Benj Pov.
FLASHBACK
" Makinig ka mayroon akong sasabihin sayo isang katotohanan na maaaring makatulong o makasaira sayo"
" Sabihin mo sa akin"
May kinuha siyang larawan sa bulsa niya
" Tingnan mo ng mabuti at makinig ka"
Natulala ako ng makita ang larawan na ibinigay niya si Gray ang bumaril kay Irish.
"Sandali paano mo to nakuha?" Naguguluhan kong tanong
" Sinusundan kita ng palihim sa safehouse habang naglalakad ako sa paligid nakita ko siyang binaril si Irish" paliwanag niya halos hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.
" I really thought na si Jess ang pumatay sa kanya"
" Kahit isang kriminal hindi kayang pumatay ng mga taong mahal nila Benj"
Nakaramdam ako ng guilt sa loob ko dapat naniwala ako sa kanya.
" I'm sorry Jess" bulong ko bago kumawala ulit ang mga luha sa mga mata ko.
" Huwag kang umiyak mayroon pa akong sasabihin"
" Tungkol ba kay Gray?" Tanong ko tumango naman siya bilang tugon.
" Isa siyang sikat na assassin sa underground marami na siyang pinatay mga innosent at kriminal na tulad niya pumapatay siya dahil sa pera"
" Sandali assassin?" Gulat kong tanong
" Tama ang narinig mo kunti lang ang nakakaalam tungkol sa pagkatao nila kaya malaya silang nakakakilos"
" Bakit hindi mo siya hulihin?"
" Hindi siya parte ng mga nagdaan kong trabaho pero kapag inutos mo gagawin ko"
Natahimik ako bigla medyo mabilis ang mga pangyayari
" I can't blame you matagal na kayong magkaibigan tapos bigla mong nalaman ang tunay niyang pagkatao talagang magugulat ka"
" Blue bigyan mo ako ng oras kailangan ko munang pag- isipan ang lahat"
" Huwag kang mag aalala hindi ako nagmamadali pero isang bagay lang ang sasabihin ko sayo malaki ang posibilidad na siya ang pumatay kay Nick" saad niya
" Paano?"
" Diba sinabi ko na mukhang may makapangyarihang tao ang involve sa pagkamatay ni Nick. Kung ako ang mastermind ng krimen kukuha ako ng pinakamagaling na assassin para ipagawa ang pagpatay"
May punto siya pero hindi parin ako naniniwala na kayang patayin ni Gray si Nick.
" Impossibly yun" sabi ko
" Minsan kong gusto mong mahuli ang isang kriminal kailangan mong mag isip ng katulad nila"
END OF FLASHBACK
Kaya ng pumunta ako sa ikalimang loop pinakiusapan ko si Blue na hulihin silang dalawa. Tanging top detective lang ang kayang tumapat sa isang magaling na assassin. Nagawa niyang makuha si Irish at Gray ikinulong niya sila sa isang kwarto habang walang malay. Doon ko napagtanto na wala sa kanila ang pumatay kay Nick. Kaya ang prime suspect sa krimen ay isang taong nagngangalang Jessie Alfonso kailangan ko lang siyang hanapin para pagbayarin sa mga kasalan niya.
Kring... Kring
Kinuha ko ang cellphone ko ng biglang may tumawag
Detective Wan is calling.....
" Hello Detective" bati ko sa kabilang linya
" What?" Dahil sa gulat napatayo ako sa kinauupuan ko
BINABASA MO ANG
Friday Loop
Mystery / Thriller"I can go against the destiny just to be with you again" After losing his boyfriend Benj decided to come out to his room and visit Nick on cemetery 2 years after he died. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Nick kaya kahit sa burol nit...