Kabanata 27

176 14 10
                                    

Kabanata 27
Sabado Night



Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa kong chapter nang pumasok si Amanda sa kwarto ko.

"Ate, anong oras tayo sa saturday?" bungad na tanong niya sa akin habang panay ang pindot niya sa kanyang cellphone.

"Seven o'clock. Napapayag mo na ba si Elaine?"

Nag-angat siya ng tingin. "Yup. Sasama siya. Baka raw kasi magtampo kayo, nakakahiya naman."

Napangiti ako. "Magtatampo talaga kami."

Siguradong matutuwa si Jovan kapag ibinalita ko 'to sa kanya. Baka nga hindi pa makatulog ang isang iyon.

"Ano ba ang meron at gustong gusto mo sumama si Elaine?" curious na tanong ng kapatid ko.

"My friends wants to get to know her. I told you already, they admire you both."

"Okay." she said before leaving my room.

Tuloy na tuloy na nga ang plano. I can already feel the excitement, and I hope that everything will went well dahil ito na ang huling beses na tutulungan ko si Jovan sa love life niya. I don't want to get involved with him more, baka kasi sumakit lang ang ulo ko.

I wore my black flare jeans na tinernuhan ko ng fitted heather blouse na may ruffles ang sleeves. Matagal na kasing nakatago ito sa cabinet ko at never ko pa naisuot, baka mapagliitan ko na lang ng hindi nagagamit, mabuti nga at sakto pa rin sa akin ang sukat kahit na medyo nadagdagan yata ang timbang ko, napansin ko kasi na lumalaki ang mga braso ko.

Kung dati ay hirap na hirap ako magpataba dahil kahit kumain ako ng kumain ay hindi nadadagdagan ang timbang ko, ngayon ay kahit kaunti lang ang kainin ko dumadagdag agad ang timbang ko. Ganito yata kapag tumatanda na.

Pagkatapos kong mag-ayos at tignan ang sarili ko sa full body mirror ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko na nga pinagkaabalahan na itali ang buhok ko na lampas balikat ang haba, bumibilog na rin kasi ang pisngi ko kaya ayokong magtali ng buhok dahil mas lalong lalaki ang mukha ko.

Gusto ko na talagang sisihin ang mga kaibigan ko dahil panay ang yayang kumain ng mga 'yon.

"Amanda, matagal ka pa ba?" pasigaw na tanong ko habang kinakatok ko ang kwarto ng kapatid ko.

Napakatagal niya talagang kumilos kahit kailan. Para bang lahat ng klase ng beauty product ay inaapply niya sa mukha niya sa sobrang bagal niyang mag-ayos, o kaya naman bawat dampi niya ng mga iyon sa mukha niya'y dinadasalan niya pa.

"Sandali na lang!" sigaw ng kapatid ko na ubod ng kupad.

"Nasaan na raw si Elaine?"

"Paalis pa lang din iyon, basta magkita na lang daw tayo sa tapat ng simbahan."

Tinignan ko ang wrist watch ko. Alas sais y medya na, babyahe pa kami papuntang bayan, naroon kasi ang simbahan kung saan kami magkikita ni Elaine. Sa tantya ko ay aabutin ng labinglimang minuto ang byahe namin papuntang bayan, pagtapos 'non ay sasakay pa ulit kami ng jeep papunta sa Pondside, kaya pagdating namin doon ay siguradong late na kami.

"I-chat mo na si Elaine, sabihin mo ay hintayin niya na tayo sa tapat ng simbahan. Wag na kamo siyang bumyahe kung kailan tayo aalis."

Miss Late Bloomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon