Chapter 11. Intruder

7 2 0
                                    


Benj Pov

* BANG*

Nakarinig ako ng putok ng baril

" Kathlyn dito kalang" sabi ko bago  sinundan si Irish sa labas.

" Irish na saan ka?"  Sigaw ko habang hinahanap siya sa paligid.

Inikot ikot ko ang tingin sa buong paligid nahagip siya ng mga mata ko na tumatakbo palapit sa gate.

" Irish tumigil ka mag usap tayo" sigaw ko habang humahabol sa kanya.

Sandali bakit may mga dugo akong nakikita sa lupa. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo nakita ko naman na medyo bumagal siya ng kunti kaya malapit ko na siyang maaabutan.

" Benj hayaan mo nalang akong makaalis" sigaw niya na patuloy parin sa pagtakbo.

Ngayon mas lalo kong napansin na may mga dugo na lumalabas sa tagiliran niya. Natamaan siya ng baril sino ang bumaril sa kanya?

" Irish we need to talk kilala mo ba kung sino ang pumatay kay Nick? Kilala mo ba taong master mind sa krimen?"  Sunod sunod kong tanong.

* BANG*

Isang putok ng baril ulit ang narinig ko malapit lang sa amin. Biglang natumba si Irish sa sahig kaya mas lalo kong binilisan ang takbo papalapit sa kanya.

" Irish" sabi ko bago siya hinawakan nakita ko ang tama sa dibdib niya.

" Benj maniwala ka hindi ako ang pumatay sa kanya" mahina niyang sabi mayroong mga luha na lumalabas sa mga mata niya habang binibigkas niya yun.

" Huwag ka ng magsalita kailangan kitang madala sa hospital" sabi ko bago siya binuhat.

" Benj huwag na alam kong hindi na ako aabot sa hospital... mayroon akong.....gustong sabihin sayo.." 

Mayroong lumalabas na mga dugo sa bibig niya. Nilapit ko ang tainga ko at mayroon siyang ibinulong sa akin.

" Irish I'm sorry" sabi ko habang umiiyak hindi ko gusto na ganito ang kahahantungan niya.

Pagkatapos niyang masabi ang gusto niyang sabihin nalagutan siya ng hininga.  Humagolhol ako sa pag iyak habang yakap yakap ang walang buhay niyang katawan.

" Benj yumuko ka" sigaw ni Kathlyn nakita ko si Jess na nakatayo malapit sa amin.

May hawak siyang baril at nakatutok yun sa akin maaring siya ang taong bumaril kay Irish. Mabilis kong kinuha ang baril na nakatago sa jacket ko.

* BANG*

Sobrang bilis ng pagkalabit niya ng gatilyo natamaan ako sa tiyan tumakbo naman siya pagkatapos niya akong barilin.

" Hindi kita hahayaang makatakas" sigaw ko bago kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko. Nagawa ko siyang tamaan sa binti niya.

" Benj are you okay?"  Tanong ni Kathlyn ng makalapit siya sa akin.

" Kathlyn ikaw na ang bahala kay Irish hahabulin ko ang taong pumatay sa kanya" sabi ko bago tumayo.

"Benj huwag masyadong delikado isa pa may sugat ka" pagtutol niya.

" Kathlyn Do what I say" 

" Okay pero mag iingat ka humingi na ako ng tulong sa mga pulis maya maya nandito na sila"

Pinunit ko muna ang damit ko at nilagyan ng tela ang sugat ko para tumigil ito sa pagdudugo. Pagkatapos tumakbo ako ng mabilis para habulin siya. Sinundan ko ang mga patak ng mga dugo galing sa sugat niya papunta yun sa labas. Nakabukas na ang gate ng safehouse nakita ko ang mga patak ng dugo na papasok sa kagubatan. Wala akong magagawa kung di sundan siya hangang sa tumigil ang bakas ng mga dugo sa harap ng isang malaking puno.

Friday Loop Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon