Chapter 1

48 5 2
                                    


Chapter 2

Summer 


"Khai tara may laro daw volleyball mamaya."

May nag popped up na notif sa phone ko na nasa side table habang nanonood ako ng k-drama it was Sheryn. Tinatamad ako ngayon at gusto ko lang humiga buong araw kaya hindi ko na muna bubuksan ang notif. But nag notif ito ulit.


Sheryn:
Maglalaro daw si Mael dayo vs. barangay natin sa Summer League.


Pagkakita ko sa pangalan niya agad akong napatayo sa kama. Itinabi ko muna ang laptop sa side table at dinampot ang phone ko.

Khai:

Anong oras ba?*⁠\⁠0⁠/⁠*

Sheryn:

2:30 daw sa bahay nila Ian daw muna tayo tatambay

                                                                                                                                                                                             Khai:

Sge G maliligo muna ako


Tiningnan ko ang orasan sa sala 2:00 pm na pala. Malapit lang din naman yung court sa amin. Walang ibang tao sa bahay kundi kami lang ng kapatid ko at ang pinsan naming galing Bohol na nagbabakasyon sa amin. Parehong nasa trabaho sina mommy at daddy kaya pwede akong gumala ngayon.


"Saan ka pupunta te?"tanong ng pinsan kong si Julian habang pinapatuyo ang buhok ko sa may salamin sa sala.



"Volleyball lang sa court sama ka may liga." Alam kong sasama siya dahil naglalaro din to sa lugar nila mas marunong pa nga to sakin.



"Volleyball lang pala eh bakit ka naka mascara diyan? Naka liptint kapa nandon crush mo noh?"tukso niya sa akin at kinurot ang tagiliran ko.



"Dami mong alam huwag ka na nga sumama" Lumabas ako para isampay ang tuwalya sa may balkonahe.



"Teka lang! Okay shut up na promise" Sabi niya at tinakpan ang kanyang bibig.



"Mauna kana pupuntahan ko pa mga kaibigan ko" mando ko sa kanya habang sinusklayan ang aking buhok.

Heartfelt Roses of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon