24

3.2K 101 0
                                    

Seducing Her Heartthrob Husband

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

"Pasensiya na. Sikreto lang kasi ang
pagpapakasal namin at nahihiya ako sa 'yo.
Basta ipangako mo, 'wag mong sabihin sa
iba, ha." Pakiusap niya sa kaibigan.
"Duh! Ikaw lang kaya ang kaibigan ko. And
besides, we're bestfriends talaga. Hindi ko
ipagkakalat at hindi naman ako tsismosa,
noh." Napangiti si Janine.
"Tawag ng tawag ako sa'yo kanina, hindi ka
sumagot. At itong si Francis, kinaladkad ako
dahil bibisitahin daw nila si James dahil may
sakit daw ang loko mong asawa." Napailing
si Janine. Napansin niya na mukhang
nagkakamabutihan na ulit ang kaibigan at si
Francis. Pinili niyang 'wag na munang
magtanong dito.
Hintayin nalang niyang ang kaibigan mismo
ang magkusang magsabi sa kaniya ng tunay
na estado ng kanilang relasyon.
"Best? Puwedeng magtanong?" nahihiyang
wika ni Janine sa kaibigan.
"Sure. Ano 'yon?" tanong ni Jessy.
"Bakit hindi kayo lumabas no'ng nakita ninyo
kami kanina? I mean, nakakahiya," alam
niyang namumula na siya. Tumawa ang
kaibigan.
"Sanay na kasi kami diyan," normal lang na
sagot ni Jessy na ipinagtaka ni Janine.
"Huh? What do you mean? Ano'ng sanay?"
usisa ni Janine.
"Hmm... Mula noon, ganiyan naman 'yan
silang magbarkada. Palaging may ganiyan
lalo na 'pag may party. 'Yung iba, wala nang
pakialaman kapag mahuli nila ang isa't isa.
Hindi umaalis at tinitingnan pa hanggang
matapos. Ilang beses na rin naming nahuli
sina James at Maricar na ginagawa ang
ganiyan lalo na sa tambayan noon. May
tambayan kasi kami. Kahit maabutan namin
sila, hindi sila tumitigil kaya ako, lumalabas
na lang at hinihila ko si Francis. Si kuya at
'yung mga kaibigan ni Maricar, hindi
lumalabas. Parang wala lang sa kanila. Si
kuya naman, ganiyan din 'yan. Ang dami ring
babae at hindi ko akalain na gano'n na nga
rin pala si Francis!"
Galit na wika ni Jessy nang maalala ang
katarantaduhang ginawa ng binata sa kaniya.
"A, gano'n ba?" kalmang sabi ni Janine pero
sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang
patayin ang asawa at si Maricar.
Mag aalas nuwebe na ng gabi nang umuwi
ang mga ito. Nauna nang pumasok si Janine
sa kwarto at nagpalit ng pantulog. Talagang
matutulog siya magdamag. Pagod na pagod
na talaga siya.
"Hon, uuwi pala sina Mommy at Daddy
bukas." Nakahiga na siya nang pumasok ang
asawa. May kausap ito sa telepono bago siya
umakyat kanina.
"Sooooo?" nabe-bwesit talaga siya rito kaya
kanina pa niya hindi pinapansin.
"Galit ka ba? Ano'ng kasalanan ko?" naupo
si James sa gilid ng kama. Bumangon si
Janine at pinaghahampas ito ng unan.
"Hayop ka! Wala kang kuwentang asawa!
Ang kapal ng mukha mo!" Nanggigigil na
sabi niya habang patuloy ang paghampas
dito.
"hey, hey, honey, ano ba?Ouch! Hey..." Pilit
na inaagaw ni James ang unan.
"Bakit hindi mo inilock ang pinto sa pool?"
patuloy pa rin siya sa paghahampas dito.
"Honey, ano ba! Shit! Ouch! Tama na..."
naagaw na ni James ang unan.
"I'm sorry. Malay ko ba na pupunta ang mga
'yon," hinging paumanhin ni James.
"Nakakahiya!" Naupo na rin si Janine sa tabi
nito.
"Hmm... Mag-asawa naman tayo at hindi
naman natin ginustong makita nila 'yon,"
paglalambing ni James tiyaka niyakap siya.
Para talaga silang mag-asawa. Naisip ni
Janine na sana, lagi na lang ganito ka sweet
ang asawa niya
"Hon? Tuloy natin 'yung kanina. Ang sakit
ng puson ko," sabi ni James habang
inuumpisahang hubarin ang damit niya.
"Ayoko! Matulog na ako!" Matigas na sabi
niya. Kahit ano'ng pilit ng asawa ay ayaw
talaga niya.
"Bakit? Sumakit din naman ang puson ko, a.
Nando'n na, e. Dumating pa ang mga
kaibigan niya at napahiya pa ako.
Puwes, magdusa siya!" Bulong ni Janine
bago tumalikod kay James.
Pumasok na siya sa school kinaumagahan at
ang asawa ay hindi na muna dahil sumama
ito sa driver para sunduin ang mga
magulang.
Pagkauwi niya ng bahay, nagkuwentuhan
agad sila ng biyanan niya. Halos lahat ay
tungkol sa business trip nilang mag-asawa
at nangangamusta ito kung kamusta naman
daw silang mag-asawa? Kung okey lang daw
ba ang trato ni James sa kaniya at kamusta
raw mga grades nila? Pero napansin niyang
balisa ang asawa at hindi siya nito
pinapansin. Pagkatapos nilang kumain ay
nagpaalam ito na pupunta lang kina Paul.
Tinawagan niya si Jessy para itanong kung
nando'n nga ang asawa. Nakumpirma niyang
magkasama nga raw sina Paul at James kaso
wala sa bahay, nasa condo ni Paul.
"Bakit ba kasi nagco-condo pa 'yon si Paul,
e ang laki-laki ng bahay nila ni Jessy?"
napasimangot siya at naisipang matulog na.
"Ate Fe, umuwi po ba si James kagabi?Hindi
ko na po namalayan, e." tanong ni Janine sa
kasambahay habang kumakain.Paggising niya
ay wala ang asawa sa tabi niya.
"Oo. Kaso lang, nasa kabilang kwarto
natulog kasi nakalocked daw ang kwarto
ninyo at hindi na siya nakapagpaalam.
Maaga pa raw siya kasi may practice pa ng
basket sa school," sabi ni Ate Fe habang
nilalagyan ng fresh orange juice ang baso
niya.
"A, ganon po ba? Sige po, salamat.
Nakalimutan ko po na hindi pala niya dala
ang duplicate ng susi. Sige po, alis na po
ako." Dumiretso na siya sa garahe dahil
kanina pa naghihintay ang driver. Tulog pa
rin ang mag- asawa dahil sa pagod sa
biyahe. Napakaswerte din niya sa mga
magulang ni James dahil mababait ang mga
ito sa kaniya at mahal pa siya ng mga ito
bilang anak din.
Kakapasok lang niya sa school nang
naisipang dumaan muna sa gym. Nais niyang
masilip ang binata. Medyo nagtataka siya
dahil maingay at nagsisigawan ang mga
estudyanteng nando'n.
"Wooohhh! More, more" sigaw ng isang
lalaki na kaklase nina James.

Seducing Her Heartthrob HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon