***03

4 0 0
                                    

Magbabasa pa sana ako ng ibang articles tungkol sakaniya pero narinig ko na ang pagtawag sa'kin ni manager Vien kaya dali-dali na akong lumabas. Pinaalam sa'kin nito na magsisimula na si Levi magperform kaya pumunta na ako sa may backstage ng Auditorium ng school.

Pagdating ko biglang namatay ang ilaw sa buong auditorium, nagkaroon ng ilaw sa gitna ng stage focusing only to a guy holding a guitar. Nayanig ang buong auditorium sa sigawan, marami ang hindi makapaniwala habang kinikilig.

"LEVII!!!!" sinisigaw ng halos lahat ng nasa auditorium ang pangalan nito.

Wala pa itong ginagawa, nakatayo lang ito sa gitna ng stage wearing a straight face pero nagkakaganito na sila.

His effect, grabe...

He started strumming his guitar — lumakas pa ang hiyawan, but when he began singing everyone felt quiet.

Go ahead and bark after dark

Fallen star, I'm your one call away...

Motel halls, neon walls

When night falls, I am your escape.

His voice is so soothing and calming na para kang sini-serenade habang hinihele, ganung feeling. At kung kanina ay wala akong makitang emosyon sa mukha nito, ngayon parang ibang tao ang pinapanood ko.

The guy is singing with so much emotions..

When you lay alone, I ache

Something I wanted to feel,

Now I remember, why his name is familiar. T-This song..

Kasabay ng pagkanta niya ng chorus ay ang paghina ng tunog ng gitarang tinutugtog niya at pagsabay sa kanta ng mga taong nanunuod dito.

If you've been waiting for fallin' in love

Babe, you don't have to wait on me,

The room was filled with overflowing emotions habang sinasabayan ng mga tao ang pagkanta nito, nagmistulang parang nasa concert ang lahat. May iba pang nagsi-sway habang nakataas ang mga kamay sa ere.

'Cause I've been aiming for heaven above

But an angel ain't what I need.

I can't help but to be awe at the moment. Hindi ko na din napigilan na sumabay, core memory kicks in. I know the song, I've first heard it when I rode a jeepney on my way home at hindi na 'to naalis sa isip ko, kaya siguro familiar din 'yung name niya sa'kin.

My eyes were on the crowd until it diverted on the guy singing soulfully on the stage. Napangiti ako, mukhang naiintindihan ko na kung bakit grabe 'yung impact niya sa crowd.

He is oozing with charisma and stage presence plus his voice is insanely magical, nakakainlove.. Ay wait, hindi! Erase, erase, erase!

Hindi ko namalayan na patapos na pala 'yung kanta.

Napansin ko na parang may hinahanap ito, sa crowd muna ito tumingin bago lumingon banda sa side ko, nasa may bandang gilid kasi ako ng stage.

Sa akin ba 'to nakatingin? Hindi, baka nagfifeeling lang ako. Tiningnan ko ang likuran ko, wala namang tao, ako lang. Binalik ko ang tingin ko sa stage at katulad kanina nakatingin pa rin ito.

Natulala ako ng bahagya itong ngumiti, katulad ko ay nakita rin ito ng mga nanunuod sakaniya kaya maraming hindi napigilan ang kiligin.

Pagkatapos ng performance nito ay saglit na kinausap ito ng emcee at saka pinasalamatan ng director ng school.

May nakalimutan ba ako? Sandale..

Lumaki ang mata ko ng maalala si Marie. Patay na talaga, mukhang papatayin na ako ng babaeng 'yun. Tiningnan ko ang phone ko at nakita ang 10 missed calls galing dito, kaya tinawagan ko agad ito.

[Sa Phone]

"Oh, buhay ka pa pala," agad na saad ng kaibigan pagkatawag niya dito.

"Sorry na, may nangyari lang talaga at 'di ako nakapunta diyan," sabi ko rito.

"At ano naman aber?" ramdam kong nakataas ang kilay nito ngayon, "Hirap ikwento sa phone, maya nalang," sagot ko rito.

Pa'no ko naman sasabihin dito na bigla akong naging P.A ng isang superstar, diba? Eh kahit nga ako hindi ko alam kung pa'no dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Marami pa itong sinabi na kesyo ba't hindi man lang daw ako nagtext. Tinakot pa nga ako, siguraduhin ko lang daw na may sense 'yung dahilan ko kung hindi malalagot daw talaga ako sakaniya.

Mabilis lang ang naging pag-uusap namin dahil mukhang hinahanap na ito at busy din sa ginagawa.

***

Nasa gitna ako ng panunuod ng nagaacrobat sa stage ng biglang tumunog ang phone ko. Si manager Vien, shet! Agad-agad kong sinagot ang tawag nito.

"Where are you?!" bungad na tanong nito pagkasagot ko ng tawag, mahihimigan dito ang inis.

Masyado kasi akong naaliw sa mga performances sa stage na nakalimutan ko na personal assistant nga pala ako ngayon.

Agad akong humingi ng pasensya rito saka ibinaba ang tawag. Pagkababa ng tawag ay dali-dali na akong pumunta sa dressing room ni Levi.

Kakatok na sana ako sa dressing room ng narinig ko ang boses ni Levi, "Where the hell is she?!" iritadong tanong nito.

Narinig ko naman ang pagsagot ni manager Vien na pinutol naman ng lalaki.

"I NEED HER NOW," rinig kong saad nito.

Wala akong narinig na nagsalita pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang 'yun, hindi naman ito sumigaw o nagsalita ng masyado.

Its just those four words, but the authority in his voice speaks silence and obedience.

Kinabahan ako, baka pagalitan ako nito. Umatras ako sa pinto at tumalikod,

Tatakas nalang ako hehe

Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis ay nakarinig ako ng seryoso at malalim na boses na nanggagaling sa dressing room,

"Nigeyou to shinaide, mairedi." (Don't try to runaway, my lady.)

Napahinto ako sa narinig, Ano daw? Lumabas sa dressing room si manager Vien at tinawag ako, "Come inside."

Kinakabahang pumasok ako sa dressing room. Pagpasok ko ay ini-expect kong magagalit ito sa'kin dahil as a P.A dapat inaasikaso ko ito, pero ayun andun ako nanunuod, anggaling-galing mo talaga Hapi De Leon.

Walang emosyon sa mukha nito ng tingnan ko kaya lumingon ako kay manager Vien, minosyon ako nito na lumapit sa lalaki na ginawa ko naman.

"uhmm...I'm sorry for being late," sabi ko dito pagkalapit ko.

"Schedule," maikling sabi nito. Tumango ako saka kinuha sa bag na dala-dala ang cellphone kung saan ko nilagay ang schedule nito.

Bago ko pa man sabihin dito ang schedule nito ay nagsalita bigla si manager Lao, "I have free your sched, just take a rest for today," sabi nito habang nakatingin kay Levi.

Wala namang sinabi ang isa kaya humarap na ito sa akin, "Thank you for today ms. Hapi," nakangiti nitong sabi sa akin. Tinawag nito si manager Vien para i-assist ako palabas.

Napangiti naman ako, SA WAKAS! Palabas na kami ng—

"Stay."

••••

A/N: You can play the video above while reading this chapter. Imagine that this is Levi singing in front of the crowd.

Have fun reading!! ❣

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man He IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon