005

0 1 0
                                    

"Buwan"
By :: AuthophileMe

Buwan,na siyang nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo
Buwan,na siyang kasama ko sa tahimik na gabi
Buwan,na dinamayan ako sa kalungkutan
Buwan,na siyang nagbigay gabay sa daan ng mga pusong nasaktan

Ika'y katulad ng buwan
Sapagkat pinaliliwamag mo ang madilim kong mundo
Ngunit katulad ng buwan
Liwanag mo'y mawawala pagdating ng araw

Para kang buwan
Sapagkat ako'y iyong sinamahan at dinamayan sa gitna ng kalungkutan
Ngunit katulad din ng buwan
Ako'y iyong iiwan kapag araw na ang dahilan

Sinisimbolo mo ang buwan
Sapagkat sa aking daan ako'y iyong ginabayan
Ngunit di lang sa aking daan ako'y iyong ginabayan
Pati rin sa daan kung saan ako'y masasaktan

Ikaw ang aking buwan na nagpaliwanag
Ngunit siya ring nagbalot ng dilim
Sa aking pusong iyong binuo
Na iyo rin namang sinira

My PoemsWhere stories live. Discover now