Isang araw ay seryosong nag-uusap ang tatlong magkakaibigan sa restroom ng girls.
Inilock pa nila ang pinto.
“Sisterets, parang may nararamdaman ako.” Sabi ni Donato.
“At ano naman yung nararamdaman mo?” tanong naman ni Juanito.
“Parang may something sa panty ko.” Nahihiyang sagot naman ni Donato
“Ha! Ano?” nakakunot-noong tanong ulit ni Juanito.
“hahahahahahahahaha” tawa ng tawa si Spade
“At bakit ka tumatawa, aber?” iritableng tanong ni Donato.
“Kasi na-getsung ko na gusto mong sabihin.” Natatawang sagot naman ni Spade.
"Sige nga. Anong ibig kong sabihin?" tanong ni Donato
"So iniisip mo na may regla ka ngayon bakla. hahahahahahahaha." tumatawang sabi ni Spade
"Ay KORAK sister. hahahahaha. Na-getsung mo nga. You're so bright as the sunshine in the park." tumatawa ding sagot naman ni Juanito.
"Ay vaket mga sister! Hindi ba kayo dinadatnan?" nakangiting tanong ni Donato sa dalawa.
"Ang lakas talaga ng trip mo bakla." sabi ni Juanito sabay hampas kay Donato
"PUT TONGUE NA! ang sakit mong manghampas animal na bading." nasaktang sabi ni Donato
Walang annu-ano ay may nagpipilit pumihit ng doorknob mula sa labas.
"Sssshhhh." pagpapatahimik ni Spade sa dalawa niyang kaibigan.
"Bakit nakalock to?" tanong nung girl sa labas ng pinto habang pilit pa ring pinipihit ang doorknob..
"ewan ko nga ba. Kanina lang ay bukas yan di ba?" sabbi naman nung kasama nung girl.
"Girls, nakita niyo ba ang boyfriend ko?" tanong ng dumating na si Bernice sa dalawang babae
"Sino yung malanding bakla na si Spade?" tanong naman nnung isang girl.
Biglang naningkit ang mga mata ni Bernice sa narinig..
Samantalang sa loob naman ng Cr ay pinigilan nung dalawang bakla si Spade na gusto nang
mag-amok ng away dahil sa narinig niyang sinabi nung isang babaeng talipandas.
"Anong sinabi mo? Ulitin mo nga." galit na sabi ni Bernice
"Ang sabi ko hinahanap mo ba yung MALANDING BAKLA.." - girl
"aba't inulit nga. Halika ka dito walanghiyang babae ka. Ang kapal ng mukha mong sabihan na malanding bakla ang boyfriend ko eh ikaw tong malandi." nanggagalaiting sabi ni Bernice at hinablot niya ang buhok nung babae.
Nagsabunutan sila sa labas ng cr.
Hindi papatalo si Bernice.
Dahil sa narinig na kaguluhan ay lumabas ng cr ang magkakaibigang sisterets.
Nakigulo na din sina Donato at Juanito.
Tumulong na din sa gulo yung kaibigan nung girl.
Samantalang si Spade ay hindi malaman kung paano aawat sa mga nag-aaway.
Nung makakita ng tiyempo si Bernice ay binigyan niya ng upper cut yung kaaway niyang babae.
Bumulagta yung babae matapos tamaan ng upper cut ni Bernice.
Napatili yung kaibigan nung babae nang makitang bumulagta ang kanyang kaibigan.
Nakipag-apir naman sina Donato at Juanito kay Bernice.
Si Spade ay napangiti na lang.
Nilayasan na nila yung dalawang hitad na babae.
A/N:
Pasensya na po kung lame yung update.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Juding
RomanceIsang magandang dilag na nagmamahal ng todo sa isang JUDING.......