Habang tulog at nagpapahinga si Laura matapos ang nangyari sa kanya sa Sewerage ay tinitingnan at binabantayan siya ni Rafaello.
" ( Nakuha na namin ang Isang Sandata ng mga Evo-Jarkan, Pero marami pa ding kulang. Ano kaya ang nangyari sa kanya sa loob ng Batong Ataul na yun? ) " Rafaello
Maya-maya pa ay may tila Reptilya ang nakatambay sa Bintana ng tinutuluyan nilang Hotel.
" Huh!?, Basilisk? Ibig sabihin isang Babala... " Rafaello
Binuksan ni Rafaello ang Bintana at kinausap ito.
" Anong nangyari sa paghaharap ng Hinirang at ni Haring Tamtam!? " Basilisk
" N-Nagharap na sila!? Kailan!?... Sandali, Nagbalik na si Haring Tamtam!?! " Rafaello
" Ano!? Ikaw ang Kasama ng Hinirang ng mga Panahon na yon at hindi mo alam!? " Basilisk
" W-Wala akong Alam.. Sandali.. ( " Sa Batong Ataul!? " ) " Rafaello
" Mukhang naapektuhan ng Pagiging anyong Tao mo ang Kapangyarihan mo. Tsk! Tsk! Tsk! " Basilisk
" Marahil nga.. " Rafaello
" Naparito nga pala ako para sa Isang matinding Babala... " Basilisk
" Anong Babala? " Rafaello
" Nakahanap na ng Perpektong Tao na Lalahian si Haring Tamtam... " Basilisk
" Ibig sabihin... " Rafaello
" Oo, Magsisimula na siyang gumawa ng mga Hukbo ng Evo-Jarkan at ang Babaeng yon ang Perpektong Ina ng mga Hukbong yon. At ilang sandali na lang ang magsisimula ng Lahian ni Haring Tamtam ang Babaeng yon. " Basilisk
" Kailangan siyang mapigilan bago mapadami ang Hukbo! Nasaan siya ngayon!? " Rafaello
" Malabo na. Nakakalat na ang mga Maharlikang Bantay ng Haring Tamtam sa buong Teritoryo na nasasakupan nito. Isang pagpapakamatay ang Sugurin sa kanyang Pugad. Kailangan mo nang Ihanda ang 'Hinirang'. Magmadali kayong hanapin ang mga Maalamat na mga Sandata. Alam naman natin na hindi kayo mananalo na wala ang mga Sandatang yaon. " Basilisk
" Sige sasabihin ko na ngayon kay Laura " Rafaello
" Huwag ngayon! " Basilisk
" Bakit!? " Rafaello
" Kailangan niya ng Sapat na Lakas. Bukas mo na siya Kausapin. " Basilisk
" Oo tama ka dyan.. " Rafaello
" Hindi mo pa ba aaminin sa kanya na Ikaw si Karasu? " Basilisk
" . . . . Sasabihin ko din sa kanya kapag natapos na ang Lahat ng Ito. Baka talikuran ko lang ang Misyon kapag nalaman niyang Ako si Karasu at Magpakalayo-layo kasama siya. " Rafaello
" Talagang nagkaroon na talaga ng Espesyal na puwang sa'yo ang Hinirang. O paano, hanggang dito na lang. Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko. " Basilisk
" Oo tatandaan ko. " Rafaello
Pag-alis na pag-alis ng Basilisk ay pinagmasdan niya muli sa Laura. Ang katunayan maraming beses na talaga niyang gustong sabihin subalit nanaig pa din sa kanya na kailangang matapos ang Misyon at mapigilan sa paghasik ng Kasamaan muli si Haring Tamtam upang tapusin ang mga Taong kinamumuhian niya dahil sa mga taglay nitong mga Talino.
BINABASA MO ANG
THE UNTOLD JOURNAL OF LAURA COXX III
AdventureThe Search for Ancient Weapons has Finally Begun Who will Remain? Who Will be Perish? Only the Strong Survive! * * * * * * * * * * SINCERELY NO COPYRIGHT INFRINGEMENT * ART COVER CREDITS TO : ZUMIDRAWS ZUMIDRAWS OFFICIAL DEVIANTART ACCOUNT : https...