A/N:
HAPPY 11TH MONTHSARY DADAY KO.. I LOVE YOU :)
----------------------------------------------------------------------------------------------------
After ng class ni Bernice, nagyakag siya sa canteen para kumain.
After niya magbayad ng kanyang mga binili, lumingon lingon siya sa paligid para maghanap ng mauupuan at nakita niya ang grupo nina Spade sa isang sulok.
Agad siyang lumapit sa pwesto ng mga ito at umupo sa harap ni Spade.
“Hi boyfriend!” bati niya kay Spade.
Inirapan lang siya ni Spade at nagpatuloy na ito sa pagkain.
“Ang suplado naman ng boyfriend ko ngayon. May sumpong ka siguro noh.” Naka-pout na sabi ni Bernice.
“Tumahimik ka nga. Baka hindi ako matunawan sa iyo eh.” Asar na sagot ni Spade.
“Pwede ba Bernice tigilan mo na ang sister namin. Hindi kayo talo noh. May Fafa Kurt na siya.” pagsusungit naman ni Juanito.
“Kurt? Sinong Kurt yun?” naalarmang tanong ni Bernice.
“Duh?! Don’t you know him? Sikat kaya yun dito sa school. Siya lang naman ang team captain ng basketball team.” Sagot ni Donato kay Bernice.
“Yun? Eh wala naman yun kwenta. Ang pangit pangit kaya nun.” – Bernice
“Ulitin mo nga ang mga sinabi mo tungkol kay Fafa Kurt”. Nanlilisik ang matang sabi ni Spade kay Bernice.
“Ang sabi ko , ang pangit pangit nung Kurt na yun para magustuhan mo Boyfriend.” Sagot ni Bernice.
Hindi na nakatiis si Spade at sinipa niya mula sa ilalim ng mesa ang upuan ni Bernice.
Hindi akalain ni Bernice na magiging malakas ang sipa ni Spade kaya bumaligtad ang kanyang upuan.
Nagtawanan ang mga taong nakakita sa nangyari sa kanya.
Tumayo na din si Spade at hinarap siya.
“Huwag na huwag mong lalaitin ang Fafa Kurt ko lalo na sa harap ko. Ikaw ang pangit.” Nakasigaw na sabi ni Spade sabay walk-out ng canteen kasama ang kanyang mga kaibigan.
Samantala, pulang pula sa pagkahiya si Bernice kaya tinulungan na siyang tumayo nina Vee at niyayang umalis ng canteen.
Habang sila ay palabas ng canteen, hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa pagtawa sa kanya.
“Tigilan mo na kasi yang kahibangan mo kay Spade.” Panenermon sa kanya ni Vee.
“Oo nga. Ikaw ang napapahiya sa mga ginagawa mo eh.” Sabi naman ni Norie.
“ah basta. Mahal ko si Spade. Hinding hindi ako susuko. Mapapasa akin din siya balang araw at malapit na yun.” Nakangising sabi ni Bernice.
“Naku po! Baliw na talaga.” Umiiling na komento ni Norie.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
COMMENT....
VOTE....
BE A FAN...
THANK YOU FOR READING MY STORY..ENJOY :)))))
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Juding
RomanceIsang magandang dilag na nagmamahal ng todo sa isang JUDING.......