Part 3

378 18 0
                                    

Part 3

"Ang ibig mong sabihin ay nag uwi na naman ng lalaki ang mama mo? Mukhang nakakarami na si Tita Roxanne ah," ang wika ni Nick noong bisitahin ko siya sa kanyang apartment.

"Oo at mas bata sa kanya ng ilang taon. Medyo nasanay lang siguro ako na kasi edad niya o mas matanda pa yung inuuwi niya. Sa hilatsa ng mukha nung lalaking iyon ay tiyak na mamemera lang iyan kay mama," ang sagot ko naman.

"So anong plano mo?" tanong ni Nick.

"Wala, nag decide ako na dito muna ako mag sstay sa apartment mo hanggang nandoon sa bahay yung social climber at user na lalaking iyon," ang tugon ko naman.

"May magagawa pa ba ako? Dito ka na lang muna kaysa naman araw araw kang high blood at wala sa kondisyon. Gawin na natin itong power point presentation natin para matapos na ito ng maaga," ang sagot ni Nick.

Halos mag iisang linggo na ang nakalilipas magbuhat noong mag uwi si mama ng lalaking kinakasama doon sa bahay. Parang naging masikip sa amin ang mundo. Hindi ako komportable na may ibang tao doon kaya kadalasan ay nakakulong lang ako sa kwarto. Ang sabi sa akin ni mama ay iconsidered ko daw ang kanyang happiness pero hindi ko ito magawa lalo't hindi ako pabor sa kanyang mga ginagawang pag uuwi ng lalaki dito sa bahay. Daig pa niya ang nagmumurang kamatis o yung mga babaeng kung kailan tumanda saka umawra ng todo.

Ilang beses ko na ring kinompronta si mama na palayasin ang lalaking iyon ngunit nag aaway lamang kami. "Bakit kasi dito pa iyan titira? Pang ilang lalaki na iyan ah," ang paninita ko.

"Ry, walang matutuluyan yung tao, galing pa siya sa malayong probinsya. Masyado namang malaki itong bahay diba? Ano lang ba naman yung bigyan siya ng isang maliit na guest room doon sa itaas," ang wika ni mama.

"Sana binigyan mo na lang siya ng pang upa sa bed space. Ang sabihin mo kaawrahan mo yang lalaking iyan at gusto niyo mag live in dito sa bahay," ang sagot ko sa kanya.

"Ry, hindi ba't inamin ko naman sa iyo at the first place na kami ay may relasyon ng tito Jerry mo. Bigyan mo lang siya ng chance."

"Hindi ko siya tito, basta ang masasabi ko lang ay mag ingat ka sa mga lalaking pinagkakatiwalaan mo dahil baka ang iba sa kanila ay gold digger, mang gagamit at mapagpanggap," ang sagot ko naman sabay tingin sa kanyang lalaki na noon ay nakatahimik lang habang nakaupo sa sofa doon sa sala. Hindi naman mataas ang boses ko, modulated lang ito pero batid kong naririnig pa niya ang aming confrontation scene ni mama.

"Ah basta, bigyan mo ng chance ang tito Jerry mo at sana ay bigyan mo rin ako ng chance maging masaya," ang panapos na sagot ni mama sa akin kaya naman tumahimik na lang ako at lumabas.

Tumambay ako sa harap ng aming bakuran. At dito ay nagmuni muni ng sandali. Hindi pa halos nag process sa akin yung mga desisyon ni mama at malinaw naman na hindi ako naging pabor dito. Sa mga ganitong oras ay lalo ko lamang namimiss si papa. Sana ay nandito pa siya at sana ay may nakakaunawa sa aking nararamdaman ngayon.

Tahimik.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay laking gulat ko noong lumapit sa akin si Jerry na kapareha ni mama. Hindi ako humarap sa kanya at hindi ko siya pinagtutuunan ng pansit. "Ry, alam kong galit sa akin, pero sana ay huwag kang magalit sa mama mo. Sadyang mabuting tao lamang siya at matulungin sa mga nangangailangan, katulad ko," ang bungad nito.

"Malalaman ko rin naman kung ano ba talaga ang totoong pakay mo kay mama," ang sagot ko sa kanya.

"Ry, wala akong masamang pakay sa mama mo. Mabuti ang intensyon ko para sa kanya at kahit na kailan ay hindi ko inisip na mang gulo sa inyong dalawa. Hayaan mo, bukas na bukas rin ay hahanap na ako ng lugar na matutuluyan," ang sagot niya na may tonong lungkot na lungkot.

The Only Man 2: Venomous LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon