Malapit na. Closer, closer, closer— "Ay, ba't namatay?!" iritang tanong ko. Namatay kasi bigla 'yung tv, nasa exciting part na eh, nakakaiyak naman..
"Ma! Ba't mo naman pinatay? Magkikiss na kaya sila," naiiyak kong tanong sa nanay kong nakapameywang sa gilid ng tv habang hawak-hawak ang remote ng aming tv.
Nakataas ang kilay nito ng lumapit sa akin, "Ah talaga ba, Hapi? Kita mo ang oras," sabi nito sabay itinuro ang orasang nakasabit sa diding ng aming sala.
ALAS SIYETE NA.
Alas otso pa naman 'yung paganap namin sa school kaya dali-dali akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo.
Buti nalang talaga nahanda ko na ang mga gagamitin at dadalhin ko ngayon kundi patay na talaga. Kinailangan ko tuloy gamitin 'yung 5 mins magic ligo, de bale na mabilis atleast 'di late.
Pagtapos ay mabilis akong naghanda, chineck ko na din 'yung mga dala ko, baka kasi may makalimutan ako. Nakita ko si mama na nagluluto ng agahan, papasok narin kasi 'yung mga kapatid ko. Nagpaalam ako dito bago ako umalis.
Sa sakayan ng jeep, mabuti nalang at nakaabot ako, kulang pa kasi ng isa ang paalis na jeep kaya hindi pa ito tuluyang umaalis.
Ayun nga lang, isang buong basketball team ata 'tong mga kasabay ko halos mapuno na ang jeep sa dami nila. Ba't 'di nalang sila nag-arkila? Anyways, pakealam ko ba?
Mabuti nalang at nasa 15 minutes lang ang byahe. Bumaba na ako at nagsimulang maglakad, may kalayuan ang babaan ng pasahero ng mga jeep sa mismong pinapasukan ko kaya kailangan talagang maglakad. Mabilis naman ako maglakad kaya ayos lang, exercise na din.
Hindi nagtagal ay nakarating narin ako, marami na ang mga estudyanteng nakapwesto sa harap ng stage. Bigla namang tumunog ang phone ko, tumatawag si Marie.
"Hoy babae, nasa'n kana?!" halata sa boses ng kausap ang pagkainip. Sigurado akong naiinis na ito.
Ang usapan kasi namin ay dapat bago mag 7:30 ay nandito na, tapos ngayon mag-aalas otso na at kakarating ko lang.
Ganito lagi kaming magkaibigan. Si Marie ang laging maaga, on time kumbaga, tapos siya—syempre, the late comer.
"Hoy, ano na?!"
Humingi nalang ako ng tawad saka nagsabing nandito na. Ang sabi nito nasa staffs' room na sila, may orientation kasi munang magaganap bago mismo ang event.
Pagkababa nito ng tawag ay dali-dali na akong dumiretso sa sinasabi ni Marie na lugar kung nasan ang orientation.
Lakad-takbo ang ginawa ko dahil panigurado, mainit na ang ulo ng Pres. namin dahil late nanaman ako at magsisimula na ang event.
Bakit naman kasi may gana ka pang manuod? Hayyst! Pinukpok ko pa ang sarili dahil sa kagagahang ginawa.
Habol ang hininga ng dumating ako sa staffs' room, pipihitin ko na sana ang seradura ng biglang may kumalabit sa balikat ko na ikinagitla ko.
Isang matandang babae na nasa trenta anyos ang bumungad sa akin, "Hi, Are you the P.A sent by sir RJ?" tanong nito sa akin.
Hindi naman ako nakasagot agad dito kaya nagsalita ito ulit, "Anyways, we're running out of time," pagkasabi nito ay agad ako nitong hinila papasok.
Hindi na ako nakapagsalita o nakakontra pa dahil nagpaprocess pa rin sa akin ang tinanong nito.
Nabungaran ko naman ang sangkatutak na mga damit. Sandali.. Dressing room ba 'tong napasukan ko?
Kakausapin ko na sana 'yung matandang babae na humila sa akin nang naunahan nanaman ako nito magsalita.
"Levi, here's your new personal assistant," pakilala nito sa'kin sa lalaking nakahiga sa malaking upuan na nasa tapat namin, patalikod ang higa nito kaya tanging likod lang nito ang kita namin.
Levi?
Hindi ko ito napansin dahil bukod sa nakapokus ang atensyon ko sa mga branded na damit na maayos na nakasalansan sa sabitan ay hindi ko naramdaman ang presensya ng isang 'to.
Pero SANDALI! "P-Personal Assistant?" tanong ko sa katabing matandang babae habang nakaturo ang hintuturo ko sa sarili. Tumango naman ito bilang sagot.
Hindi ko na alam kung ano talaga ang nangyayari basta nakasisigurado lang ako na may mali,
"N-No, you're maybe mistaken I'm no—" Isang malalim na parang galing sa pinakababa ng lupa at sin lamig ng yelo na boses ang nagpahinto sa akin.
"Noisy."
Parehas kaming napalingon ng katabi ko sa aming harapan. Kung kanina ay nakahiga ang lalaking nasa malaking upuan ngayon ay nakaupo na ito, ngunit hindi sa lalaking nakaupo napunta ang atensyon ko.
A guy with disheveled hair and a face like a god from mount Olympus suddenly appeared beside the other man. He looks younger than the man sitting, siguro mga nasa 20s lang 'to.
Humihikab ito at nagkukusot pa ng mga mata, but its undeniable gorgeous features will entice anyone to stare at him.
No one is talking, it's like everyone are just in awe at the moment. The silence only broke when the sitting man suddenly talked, "Levi, where did you went?"
Nang nagsalita ang lalaki do'n ko lang napansin na iba ang boses nito sa kaninang boses na narinig.
Kausap ng lalaki 'yung mala-god ang itsura na bigla nalang lumitaw. So, 'yung lalaking mala-god ang Levi at hindi ito, ahhh.
"There," simpleng tugon nito. It's just a short response, but his deep yet cold voice made it sexy.
Pagkasabi nito ay sabay ding itinuro nito ang likod ng malaking upuan na ikinakunot ko. Anong trip nito? Mukhang do'n ito natulog base sa itsura nito kanina at dahil sa gusot-gusot nitong damit.
Tiningnan ko naman ang reaksyon nung lalaki pero parang wala lang dito ang sinabi nung lalaking mala-god ang itsura, nang sinulyapan ko naman ang katabi ko ganun din ang reaksyon nito.
Ako lang ba sa kwartong 'to ang nagtataka kung bakit natulog 'yung lalaki sa lapag kung may upuan naman? Wait nga, bago ko malimutan.
"I'm so sorry to interrupt but I think you've mistaken me for someone," diretsong pahayag ko sa katabing matandang babae. "Aren't you the personal assistant sent by sir RJ?" tanong nito na kinailing ko.
May sasabihin pa sana ito ng biglang tumunog ang phone nito, mukhang may tumatawag kaya sinenyasan ako nito na maghintay muna at sasagutin muna ang tawag. Tumango naman ako bilang sagot.
Nag-excuse muna ito bago lumabas ng kwarto para sagutin ang tawag. Sa kasamaang palad, naiwan ako kasama 'yung Levi saka 'yung lalaking nakaupo.
Medyo lumayo ako sa pwesto ng mga ito pagkalabas ng matanda. Hindi naman sa natatakot ako, I just don't feel comfortable around any guys, especially to strangers.
Naramdaman ko naman na may mga matang nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa gawi ng mga ito.
And there, I caught the guy named Levi staring at me...
BINABASA MO ANG
The Man He Is
ChickLitDue to a misunderstanding, Hapi De Leon, a 3rd-year college student, becomes the personal assistant of Iro Lev Yamada, the famous "Prince of Pop." Their fate entangled as a series of events led them to know each other behind the spotlight. In their...