***02

0 0 0
                                    

He have these set of grey eyes that are too beautiful not to notice, but also too deadly to stare. Na para kang hihigupin pag tumitig ka dito.

Gustuhin ko mang makipagtitigan dito ay wala akong oras, kailangan kong mag-isip ng paraan para makatakas dito. Sigurado akong hinahanap na ako ni Marie.

Ilang sandali pa ay bumalik na 'yung matandang babae at base sa itsura nito ay may hindi magandang balita itong dala.

"It was sir RJ, he told me that the new personal assistant can't come today due to a sudden emergency," pahayag nito.

Nakita ko ang pagbagsak ng mukha ng lalaking nakaupo dahil sa sinabi ng matandang babae. Nang bigla itong napatingin sa akin at itinuro ako.

"You."

Nakangiti ito habang nakaturo pa rin sa akin. "You can be Levi's personal assistant for today," pahayag ng lalaki.

Agad naman akong tumutol sa sinasabi nito. Anong alam ko sa pagiging personal assistant? Tamad nga ako kumilos sa bahay tapos magiging assistant pa ako dito.

"Don't worry we'll pay you miss---?"

"--Hapi," dugtong ko.

"Ok, Ms. Hapi, We'll pay you, just be Levi's personal assistant for today," nakita ko ang pakikiusap sa mga mata ng lalaki.

"That's not it, I-I just don't know what a personal assistant is doing," pag-amin ko sa mga ito. Nakita ko naman ang pagngiti ng mga ito dahil sa sinabi.

They instructed me what I should do. Noon, akala ko madali lang 'yung trabaho ng P.A ta's may libreng chance pa silang makita 'yung mga favorite artists nila, well, ngayon ko napatunayan na hindi.

Mula sa mga gamit, suot, pagkain, lahat ng kailangan at gusto ng artist nila dapat i-assure ng isang personal assistant na maayos at maibibigay nila. Sabi nga ni Ms. Vien, as a P.A, my no. 1 priority is the welfare of my artist.

They should always be first before everything else.

Nagpakilala sa akin 'yung matandang babae kanina, sabi niya I can call her ma'am Vien, she's Levi's road manager while 'yung isang guy kanina na nakaupo that's sir Lao, Levi's talent manager. Nagpakilala rin ako ng sarili sakanila.

Dahil biglaan lang naman at first time ko 'to, they assured me na tutulungan nila ako. Hindi naman ako nahirapan dahil maayos naman na lahat pwera nalang sa alaga ko.

Oo, ALAGA KO.

Nasaan na ba 'yun? Lumabas kasi muna kami kanina nila ma'am para i-orient ako saka ayusin na din ang mga gamit nito kaya naiwan itong mag-isa sa dressing room.

Pinabalik naman na ako nila ma'am kasi aayusan na daw si Levi, kaso pagdating ko walang akong Levi na naabutan sa kwarto.

Napakamot nalang ako sa buhok, sa'n naman pumunta 'yun? Chineck ko ang bawat sulok ng kwarto pero wala ito. Hindi naman siguro...

Pumunta ako sa cr at hindi ko inasahan ang senaryong naabutan, isang lalaking nakaupo sa kubeta ang natutulog sa CR.
Basa ang buhok nito pati na ang damit na parang nagtangka itong maligo bago makatulog.

Mukhang nananaginip ito dahil sa malikot na paggalaw ng ulo nito at sa ekspresyon sa mukha nito na tila masama ang napapanaginipan.

Sinubukan ko itong gisingin, "Levi? Please wake up," mahinahong sabi ko habang marahang tinatapik ang mukha nito para magising, lumuhod pa ako para magising ko ito ng maayos pero hindi pa rin ito nagising kaya inulit ko ang ginawa.

"Pstt, Wake U—"nabitin ang sasabihin ko ng bigla nalang itong nagising at niyakap ako.

Naestatwa ako. Rinig ko ang paghabol nito ng hininga at dahil nasa may leeg ko ang ulo nito ay ramdam ko ang hininga nito na nagbibigay kiliti sa akin.

Bigla namang bumukas ang pinto ng cr at sa kamalas-malasan naabutan kami ng mga manager nito sa ganoong pwesto.

"LEVI!!"

Bakas sa mga mukha nito ang pag-aalala, mahahalata din na nagmadali ang mga ito dahil pawis na pawis ito pagdating. Agad nila kaming dinaluhan at saka parehong inalalayan para makatayo.

Pagkalabas namin ay hindi pa rin ito nagsasalita, pero hindi katulad kanina mukhang kalmado na ito. Pareho kaming nakabalot ng tuwalya dahil katulad nito ay basang-basa na din ako.

Tiningnan ko ito at sa ginawa ko ay nahuli ko nanaman itong nakatitig sa akin. At kung kanina natakot ako, ngayon ay sinubukan kong titigan ang mala-abo nitong pares na mga mata.

Sabi sa'kin dati, 'eye is the gateway to the soul,' pero bakit sa kaniya wala akong makitang kahit ano. Naputol lang ang pagtingin ko dito nang hinila ako ni manager Vien palabas at dinala ako papunta sa ibang kwarto.

"What happened?!" agad na tanong nito pagpasok namin. Hindi naman ako makasagot dahil sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung anong nangyayari.

"I-I don't know — I'm just looking for him and when I found him.. He was sleeping in the comfort room so I've tried to wake him up, t-then that happened." nauutal na paliwanag ko dito.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito pero saglit lang din dahil napalitan ito ng pagkaseryoso. "Do not tell anyone about what happened, do you understand? seryosong saad nito.

"Remember what I told you, our artist's welfare is our no. 1 priority. Think of what might happen to Levi if this incident leaked," dagdag pa nito. Kahit hindi nito sabihin sa akin, I'm not planning to tell anyone about this.

I didn't said anything, but just nodded in response.

Pagkatapos ay binigyan ako nito ng pamalit na t-shirt dahil nabasa ang pantaas ko saka iniwan na din ako para makapagpalit, bago umalis ay sinabi nitong bumalik nalang ako sa dressing room pag tapos ko.

Andami ng nangyari pero hanggang ngayon hindi ko pa talaga kilala 'yung alaga ko kaya nilabas ko ang phone ko at sinearch ang pangalan nito.

Levi lang nilagay ko pero andami na kaagad lumabas tungkol dito, ganun ba talaga ito kasikat. Nang inorient ako nila ma'am Vien, nasabi nilang sikat ito pero hindi ako na-informed na sobrang sikat ito at hindi basta-basta kaya siguro ganun nalang ito protektahan ng dalawa.

There is a recent article about him, and It says there that his new single topped the Billboard charts and now was one of the most streamed songs on several digital platforms.

His name really sounds familiar, for sure narinig ko na 'to somewhere but I can't remember where. Ako kasi 'yung type na nakikinig lang ng random songs on shuffle without actually trying to remember the title or the artist of the song I'm listening to.

I'm thinking that I might have played one of his song, but my memory sucks so yeah.

The Man He IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon