Palusot 4

103 7 0
                                    

Palusot 4

---->Naku! Hindi a. Paano naman magiging akin yan e ayaw ko nga sa mga ganyang bagay. Tsaka hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang walang kwentang bagay na yan. Kung ako sayo itatapon ko na lang yan.

****

Nakaupo ako ngayon sa ground kita ko kasi dito si crush. Mula sa malayo pinagmamasdan ko siya. Ganito naman lagi ang gawain ko e. Patingin-tingin sa kanya mula sa malayo. Nakaw tingin lang ako palagi. Nakausap ko na siya ng tatlong beses. Tapos nung nagtapat ako inakala niyang nagjojoke lang ako. Bigti na ako Huhuhu T.T

"Hoy kanina pa kita hinahanapNandito ka lang pala"sabi ni Sam

"Bakit? Ano kailangan mo?"

"Wala akong kailangan may itatanong lang ako sayo"baka kalokohan na naman yun, madalas kasi puros kalokohan ang alam ni Sam

"Ano yun?"

"May gusto ka ba kay Ram?"What?paano niya nalaman?

"Paano mo nalaman? Siguro manghuhula ka no, I mean paano mo nasabi na may gusto ako sa kanya?"sobra kong pinagkatago-tago yun e

"Huli ka na magdadahilan ka pa"sabi niya ng nakangiti ng wagas. Ang bobo mo kasi Meilyn sumagot e

"Oo na"pag amin ko

"Gusto mo ilakad kita sa kanya?"

"Hindi nga kayo close tapos ilalakad mo ko"kahit isang beses nga hindi ko pa sila nakikitang mag-usap

"Akong bahala"sabi niya

"Huwag na"bigla siyang tumakbo tas humarap sakin nung nakalayo na siya tsaka niya ako nginitian

"Hoy anong gagawin mo?!"pasigaw kong tanong kaso nakatakbo na siya ulit


Time check: 12:25 pm

May ilang minuto ba bago matapos ang lunch break. Anong gagawin ko ngayon? Nakakaboring tumunganga. Naboboring din naman akong maglaro ng games. Alam ko na magsusulat na lang ako sa diary ko. Gustong-gusto ko kasi tong diary ko. Sa katunayan nga mas gusto kong pagkaabalahan ang pagsusulat dito sa diary ko kesa sa ibang bagay.

_

_

Tapos na akong magsulat dun sa diary ko. Pupunta na ako ngayon sa room namin malapit na kasing mag time.

"Best alam mo ba nginitian ako ni Ram kanina"sabi nung isa sa kaklase ko

"Talaga ang swerte mo naman"komento naman nung isa

"Nagkausap nga din kami e"dagdag pa nung isa

"Swerte mo. Sana ako din"bakit ba ang lakas ng boses nila? Pwede namang magkwentuhan ng mahina e. Qiqil ako

"Selos ka no?"bulong ni Sam sinamaan ko naman siya ng tingin. Spell epal S-A-M.


"Mei peram nga pala ako nung notes mo kanina"ayan ang tamad kasing magsulat

"Kunin mo na lang diyan sa bag ko yung kulay green na notebook yun"busy na kasi akong maglaro ng cellphone ko tutal wala pang teacher 


Maya-maya pa dumating na si Ma'am


"Class may emergency meeting ang mga teacher ngayon kaya pwede na kayong umuwi"sabi ni Ma'am

"Mei hindi ako sasabay sayo aMay gagawin pa ako e. Ingat na lang"sabi ni Sam

"Ikaw bahala.Bye"sabi ko tapos naglakad na ko palabas. Ang daming estudyante ang naglalabasan kaya pumunta muna ako dun sa ground iintayin ko muna na maubos yung estudyante para hindi siksikan paglabas. Titingnan ko na nga lang yung mga picture ni Ram na nakadikit sa diary ko. Teka nasaan ba yung diary ko *hanap* *hanap* Bakit nawawala? Nasaan na yun?

Si Sam lang naman ang gumalaw nitong bag ko. Hindi kaya kinuha niya yun, pero aanhin niya naman yung diary ko. *hanap ulit sa bag* Teka bakit nandito yung notebook nahinihiram ni Sam kanina? I knew it si Sam ang salarin sa pagkawala ng diary ko.

"Excuse me Miss? Sayo ba ito?"kilala ko kung kaninong boses yun a. Pagharap ko sa kanya. Hawak niya yung diary ko.O.O

"Nakita ko kasi to kanina pa kaso hindi ko makita kung sino ang may-ari nung binuksan ko naman wala namang pangalan tapos nakita kita na parang may hinahanap. Sayo ba to?"wtf binuksan niya. Baka nabasa niya yung mga nakasulat puro tungkol sa kanya panaman lahat ng nakasulat dito

"Naku! Hindi aPaano magiging akin yan e ayaw ko nga sa mga ganyang  bagay. Tsaka hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang walang kwentang bagay na yan. Kung ako sayo itatapon ko na lang yan"itapon mo na lang yan

"Hahanapin ko na lang yung may-ari"paano mo mahahanap? E ako may ari niyan!

"Ako na lang magtatapon para sayo"sabi ko nung tumalikod na siya

"Ako na lang magtatapon"sabi niya. Hay buti na lang. Sayang nga lang yung diary ko T.T

"Bye"O.O nag babye siya sa akin? Kyaaaah kinikilig ako.

"Ganda mo talaga Meilyn"sabi ko sa sarili ko

"Nagbabye lang ganda agad?!"kontra ng isip ko. Epal lang, walang suporta e.

My 10 PalusotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon