Nandito ako ngayon sa mall naghahanap ng pwede kong iregalo sa boyfriend kong si Ciander dahil Anniversary namin bukas. Nang biglang may humila sa buhok ko.
"Ahhhhhhhh ano ba bitawan mo ko Sino kaba? nasasaktan ako" sabi ko dahil patuloy parin siya sa pang hahatak saakin at pinag titinginan narin kami ng ibang tao.
"Talagang masasaktan ka saakin ahas ka malandi kang babae ka" sabi nito na aking ikina bigla ko ni Hindi ko nga siya kilala at hawak pa rin niya ang buhok ko. Ayaw paring niya akong bitawan.
"Bitawan mo ko Sino kaba Hindi naman kita kilala" sabi ko rito dahil parang natatanggal na ang anit ko.
"Ako lang naman ang fiancèe ng lalaki na nilalandi mo" sabi nito na nagpatigil sa akin
"Anong bang pinagsasabi mo? Hindi kita kilala at mas lalong hindi ko kilala ang fiancee mo" sabi ko at mas lalo pa niya akong sinasabunutan.Hindi ako maka laban dahil nasa likod ko siya at nag hihina ako dahil sa ginagawa niya
"Talaga lang huh,ang fiancee ko lang naman ay walang iba kundi ni Ciander kyle Lopez l,ngayon alam mo na,malandi ka ahas." Bulyaw nito na nagpatigil sa akin.
Hindi, Hindi niya ako kayang lokohin
"Everyone I would like to introduce this girl siya lang naman ang babae na lumalandi sa fiancee ko" sabi nito at pinag titinginan at pinagbubulungan na kami ng mga tao. Pilit ko paring nilalaban ang mga luha ko dahil ayokong magpaapekto sa sinasabi ng babaeng to nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Ciander
"Babe what's going on here bakit mo hawak ang babae nayan" sabi nito sa babaeng hawak na lang ako sa braso Hindi ako maka pag pumiglas dahil naka baon ang kuko nito sa braso ko. Tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan dahil sa sinabi ni Ciander.
"Babe bitawan mo na Yang babae nayan, and she's nothing to me okey ni Hindi ko nga siya kilala" sabi nito na tuluyang nag pabagsak saakin at nag pa luha kahit na anong pigil ko Hindi parin tumigil ang mga luha ko kaya mabilis kong hinawi ang kamay ng babae nato sa braso ko at dali-dali kong kinuha ang bag at tumakbo palabas ng mall dahil sa mga sinabi niya at mga narinig ko sa taong nasa paligid.
Hindi ko inakala na kaya akong lukohin ng taong pinaka mamahal ko.
Huwag kang mag alala anak bubuhayin at palalakihin ka ni mama ng mag-isa kahit wala ang papa mo sabi sa aking sarili habang hinihimas ang tiyan ko.
By:Meshang
BINABASA MO ANG
Hiding From The CEO
Short StoryBakit niya kailangang gawin iyon? para lang ba sa sarili niya o para rin sa ikakabuti namin