"Ladies and gentlemen, Philippine Airlines welcomes you to Cebu. The local time is 9:30 AM. For your safety and those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate."
Nang marinig ko ang announcement na iyon agad akong napatingin sa labas ng bintana.
Finally after 8 years Philippines I'm back!
Isa-isa ng lumabas ang mga tao sa eroplano at nananabik narin akong makababa dahil after so many years malalanghap ko narin ulit ang simoy ng hangin ng Pilipinas kahit hindi naman ito kasing ganda ng hangin sa Switzerland. Pagkalabas ko ng eroplano naramdaman ko agad ang init. Kaya hinubad ko na yung suot kung cardigan. Hinintay ko muna yung mga bagahe ko sa conveyor belt. Kaunti lang naman ang dala ko dahil good for 3 months lang ang stay ko dito.
Ang kaibigan kong si Mark ang susundo sa akin ngayon dahil sa condo din niya ako mag sta-stay habang nandito ako sa Cebu . Maya-maya nakita ko na siya sa waiting area maypa poster pa siyang dala.
BUTI NAMAN NAALALA MO PANG BUMALIK!!
Napatawa ako sa nakasulat sa poster kahit kailan ang witty niya talaga. Kumaway ako sa kanya at nakita niya naman ako agad. Nagyakapan na kami at may kasama pang pa talon-talon.
"Grabe nag Switzerland ka lang nag glow up kana!" biro niya sa akin
"Ano ka ba dati pa naman akong maganda anong sinasabi mo diyan" sinamaan niya ako ng tingin.
"Hay naku halika na nga nagugutom na ako ang tagal mong dumating kanina pa akong 6AM dito".kinuha niya ang dala kong baggage cart
"WOW excited mo naman yata beh!" napatawa ako sa mukha niya dahil kitang kanina pa siya niinip kakahintay dito sa airport. "Tara san mo gusto kumain libre ko na?"
"Ay yan ang gusto ko! Diyan nlng tayo sa malapit na cafe kapagod mag drive sa malayo" reklamo niya pa.
Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami sa condo niya. Malaki-laki din kasi ito kaya may 2 rooms. Mark is working as a manager sa isang malaking accounting firm dito sa city. Ang condo na ito ay pamana ng mga magulang niya dahil he belong to a family na may generational wealth.
Natulog lang ako buong araw dahil sa jet lag at medyo nag a-adjust parin ako sa time difference. May pinuntahan din si Mark sa labas kaya ako lang naiwan sa loob ng condo.
Halos buong linggo nasa condo lang ako at nagkahilata sa kwarto dahil hindi ko pa feel na lumabas.
***
"Khai bilisan mo ma la-late na tayo sa party!" Sigaw ng kaibigan kong si Mark na nasa labas na para kunin ang sasakyan sa parking.
"Oo eto na palabas na!" Madali akong lumabas habang bitbit ang aking sandals at sa loob ng sasakyan ko nalang ito sinuot. Black bodycondress at white cardigan lang yung sinuot ko dahil casual lang naman daw yung party.
BINABASA MO ANG
Heartfelt Roses of Yesterday
Fiksi RemajaPuppy love ika nga ng iba, ito yung pag-ibig na sobrang pure and inocent. Ngunit may mga instances sa buhay natin na hindi palaging masaya at fairytale. May mga past traumas na hindi naiiwasan. Kagaya nalang ni Catherine Khai Fernandez, kaya naba ni...