Chapter 3
"Announcement, all SSG officers please proceed to the gym right now!" Natahimik ang lahat ng biglang tumunog yung speaker sa room ng may nag announce. " I repeat all SSG officers please proceed to the gym right now." Lumabas na yung mga kaklase naming SSG.
Pagkatapos ng announcement ay bumalik ka agad ang ingay sa klase. Advisory period lang kami ngayon kaya maingay ang lahat yung iba lumipat pa ng upuan para maki-chika sa mga kaibigan nila.
"Anong meron sir?" nagtatakang tanong ni Sofie. Baka worried sa boyfriend niyang SSG president.
" Okay everyone makinig ang aga-aga ang iingay ninyo!" tumahimik ang lahat ng magsimulang magsalita si Sir Argus. " So bukas oath taking ng mga newly elected officers at pagkatapos ay may club selling."
Namangha ang kalimitan sa klase ng marinig ang club selling. School clubs are one of the most awaited and exciting part sa school. Ito yung time kung saan wala kang inaatupag na mga school works kundi mga hobbies lang na gusto mo.
I had two clubs before dati kasali ako sa Red Cross Youth Club nung first year higschool. We had so many exciting activities na ginawa. Yung isa science club dito kasama ko si Mael. Puro experiments naman ang ginagawa namin dito but it was never boring dahil kasama ko yung crush ko. Hindi kami kaklase nung first year kaya ito lang ang tanging oras na nagkaka-interaction kami.
First Year Highschool
"Khai si Al oh yieeee!" tukso ng mga batchmate ko na kasama sa club.
"Oi Al lower grad pala ha" sumali naman sa tuksuhan ang mga kaibigan niya.
Second year highschool si Al pero magkasing edad lang kami. Hindi ko naman talaga siya crush. Pero siya ang kilala ng mga batchmate ko na crush ko raw. Tamang cover up lang dahil ayaw ko mabunyag yung totoo kung crush para may interactions parin kami at hindi akward .
"Oi kasama natin si Mael oh science club din siya." Kinikilig na bulong ni Isa sa akin.
Yan ito yung hinihintay ko.
Si Isa lang kasi nakakaalam ng crush ko. Kaya kaming dalawa lang ang nagkaintindi sa isa't- isa. We even have our delulu session tuwing nagkakakwentuhan sa service.
"Huwag kang maingay baka marinig ka nila. Ikaw lang nakakaalam teh. Sige ka baka nakakalimutan mo nandito din crush mo." tiningnan ko si Gab.
"HOIIII!!" kinurot niya ako sa tagiliran.
May crush din siya kay Gab which is kasama rin namin sa club
Nakita ko si Mael sa kabilang table sa laboratory. He was busy talking to Heart yung ka batchmate naming mestiza na halos yata lahat sa batch may phase sa kanya.

BINABASA MO ANG
Heartfelt Roses of Yesterday
Teen FictionPuppy love ika nga ng iba, ito yung pag-ibig na sobrang pure and inocent. Ngunit may mga instances sa buhay natin na hindi palaging masaya at fairytale. May mga past traumas na hindi naiiwasan. Kagaya nalang ni Catherine Khai Fernandez, kaya naba ni...