prologue

0 0 0
                                    

Nandito kami ni Yesha ngayon sa mall naghahanap ng pwede kong iregalo sa fiancee kong si Ciander dahil Anniversary namin bukas."Kiszha punta muna ako sa Butiqua, kita nalang tayo sa Japanese restaurant mamaya" paalam nito sa akin."sge Yesh chat mo nalang ako pag nandoon kana" sabi ko at lumakad na ito palayo.Pumasok naman ako sa bilihan ng jewelry at relo dahil gustong gusto ni Ciander ang relo.Nag titingin ako nang magandang relo na babagay sa kanya nang may nakakuha ng aking pansin  isa iyong round necklace na pwedeng lagyan ng picture. Tiniganan ko ito at tinanong sa saleslady ang presyo,mahal pero sulit ang bayad dahil sa high class na dating ng necklace.Binayaran ko ito dahil sa ganda at tumingin na rin ako ng para sa sarili pagkatapos ay lumabas na ako nang shop.Nang biglang may humila sa buhok ko.

"Ahhhhhhhh ano ba bitawan mo ko Sino kaba? nasasaktan ako" sabi ko dahil patuloy parin siya sa pang hahatak saakin at pinag titinginan narin kami ng ibang tao.

"Talagang masasaktan ka saakin ahas ka malandi kang babae ka" sabi nito na aking ikina bigla ko ni Hindi ko nga siya kilala at hawak pa rin niya ang buhok ko. Ayaw paring niya akong bitawan.

"Bitawan mo ko Sino kaba Hindi naman kita kilala" sabi ko rito dahil parang natatanggal na ang anit ko sa sakit.

"Ako lang naman ang fiancee ng lalaki na nilalandi mo, malandi kang babae ka" galit na sabi nito at pinag hihila pa rin ako.

"Anong bang pinagsasabi mo? Hindi kita kilala at mas lalong hindi ko kilala ang fiancee mo" sabi ko at mas lalo pa niya akong sinabunutan.Hindi ako maka laban dahil nasa likod ko siya at nag hihina ako dahil sa ginagawa niya.

"Talaga lang huh,ang fiancee ko lang naman ay walang iba kundi ni Ciander kyle Lopez,ngayon alam mo na,malandi ka ahas mang-aagaw." Bulyaw nito na nagpatigil sa akin. "Ano ba, bitawan mo ko" hiway ko dahil sa subrang sakit na.

Hindi, Hindi niya ako kayang lokohin

"Kayong lahat makinig kayo siya lang naman ang babae na lumalandi sa fiancee ko at huwag niyo siyang tutularan" sabi nito at mas lalo pang pinag titinginan at pinagbubulungan na kami ng mga tao. Pilit ko paring nilalaban ang mga luha ko dahil ayokong magpaapekto sa sinasabi ng babaeng to,nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Ciander

"Babe anong nangyayari rito? bakit mo hawak ang babae nayan?" sabi nito sa babaeng hawak narin niya pati braso ko. Hindi ako maka pag pumiglas dahil sa subrang pagka baon ang kuko nito sa braso ko. Tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan dahil sa sinabi ni Ciander. "Ito lang naman yung babae  na nakita ko sa Instagram mo, ito ba ang babae na kalaguyo mo?, sumagot ka" galit na duro nito sa akin bago tumingin kay Ciander. Tinagnan niya ako at humingi hingi ng tawad ang mga tingin nito sa akin, bago sumagot sa babae. Umaasa ako na sasabihin niyang ako ang fiancee niya para tumigil na ang babae na to sa kahibangan niya.

"Babe bitawan mo na yang babae nayan, balewala siya sa akinni hindi ko nga siya kilala" sabi nito na tuluyang nag pabagsak saakin at nag pa luha kahit na anong pigil ko hindi parin tumigil ang mga luha ko. "Hoy ikaw na babae, bitawan mo yang kaibigan ko" galit na sigaw ni Yesha, habang tumatakbo palapit sa amin. Kaya binitiwan niya ako at tinulak"Hoy ka rin pag sabihin mo tong kaibigan mo na huwag siyang makikiapid o baka naman parehas kayong ahas? Sabay di na ako mag tataka" sabi nito nang makalapit si Yesha. Pilit na inaawat ni Ciander ang babae at di man lang ako tinignan.

Hindi ko kayang awatin ang kaibigan ko dahil nang hihina ako. Nagulat nalang ako nang bigla niyang sinugod at sinuntok ang mukha ng babae. "Yeshaa" sigaw ko dahil sa pagka bigla. "Ito ang sasabihin ko sayo, huwag na huwag mong sasaktan ang kaibigan ko at ano ang sinasabi mo? Malandi ang kaibigan ko?, pwes para sa kaalaman mo siya ang fiancee ni Ciander at ilang taon na rin sila, at ikaw naman Ciander may araw ka rin sa akin" sagot nito bago pumunta sa akin at tinulungan ako.

Tinulungan niya akong makatayo dahil hindi ako makagalaw sa gulat at diko narin kaya pa,dali-dali niyang kinuha ang bag ko at lumabas na kami ng mall,samantalang inilayo naman ni Ciander ang babae. Hanggang maka labas kami ay rinig na rinig ko parin ang mga sinasabi ng mga tao na naka kita sa amin.

Hindi ko inakala na kaya akong lukohin ng taong pinaka mamahal ko. Pumara ng taxi si Yesha at tinulungan akong maka pasok sa taxi, hinawakan ko ang tiyan ko.

Huwag kang mag alala anak bubuhayin at palalakihin kita ng maayos at mag-isa kahit wala ang papa mo sabi ko sa aking sarili habang hinihimas ang tiyan ko.

Hiding From The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon