008

0 1 0
                                    

"Ama"
By :: AuthophileMe

Siya ang haligi ng ating tahanan
Ang nagpapatibay ng ating samahan
Siya ang nagtatatag ng pundasyon ng pamilya
At nagpapanatili ng buhay na maginhawa

Siya ang nagsusumikap
Upang hindi tayo maghirap
Kaya dapat tayong magpasalamat
Sapagkat may ama tayong nagbibigay ng pangangailangan nating lahat

Sa kanilang mga sakripisyo
Tayo'y sumaludo
Saoagkat di lahat ng ama ay andyan para sayo
At nagbibigay ng pagmamahal sa inyo

Kaya sa mahalagang araw nilang ito
Ipakita natin ang pagmamahal natin sa kanila ng totoo
At wag umabuso dahil lang sa mahal tayo nito
Sapagkat di lahat ng ama at kayang tiisin ang ugali mo

Sa araw ng mga ama
Tayo'y bumati sa kanila
At sabihing "mahal na mahal kita ama"
"Maligayang araw ng mga Ama"

•|| AUTHOPHILE_ME ||•

My PoemsWhere stories live. Discover now