Palusot 3
---->Ano kasi....ahmm....yun yung line ko sa drama club nitong school natin
****
Its been a month since nagkausap kami ni crush. Nakakainis naman hindi na naulit. Magtapat kaya ako sa kanya? Pansinin niya kaya ako? Pero nahihiya ako e. Baka mabusted lang ako. Kung di naman ako magtatapat baka maunahan ako ng iba. Pagnagkataon na ganun nga ang mangyari NGANGA ako neto. Waaaaah ayoko akin lang siya. Kailangan kong magtapat mamaya. Busted man ayos lang atleast naipahayag ko ang nararamdaman sa aking iniirog.
"Fighting!"determinado kong sinabi sa sarili ko
"Meilyn quite"shet napalakas pala yun. Masungit pa naman yang teacher na yan
"Sorry Ma'am"
"Hoy Mei! makikipag-away ka?!"sabi ni Sam
"Siraulo"
"Nagtatanong lang e. Ang sungit nito. Sasama lang naman ako. Pwede ba?"
"Bakit ba ang kulit mo? Ilang beses ka ba inire ng nanay mo?!"
"Malay ko tanong mo sa nanay ko. Malalaman mo yun sigurado ako"hay sumasakit na ang ulo ko*rinnnggg**rinnnggg*(lunch time)
"YES!"ako nagsabiniyan pagkarinig na pagkarinig ko nung bell. Tiningnan naman ako ng masama ni Ma'am
"Hindi ka naman excited niyan"sabi ni Sam
"Pakialam mo?!"with matching irap paLumabas na ako dun sa room namin. Hahanapin ko si crush magtatapat ako. Kaya ko kaya? Bahala na si ako.
Iyun si Ram my loves. Nandun siya sa mini park kumakain ng lunch niya. Sakto walang tao dun sa mini park siya lang. Kasi tuwing lunch time halos lahat ng estudyante dito sa school dun sa cafeteria kumakain. Maaliwalas kasi dun tapos may malaking flat screen TV din dun. Nagsusurvey nga sa buong school linggo-linggo kung anong movie ang papanuodin, kung anong mas madami na nirequest yun ang papanuodin.
"Ram"tawag ko sa kanya
"Bakit?"tanong niya. Inhale. Exhale.Laban Meilyn!
"May gusto kasi akong sabihin sayo"kinakabahan ako. Dug.dug.dug.
"Ano ba yun?"eto na sasabihin ko na
"Ahmm....ano kasi..hmm...matagal ko na tong n-nararamdaman at gusto ko sanang aminin sayo ngayon na may gusto ako sayo at sa tingin ko m-mahal na kita"nakita ko naman sa mukha niya kung paano siya nagulat sa sinabi ko
"Joke time ba to?"ouch! Tingin niya pala nagjojoke lang ako. Sobrang seryoso ko ngayon tapos iyun lang ang sasabihin niya. T.T
"Ano kasi....ahmm....yun yung line ko sa drama club nitong school natin"
"Ayos ba acting ko?"tanongdagdag ko pa. Nice Meilyn! Ang galing mo mag-isip ng palusot. Birigud.
"Oo"tas nag thumbs up siya
"Sige salamat"T.T