest, I consider them my seasonal friends.
"Pili ka na kahit ano," turo ko nang makarating na kami sa karinderya na malapit lang sa school namin. Dito na lang daw kami, eh. Balak ko sana sa mall. May kaya naman kami, so walang problema sa'kin kahit saan siya ilibre kaso mukhang nahihiya siya.
He only ordered rice and fried chicken. Ginaya ko na lang tapos bumili ng softdrinks namin. Habang nagbabayad, nilingon ko siya, nakahanap na siya ng mesa namin. Inayos niya rin ang bag ko. He put it above his bag.
"Let's eat," sambit ko pagkababa ng order namin.
I closed my eyes and mumbled a short thank you prayer. Pagdilat ko, nagtama ang mga mata namin ni Kiandro. I don't know kung gutom lang 'to pero nahuli kong may gumuhit na munting ngiti sa labi niya.
Idinaan ko na lang sa pagkain ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.
"Hi, Kaylen!" Sandaling nalingat ang tingin ko nang may tumawag sa'kin. "Gumaganda ka lalo," bati nung lalaking napadaan.
"Salamat." Pinamulahan ako ng mukha nang magtuksuhan ang mga kasama niya. Mabuti umalis din sila agad.
"Your friends?" Kiandro suddenly spoke.
"No. Nakikita lang. 'Yung kumausap sa'kin, umamin noon na crush daw ako."
"Nanliligaw sa'yo?"
"Hindi nga, eh." Maraming umaamin sa akin, mga halos ka-year level ko lang, pero hanggang doon lang. May iba nagpapaalam na manligaw kaso hindi consistent. May iba naman gusto daw ako, pero iba naman ang niligawan.
"Gusto mo rin?" Kiandro casually asked.
"Ewan."
"Paano kung nanligaw?"

BINABASA MO ANG
The Downfall of Cupid
RomansaBecause of her witty love advice and strategies, Kaylen Milena Peralta is regarded by her friends as a female version of Cupid. But how ironic, given her fear of committing to a relationship. Basta maalam lang siya sa pag-ibig kahit hindi pa naman t...