Benj Pov.
" Kuya tingnan mo ang news dali" sigaw ni Venice mula sa sala.
Nasa kusina ako ngayon na naghahanda ng almusal namin
" Kuya bilis"
" Sandali ano ba yun?"
Matapos kong mailagay ang pagkain sa plato pinuntahan ko siya sa sala. Naglalakad palang ako papalapit rinig na rinig ko na ang boses ni Daddy.
" Narinig natin ang pagproklama ng isang kaabang-abang na pag iisang dibdib ni Benj Montefalcon at Kathlyn Villa" sabi ng reporter.
" Venice kumain ka ng breakfast babalik muna ako sa mansion kailangan kong kausapin si Daddy"
" Kuya bumalik ka agad"
" Okay I promise"
Hinalikan ko muna siya sa noo bago umalis pagdating ko ng mansion hinanap ko agad si Daddy at Mommy.
" Benj umalis kana" bungad ni Mommy na halatang takot na takot.
" Mom bakit ganyan ang mukha mo may ginawa ba si Daddy sayo?"
" I'm sorry" bulong niya bago ako niyakap
" Mabuti naman at umuwi kana"
Bumitaw ako sa pagkakayap kay Mommy at humarap sa kanya.
" Dad wala ka na ba talagang natitirang hiya sa katawan mo. Matapos mo naming lukuhin babalik ka dito na parang walang nangyari. Tapos ngayon gagawa ka ng desisyon na hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko bang magpakasal kay Kathlyn" sigaw ko dahil sa galit
Habang tumatagal nawawala ang respeto ko sa kanya biglang Ama.
" Bakit ayaw mong magpakasal dahil hindi mo parin nakakalimutan si Nick"
"Yes Dad I will love him until my last breath"
" Isa yang katangahan"
" Bakit Dad dapat naiintendihan mo ako diba nagmahal karin ng katulad mo"
Nakita ko kung paano nanlisik ang mga mata niya dahil sa galit. Lumapit siya sa akin at sinuntok ako sa mukha.
"Felix tama na huwag mong sasaktan ang anak ko" pag aawat ni Mommy.
" Benj ito ang tatandaan mo ako parin ang Ama mo at padre de pamilya sa bahay na to"
" I don't care napaka selfish mo, sinungaling, at cheater. Tingin mo dahil ikaw ang padre de pamilya dito magagawa mo lahat ng gusto mo. Pwes sasabihin ko sayo hindi ako papayag na matuloy ang kasal namin ni Kathlyn" pagmamatigas ko.
" Tingnan natin"
Pinalibutan ako ng mga bodyguard na tingin ko kinuha niya mismo.
" Ikulong niyo siya sa kwarto at huwag papalabasin hanggang sa dumating ang araw ng kasal"
" Let me go" pagpupumiglas ko
" Felix pakiusap huwag mong gawin to"
" Kailangan para maging matino yang anak mo"
Tumalikod siya at naglakad palabas ng bahay habang ako hawak hawak parin ng mga tauhan niya. Sa utos ni Daddy kinulong ako sa kwarto. I cried habang yakap yakap ang aking sarili.
" Benj naririnig mo ba ako" sigaw mula sa labas ng kwarto
" Mom puntahan mo si Venice sa bahay ni Jake siguradong naghihintay siya sa pabalik ko"
"I'm sorry Benj"
" It's okay Mom hindi mo kasalanan si Daddy ang may gawa nito"
" Ako na ang bahala sa kapatid mo magpakatatag ka anak"
BINABASA MO ANG
Friday Loop
Mystery / Thriller"I can go against the destiny just to be with you again" After losing his boyfriend Benj decided to come out to his room and visit Nick on cemetery 2 years after he died. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Nick kaya kahit sa burol nit...