Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mukha. Kahit pa inaantok ay pinilit kong ibuka nang dahan-dahan ang dalawang mata ko.
Sinundan ko kung saan nanggagaling ang liwanag, nakalimutan ko palang isara ang bintana kagabi.
Dumiretso na kasi ako sa kama pagkauwi ko. Ganoon kasi ako nasanay noong nasa dorm pa ako. Hindi ko iyon problema noon dahil si Coleen ang laging nakatoka na magsara ng bintana namin.
Ngayong nasa condo na ako, kailangan kong sanayin at alalahanin lagi ang bintana na nasa tapat ng study table ko bago matulog. Hindi naman ako takot sa akyat-bahay dahil imposible namang kaya ng powers nila na akyatin itong ika-15th floor ng building, unless mag-spiderman sila. Mas takot pa ako sa multo na puwedeng pumasok sa bintana kapag gabi. Eh, malay ko ba kung maalimpungatan ako tapos bigla kong makita na may nakaputing babae na sumisilip sa bintana habang pinagmamasdan ako. Scary!
Inabot ko ang maliit na cabinet sa tabi ng kama kung saan nakapatong ang lampshade at alarm clock ko. Kinapa ko roon ang phone ko, doon ko pinatong iyon kagabi. Nakalimutan ko pang i-charge iyon dahil sa sobrang antok.
I smiled.
Nakita ko sa screen ang pangalan ni Jervy.
"Good Morning, Asheng."
"Saan banda ang condo ng Tita mo? Sunduin na kita para sabay tayong pumasok."
Hindi niya puwedeng malaman kung saan ang tinutuluyan kong condo! Hindi niya dapat malaman na nasa iisang condo lang kami ng kaibigan niya.
Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nila na magkasama kami sa iisang bubong ni Galen?
Wala naman sigurong masama kung ililihim ko muna sa kanila. Wala naman akong balak na magtagal dito. Actually, mag-a-apply na nga ako sa coffee shop mamaya para makapag-start na ako sa part-time job ko. Isang buwan lang naman ang itatagal ko rito. Pagkakuha ko ng sweldo ko, babalik na ako sa dorm. Bahala na kung pagagalitan ako nila Mama!
Agad akong nag-type ng i-re-reply kay Jervy.
"Huwag na. Hintayin mo na lang ako sa gate."
Parehong 8:00 AM ang pasok namin today. Kapag same schedule kami, lagi kaming sabay pumasok. Hinihintay niya ako sa harap ng dorm at doon aabangan. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit napagkakamalan kaming may relasyon. Akala ng ibang estudiyante lalo na iyong mga nasa dorm, boyfriend ko si Jervy. May kumakalat pa ngang chismis sa University na committed na ang isa sa mga poging varsity player ng campus kaya naman hindi ako nakakatakas sa mga masasamang tingin ng ibang babaeng estudyante tuwing magkasama kami ni Jervy.
Paano na lang kapag naging kami na nga talaga? Baka magkaroon ako agad ng instant haters and bashers.
Kung alam lang nila kung ano talaga ang status namin, maguguluhan lang din sila. Mas gugustuhin na lang nilang magpaniwala sa chismis.
Malapit na mag-seven o'clock, kaya naman, bumangon na ako.
Aware naman ako na ang kupad kong kumilos kaya dapat dalawang oras bago ang oras ng pasok ko ay gising na ako. Lalo pa ngayong mas napalayo ako sa University. Kailangan ko pang sumakay ng bus. Puwede rin namang jeep pero mas matagal dahil sa dami ng tao na araw-araw bumibiyahe. Mas mura kasi ang pamasahe sa jeep kumpara sa bus. Iyon nga lang, pagkarating mo sa eskwelahan, papasok ka palang pero ang hitsura mo ay mukhang stress na sa recitations and surprise quizzes sa sobrang haggard.
Iniwan ko sa kama ang phone ko.
Nag-unat muna ako ng dalawang kamay habang humihikab. Hindi ko mapigilang antukin kahit pa kagigising ko lang.
BINABASA MO ANG
Living Under The Same Roof
RandomAdler Galen Lucenzo | Ashira Meshia Guanzon Date Started: September 06, 2022 Date Ended: