Chapter 3 : The black yesterday ~

27 1 3
                                    

Jenny's POV

Alas dose na ng madaling araw. iniisip ko parin yung tungkol sa huling regalo. Iniisip ko parin yung tungkol dun sa picture na nakaipit sa huling regalo. Yung tungkol dun sa nangyare last birthday ko. Yung nangyare nu'ng last October. 24, 2013.

Gulong gulo ang isip ko. Hindi ko na kaya pang mag isip mag isa kaya naki tawag ako sa phone ni mama para tawagan sila Cara, Carlo, Lesley, Mikey, Jordan, Nathan, Kim at Jade thru conference call.

Inuna kong tawagan si Cara bilang bestfriend ko sya. Buti naman at sinagot n'ya agad ang tawag ko. Sinabi ko'ng wag nya'ng patayin dahil i-co-conference ko kaming mag to-tropa.

Tinawagan ko na silang pito na nakasama ko nuong nakaraang birthday ko pero si Lesley, Kim at Jordan lang ang sumagot ng tawag. Yung iba, tulog na ata kasi hindi sinasagot kahit nakaka ilang ring na. gabing gabi na rin naman kase at alam ko namang napagod din sila sa buong araw.

*Conference thru phone*

" Bakit ba tumawag ng ganito na ka late? mag e-eleven na ng gabi ah?" - medyo inis na sabi ni Lesley.

"Di ko rin alam kay Jen. bakit nga ba, Bes? na-miss mo na kame?" - sabi ni Cara.

"Sino-sino ba to?" - tanong ni Jordan

"Sila Cara, Kim, Lesley, Ako tsaka ikaw, Jordan. lima tayo." - sabi ko.

"E bakit nga may conference?" - pangungulit na tanong ni Lesley na medyo parang naiinis na. napaka arte! Parang hindi tropa.

"May weird na nangyare kasi," - sabi ko. "Or should I say, Merong weird na regalo akong natanggap." - dagdag na sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin dun?" - biglang mahinahon na tanong Lesley.

"Kase ganito yon..." - sabi ko sabay iki-nwento ko na yung tungkol sa regalo na natanggap ko. Yung tungkol sa black slumbook at sa larawang naka ipit dito.

"Anong picture?" - sabi ni Kim.

"Picture ng kakahuyan." - sabi ko.

"So? ano namang mer..?" - putol na sabi ni Lesley.

"Do you guys remember what happened last year?" - pasingit na sabi ni Kim.

"Oo." - sabay na sabi ni Jordan at Cara.

"Omg. tf. sinong makakalimot don?." - sabi ni Lesley.

"I think, kung sino mang nagpadala nitong regalo na to ,connected sya sa lahat ng mga nangyayari sakin." sabi ko.

"Ano bang nangyayare sa'yo?" - nagtatakang tanong ni Jordan.

Para malaman nila, iki-nwento ko na yung nangyare sakin kaninang madaling araw. Lahat ng nangyare at detalyado ko ring iki-nwento yung tungkol sa panaginip ko. pati yung tungkol sa lalaking humabol sa'kin kanina na kami lang dapat ni Cara ang nakaka alam.

"For real?!" - gulat na tanong ni Kim na parang si Kendra sa patalastas ng nesfruta.

"I-report na kaya natin sa pulis?" - mungkahi ni Lesley.

"Di pwede. kailangan muna nating masiguro na tama nga yung hinala ko ... o natin." - sabi ko.

*toot* *toot* *toot*, saktong alas dose nang biglang naputol ang linya. Di ko alam kung wala nang load basta isiniksik ko nalang yung phone ni mama sa unan nya kasi tulog na sya at palagi naman nyang nilalagay yung phone nya sa ilalim ng unan nya.

pinikit ko ng pilit ang mga mata ko nang biglang makarinig ako ng ingay mula sa bubong.

Feeling ko, may lalaki sa bubong namin. feeling ko, may naglalakad sa bubong namin. may tumatapak na tao. tao na gusto akong patayin. taong gustong maghiganti. taong gustong bumalik mula sa nakaraan.

umandar nanaman yung pagiging paranoid ko. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi yung nangyari nung naakaraang kaarawan ko. Yung taong yon na nakita namin sa kakahuyan. ayyst! wag na nga isipin muna. Buti nalang at sabado naman. walang pasok kahit mapuyat. at! sa 27, wala nang pasok kase short vacation narin naman.

inabot ako ng alas tres at napagod na rin ang mga mata ko. buti naman at naisipan ng antok na dalawin ako. ZZZZzzzz ~

×××

[October. 25, 2014 ; 8:00am]

Jenny's POV

*Yawns* ~ humikab ako at iniunat ang mga kamay. kahit ayoko pa ay kailangan ko nang bumangon. Nagagalit kase si mama pag tanghali na'ko nagigising.

"Tanghali na, Jenny! bangon na. Bangkay na yung kape mo. ga semento na sa tigas yung pandesal mo. bangon na!" - Sabi ni mama na sumisigaw mula sa baba.

Tumayo na'ko mula sa kama ni mama at lumabas ng kwarto.

Bumaba ako ng hagdan habang nagkukusot ng kaliwang mata at hawak hawak ang cellphone sa kabilang kamay para mag scroll down sa newsfeed ng fb ko at mag thankyou na rin sa mga bumati sa wall ko ng, "HBD MBTC".

iniisip ko parin yung mga bumabagabag sa isip ko simula kagabi hanggang sa maka upo ako para mag almusal.

"Oh! maghilamos ka muna." - sabi ni mama.

(Ayst. sa sobrang lutang ng utak ko, nakalimutan ko pang mag hilamos. iw hahaha.)

Tumayo ako at nag puntang banyo para mag hilamos. saka lang nagising ang diwa ko. Bumalik na ako sa Dining room para kumain ng almusal. Napatingin ako sa orasan at nakitang limang oras lang pala yung naitulog ko. Badtrip haha.

*Phone rings*

[♪] Love the way you lie : "Just gonna stand there and watch me burn, that's alright because I like the way it hurts. Just gon..."

Unknown number yung tumatawag. Hindi ko muna sinasagot dahil sa takot.

Natapos akong kumain ng mas mabilis kesa sa karaniwang mga araw. Naalala ko yung tungkol sa black slumbook at agad-agad akong bumalik sa kwarto ni mama at naghanap.

"MA! MAY NAPANSIN KA BANG ITIM NA NOTEBOOK?" - sabi ko ng pasigaw dahil hindi ko ito makita kung saan ko to huling inilagay.

"WALA!" - pasigaw na sagot ni mama.

Asan kaya yon? pffft. badtrip talaga na araw to.

--

Hi! ako to, yung author ng binabasa mong kwento. naks naman, chapter 3 kana, at pa punta na sa 4 pero di mo pa ata ako nafa-follow? kapal ng mukha mo ubusin ko lahi mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The black slumbookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon