𝙳𝚊𝚛𝚒𝚞𝚜 𝙿𝙾𝚅:
Isang malakas na sampal ang aking natanggap mula sa kamay ng aking ama. Ramdam ko ang sakit ng sampal na kanyang ibinigay sa akin, pati na rin ang pag-dugo ng labi ko dahil sa lakas.
"Sinabihan na kita, na tigilan mo na ang iyong mga kahibangan... Lalo na ang pagtungo sa kagubatang iyon. Ngunit sadyang kay tigas ng iyong ulo, at sinuway pa rin ang aking utos." Akmang sasampalin ulit ako ni ama ng pigilan ito ni ina. Tumingin ito sa akin na may halong pag-aalala.
Ngunit kahit na ganoon ay ramdam ko pa rin ang galit, at ang pagkadismaya ng aking ina, kahit hindi niya ito sabihin ay nababatid ko pa rin ang nararamdaman niya. Lalo na sa aking ginawa.
"Puntahan mo na lamang si Levi, Darius. Sapagkat kailangan ka ngayon ng iyong tagapangalaga." Utos nito sa akin. Tinanguan ko naman ito, at yumuko upang magbigay galang sa kanila... Bilang isang Hari at Reyna ng Dark Kingdom.
Napangiti na lamang ako ng mapait bago iniangat ang aking tingin, at tumalikod sa kanila. Agad ko namang tinahak ang daan patungo sa pagamutan, gaya ng iniutos ng aking ina.
Marahil nga'y kasalanan ko ang lahat ng ito. Ang pagkawala ng kanilang bihag at ang unti-unting panghihina ni Levi. Lahat ng ito'y kasalanan ko.
Pagkarating ko sa pagamutan ay binuksan ko na ito agad at tinungo ang kanyang hinihigaan ngayon.
Nakapikit lang ito, ngunit makikita mo sa mukha nito ang paghihirap. "Patawad!" Hahawakan ko na sana ang kamay nito ng iwaksi niya ang kamay ko. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa at tinitigan ito ng may pagtataka.
"Hindi mo siya maaaring hawakan Prinsipe. Dahil maaari mong ikapahamak ang paghawak sa kan'ya." Matapos kong marinig ang sinabi ng manggagamot ay tiningnan ko na lamang si Levi na ngayon ay sumisigaw na habang nakapikit pa rin ang mga mata nito.
"Bisitahin mo na lamang siya bukas. Malapit na ring magdilim kung kaya't hindi maaaring naririto pa kayo sa pagamutan." Tumango na lamang ako at umalis na sa pagamutan. Halo-halo man ang emosyon na aking nararamdaman, ay nangingibabaw pa rin ang aking pagka-dismaya sa aking ginawa. Tinungo ko na lamang ang aking silid at binuksan ang bintana ng aking silid.
"Dahil sa iyo, kaya ito nangyayari." Sambit ko bago mahiga sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata. Mga ilang minuto pa ay nakatulog na rin ako.
“Raven!”Sigaw ko habang pilit na inaabot ang kamay ng aking minamahal.
“Tama na!”Dagdag ko pa upang pigilan ang kanilang pananakit rito. Ngunit tila yata isa silang mga bingi't hindi nila sinusunod ang aking utos. Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan at doon ko na lamang napagtanto na isa lamang palang panaginip ang lahat ng iyon.
Napahilot na lamang ako sa aking noo at naupo sa gilid ng aking kama. Bakit ba lagi mo na lamang akong ginugulo? Sino ka ba at tila yata... Napatingin naman ako sa sahig nang aking kwarto ng makita kong may liwanag na sa gitna nito. Inangat ko naman ang aking tingin sa bintana.
Umaga na pala. Tumayo naman ako sa aking pagkakaupo, at dali-daling lumabas sa aking silid at tinungo ang daan patungong pagamutan, nang marating ko ang pagamutan ay, isang nakakarinding sigaw ang aking naririnig.
Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa 'kin ang isang lalaking nangingitim ang mga mata, at may parang ugat na kumakatay sa leeg nito patungo sa kanyang mukha. Patuloy lang ang pagsigaw nito, miski ang manggagamot ay hindi ito malapitan.
Nilapitan ko naman ang manggagamot at tinanong ito patungkol kay Levi, "Mahal na Prinsipe si Levi po ang nasa inyong harap ngayon." Pagkasabi noon ng manggagamot ay tila napaatras na lamang ako sa sagot na aking natanggap.
‘Hindi! Hindi maaari, hindi ito totoo.’ Tumingin naman ako sa kinaroroonan ni Levi, na ngayon ay naglalabas na ng kakaibang enerhiya sa kanyang katawan. ‘Hindi maaari ito.’bulong ko.
"Anong ginagawa ninyo? Bakit hindi niyo gamutin ang aking tagapangalaga?" Sigaw ko rito.
"Ngunit Prin-" hindi na naituloy nito ang kanyang sasabihin ng matalim ko itong tiningnan. Sinenyasan niya naman ang dalawa niyang kasamahan na lapitan si Levi. Nagdadalawang-isip pa ang mga ito, ngunit sumunod rin.
Unti-unti naman itong lumapit kay Levi upang kanila itong hawakan ng bigla na lang itong maglaho sa harapan namin at mapalitan ng isang abo. Napaatras na lamang ako sa aking nasaksihan, nawawalan na ako ng pag-asa. ‘Levi!’
Bakit ba ito nangyayari sa akin? Akmang lalapitan ko na ito ng hilahin ako ng kung sino, at ipinulupot nito sa aking leeg ang kanyang braso. "Magtigil ka Prinsipe." Sambit nito at niyakap ako ng mahigpit.
"Levi!" Nauutal at naiiyak kong sambit habang nakahawak sa braso ni Agnes na siyang nakapulupot sa aking leeg.
"Huwag kang mag-alala, paparating na ang mga puting manggagamot. Gagaling rin si Levi, Prinsipe." Pagpapagaan ni Agnes sa aking nararamdaman.
Wala na rin akong nagawa kundi panoorin ang paghihirap ni Levi ngayon sa aking harapan. Unti-unti namang tumulo ang butil ng luha mula sa aking mga mata.
Panay lang ito sa kanyang pagsigaw at pilit na kinakamot ang mga ugat na pumapalibot sa mukha nito. ‘Paumanhin!’
Kung hindi dahil sa, sa babaeng kanilang bihag. Hindi ito mangyayari kay Levi, hindi siya magkakaganito. Napaluhod na lamang ako, at doon na nagsimulang sumigaw. Habang hinahawakan pa rin ako ni Agnes.
𝚁𝚊𝚢𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅:
Pinasok ko naman ang silid kung saan naroroon si Levi. Gulat namang napalingon sa akin ang lahat.
"Isang lobo." Nauutal at natatakot na sambit ng manggagamot nila.
Tiningnan ko naman ang nasa tabi nito at doon ko napansin ang walang tigil na pagtangis ng kanilang Prinsipe. "Ngayon lamang ako tutulong sa inyo, at huli na rin upang makita niyo pa si Raven." Saad ko at nag-anyong tao.
"Ikaw ang tagapangalaga ng Prinsesa." Saad ng manggagamot.
Tumango naman ako at ngumiti, "Tama ang iyong tinuran. Magpasalamat na lamang kayo at sa kabila ng inyong pagbihag sa kanya ay tutulungan ko pa kayo." Kinuha ko naman ang dahon na aking kinuha mula sa kahoy ng lireyati at lumapit kay Levi na ngayon ay naglalabas na ng itim na mahika.
Hinawakan ko naman ang noo nito at nilapat sa kanyang leeg ang dahon ng lireyati. Hanggang sa unti-unti na nitong sinipsip ang itim na mahikang lumalabas sa katawan ni Levi. Hinagis ko naman ang dahon ng lireyati malapit sa paanan ng manggagamot at binalingan ito, "Iyan na ang gamot na inyong kakailanganin. Ilapat niyo lamang iyan sa kanyang leeg, hanggang mawala na ang itim na mahikang bumabalot sa kanyang katawan." Saad ko. Bago bumalik sa aking dating anyo, at umalis.
BINABASA MO ANG
Vampire Pentalogy 1: Behind The Shadows
VampiroBabaeng kailanman ay hindi pinangarap maging isang Prinsesa, babaeng ang tanging ninanais lamang ay makalaya sa kamay ng Hari. Siya si Raven isang pulang bampira na mula no'ng ito'y bata pa ay hawak na ng taga Sylvania. Isang kaharian kung saan hind...