Pakkkkkk…..(tunog ng impact ng kamay sa pisngi)
Nasampal ni Spade si Bernice kahit ito’y natutulog.
Tulaley si Bernice habang hinihimas ang kanyang nasaktang pisngi.
Habang si Spade naman ay nanatiling tulog.
Nang mahimasmasan si Bernice ay naiinis na tumayo siya at kanyang sinigawan si Spade.
Ngunit hindi natinag sa pagtulog si Spade.
Yun pala ay may nakasalpak na headset sa kanyang mga tainga kaya pala wala itong pakialam sa ingay sa kanyang paligid.
Sa sobrang inis ni Bernice umakyat siya sa kama ni Spade at tumalon ng tumalon.
At dahil sa ginawa ni Bernice, nahulog sa kama si Spade.
Sa pagkagulat ni Spade dahil sa kanyang pagkahulog ay hinablot niya ang unang bagay na kanyang nahawakan, walang iba kundi ang buhok ni Bernice.
Nagsisigawan na silang dalawa sa kwarto dahil ayaw pa rin pakawalan ni Spade ang magandang buhok ni Bernice ng biglang tumunog ang cellphone ni Spade.
Tut tut…tut tut (message alert tone yan J)
Nag-unahan sila sa pagkuha ng phone sa may side table.
Unang nahawakan ni Bernice ang phone kaya tinangka niyang tumakbo ngunit nakalimutan niya na hawak pa rin ni Spade ang kanyang magandang buhok.
“Boyfie, bitawan mo na ang hair ko please.”
“Ayoko. Ibigay mo muna sa akin yang cellphone ko kundi lalo kitang sasabunutan malandi ka.”
“Ayoko nga. Titignan ko muna kung sino ang malanjutay na nagtetext sa Boyfie ko.” Pagmamatigas ni Bernice.
“Ayaw mo talaga ibigay sa akin yan?” banta ni Spade
“Ayaw..Ayaw..Ayaw..Arayyyyyyyyy.” hiyaw ni Bernice kasi lalong hinigit ang buhok niya.
“Pwes eto ang sayo.uhmmm.” kinagat ni Spade sa braso si Bernice kaya nabitawan ng huli ang cellphone.
Nagmamadaling kinuha ni Spade ang cp at nagtatakbong lumabas ng kwarto niya.
Hinabol naman ni Bernice si Spade at nagpambuno sila sa sala.
Ang ingay-ingay nilang dalawa.
Sa kusina ay rinig na rinig ng mama ni Spade ang ingay nung dalawang nagbabangayan.
Napapailing na lang siya ngunit nakangiti habang nakikinig.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
pasensya po kung mabagal ang update..super busy lang po ako..
VOTE...
COMMENT..
BE A FAN....
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Juding
RomanceIsang magandang dilag na nagmamahal ng todo sa isang JUDING.......