Bata pa ako nang makilala kita
Walang iniisip kundi ang magpasaya.
Hindi ako sanay 'pag hindi nakatawa
Kaya lahat gagawin ko para mapasaya ka.
Simula nun' ay palagi na tayong magkasama
Sa'ting dalawa ay napapaisip sila
Na tayo daw ba ay magkaibigan?
O' nauwi na sa pagiging magkasintahan?
Kahit na ano man ang sabihin nila
Ay hindi natin ito alintana
Basta ang alam nating dalawa
Ay masaya tayo pag magkasama
Isang araw ay ipinagtapat mo sa akin
Ang laman ng iyong isip at damdamin
Sabi mo, ikaw lang talaga Harlene
Ang siyang aking mamahalin.
At ang sinabi mong iyon ay agad ko namang pinaniwalaan
Dahil ganun din naman ang aking narararamdaman.
At tuwang-tuwa tayong dalawa
Dahil tayo ay naging isa.
Alam mo, para kang buwan,
Ang siyang nagbibigay liwanag sa madilim kong nakaraan.
Para ka rin kanin,
Ang siyang nagpapabusog sa isip ko't damdamin.
Tayo ay naging masaya,
Kahit na ang daming problema
Ay hinarap natin itong magkasama
Kahit na minsan ay nakakapagod na.
Sabi mo, ako lang at wala nang iba
Pero bakit parang hindi ko na madama?
Sabi mo, di' mo 'ko iiwan.
Dapat pa kaya kitang paniwalaan?
Dumating ang mga araw na di' na tayo masyadong nagkikita
Pero sabi mo, hinding-hindi ka maghahanap ng iba.
Agad naman akong naniwala
Kahit na ang sakit-sakit na.
Ako'y nangungulila na
Namimis ko na ang dating pagsasama
Sana naman ay magparamdam ka
Mahal na mahal pa naman kita.
At isang araw ay may nakakita sa'yo na may kasama kang iba
Pero hindi ka umamin kahit na bistado ka na.
Alam mo, para kang kriminal,
Nahuli na nga ay aangal pa!
Simula noon ay naging malabo na ang ating relasyon
Na ang dating tayo ay para na lang isang imahinasyon.
Bakit pa kasi nagkaganito?
Lahat naman ay ginawa ko.
Kulang pa ba ako sa'yo?
Bakit ka naghanap ng kapalit ko?
Pero gusto ko lang na malaman mo,
Na kahit na niloko mo 'ko ay umaasa parin ako...