Palusot 1
---->Ang assuming mo naman. Hindi ba pwedeng masaya lang kasi nabeat ko yung high score
****
"Hello guys I'm Meilyn Qinry but you can call me Mei for short"yan ang kanina ko pa sinasabi. Eto ang ayaw ko pag first day of school. Laging may pakilala portion na ginagawa. Lahat naman ng classmate ko kilala ko na, paano sila din naman yung mga kaklase ko dati.
Tumingin na lang ako dun sa labas. Thankful ako kasi sa tabi ako ng bintana nakaupo. Wait....tama ba yung nakikita ko? Ohhmyygwapooo out there. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo niya. Sarap titigan. Yung tipong pag nagugutom ka, titigan mo lang siya busog ka na may dessert ka pang extra.
"Hoy babae para kang timang kung makatingin diyan sa labas. Don't tell me type mo yung guard nitong school?"hindi ko namalayan nakaalis na pala si crush. Lumilipad kasi isip ko e. Sakto namang dumaan yung guard at yun yung nakita nitong katabi ko
"Edi ikaw. Ikaw nakaisip niyan e"siraulo naman kasi tong katabi ko. Anong tingin niya sakin? Walang taste?
"E bakit mo tinitingnan yung guard?"tanong pa netong epal na to
"FYI lang hindi ko tinitingnan yung guard no. Iba yung tinitingnan ko"*rinnnggg**rinnnggg**rinnnggg*
Break time na. Buti naman nagbreak na nakakaboring na kasi e. Puro pagpapakilala lang chuchu yung ginagawa. Bakit ba kasi nauso pa yun e?
"Mei yun yung crush mo oh"sabi ni Sam yung katabi ko kanina. Pagtingin ko dun sa tinuturo niya yung guard pala. Siraulo talaga to
"Ewan ko sayo"inirapan ko siya
"Kunyari ka pa e"pabulong niya lang yang sinabi, rinig na rinig ko naman
"Ugok. Diyan ka na nga punta muna ako dun sa park"sabi ko sa kanya. Pupunta ako dun sa mini park nitong school namin. Dun ko na lang kakainin tong binili ko na hamburger at juice.Naubos ko na yung kinakain ko pati yung juice. Tambay muna ako dito tutal may 20 mins pa naman bago matapos yung break time.
"Excuse me Ms"may nagsalita sa likuran ko
"Hmm....Yes?"O_O pagharap ko nakita ko si....si....crush. Tama ba tong nakikita ko? Siya ba talaga yan. Bakit ba ang gwapo niya? Hmm..Yummy. For the first time nagkausap din kami. Sa wakas. Dream come true. Oa na ko
"Teka ayos ka lang ba?"
"Teka sandali diyan ka lang ha. Wag kang aalis sandali lang"sabi ko sa kanya tas tumakbo ako sa malayo. Kailangan kong ilabas to. Kailangan kong ilabas tong kilig na nararamdaman ko
"Kyaaaaaaahhhh. Ang saya-saya ko"nagtitili ako habang tumatalon. E sa kinikilig ako e.Oa man masyado kinikilig talaga ako e. For the first time nagkausap din kami.
"Bakit? Dahil ba sakin?"*lunok laway* Don't tell me sinundan niya ako? Nakakahiya. What am I gonna do? Isip-isip. *Light Bulb*
"Ang assuming mo naman. Hindi ba pwedeng masaya lang kasi nabeat ko yung high score"maniwala ka *cross finger * kumunot naman yung noo niya
"Pinapatawag ka ni Ma'am F."sabi niya ng di parin nawawala yung pagkakunot ng noo niya. Mukhang nawirduhan siya sakin. T_T :(