The Only Man 2: Venomous Lust
Part 1
"Birthday mo na bukas ah, anong balak mo?" tanong sa akin ni Nick habang lumalabas kami ng campus.
"Wala, kaunting ininuman lang tapos videoke. Wala namang ibang gagawin," ang sagot ko naman.
"Hindi ka man lang ipaghahanda ng mama mo? Akala ko ba okay na kayong dalawa? Nakakatuwa nga e, masyadong cool si Tita Roxanne," tugon ni Nick habang nakangiti.
"Kaya nga ayokong mag celebrate kasama siya, dahil masyado siya cool at ayoko ng ganoon," masungit kong sagot dahilan para matawa siya at tapikin ako sa balikat. "Hala, mainit talaga ang ulo kapag si Tita Roxanne na ang topic?"
"Oo, kagabi ay umalis na naman siya suot yung red slutty dress niya at madaling araw na sila umuwi ng mga kaibigan niyang ngayon pa lang nagdadalaga. Mga tumatandang paurong," ang naiinis kong sagot.
"Oy, sobra ka naman sa tumatandang paurong, hindi ba pwedeng nalulungkot lang siya dahil single na siya? O naisip mo bang magkakaroon ka ulit ng bagong ama?" tanong nito sa akin.
"Wala akong pakialam sa mga bagay na gusto niyang gawin. Kahit magdala pa siya ng mga lalaki sa bahay ay hindi ko siya pinapakialaman, si Philip ang ama ko at wala ng iba pa," ang masungit kong sagot.
"Hala, beast mode talaga? Pwede relax ka lang, wish ko magkaayos na kayo ng mama mo para happy na happy na ang lahat."
"Kung titigil siya sa mga ginagawa niya, siguro ay mababago ang lahat sa aming dalawa. Pero ngayon? Never!" ang tugon ko naman sabay sakay sa taxi at dito ay napatingin na lamang ako sa labas ng bintana. Ang mga ala-ala ng kahapon ay unti unting nag babalik sa isipan, noong mga panahong maayos pa ang lahat.
Grade school pa lamang ako ay tila ramdam ko na talaga na may kakaiba sa akin. Parang bang kahit ano ang gawin ko ay hindi ako nagkakagusto o humahanga sa mga kaklase kong babae. Karaniwan ay mas nagkakainterest ako sa mga schoolmate kong lalaki na mas matanda kaysa akin ngunit siyempre ay observation ko lang naman ito sa aking sarili. Hindi ko masyadong binibigyan ng pansin dahil masyado pa akong bata noon para isipin ang mga bagay na ganito.
Sa paglipas ng panahon ay mas tila nakilala ko ang aking sarili hanggang sa matanggap ko na isa nga akong bakla. Pero gayon pa man ay wala akong pinagsabihan, itinago ko ito at pilit na kinalimutan. Kumilos ako ng matigas, walang bahid ng kahit anong kabadingan, nakikipagsabayan ako sa mga kaklase kong lalaki at nagpapakaastig katulad nila.
May isang punto pa nga sa aking buhay noong grade 4 kami ay pumila kaming magkakaibigang lalaki sa oplan tulian doon sa project ng barangay at sumalang kami sa pagpapatuli kahit walang paalam sa aming mga magulang. Ginawa ko ito para maging kasing astig nila. Kailangan kong magtago, kailangan walang makaalam kung ano talaga ako dahil baka iwasan ako ng mga kaibigan ko o ang masama ay pagtampulan pa nila ako ng tuwa at tukso.
Grade 5 kami noong sabay sabay kaming naligo sa ilog ng hubo't hubad, siyempre lahat kaming magkakaibigan ay tuli na kaya naman ang yayabang namin noon. Ang hindi ko lang maunawaan ay bigla akong tinigasan noong makita ko ang kanilang mga kahubaran. At dito ay pinagtawanan nila ako kaya naman sa hiya ay agad akong lumubog sa tubig at sumigaw ng "malamig kasi eh!"
"Eh bakit ako di naman tinitigasan kahit malamig, siguro bakla ka Ryan," ang biro ng isa.
"Bakla? Hindi ah! Tangina pala, gusto ko nga ligawan si Christine e," ang hirit ko naman.
"Wow, pare ayos ka. Maganda si Christine malay mo siya maging first girl friend mo, ligawan mo siya. Susuportahan ka namin," ang hirit nila sabay tapik sa aking balikat.
Simula noong araw na iyon ay hindi na ako sumama sa kanila maligo. Kahit inaaya nila ako ay hindi na ako pumapayag, nagdadahilan ako dahil ayoko ng mapahiya. Ewan ko ba naman, alam ko naman sa sarili ko na isang akong bakla pero bakit kaya masakit kapag tinatawag nila akong ganoon? Marahil ay hindi ko pa lubos na niyayakap ang sarili ko kaya't masakit para sa akin ang tawaging ganoon.
![](https://img.wattpad.com/cover/323276358-288-k664219.jpg)
BINABASA MO ANG
The Only Man 2: Venomous Lust
RomanceJerry was introduced to him as her mother's boyfriend though he feels that the big age gap between the two makes them incompatible partners. Roxanne is already 49 years old while Jerry is only 35. It was also not known to them where Jerry came from...