Kabanata 39

129 9 3
                                    

Kabanata 39
Kinikiliting puso

Naging abala ako sa pag-aayos ng manuscript ko buong weekend, gusto ko kasing maipasa ito agad para mareview ng editor. Marami pa raw kasi itong pagdadaanang proseso and I can't wait for my book to be publish.

Alas-quatro naman ng hapon nang dumating ang pinsan ko na taga La Union. Bukas ng umaga ay flight naman nito papuntang Leyte dahil sa nalalapit nitong kasal, taga roon kasi ang kanyang mapapangasawa.

Malayo ang leyte at mahal ang pamasahe kaya kahit invited kami ng pinsan ko ay hindi rin kami makakapunta.

"Ang cute niya, kuya Mark! Sobrang liit, para siyang stuffed toy! Nakakagigil!" natutuwang sabi ni Amanda habang pinanggigigilan ang dalang tuta ni kuya Mark.

Isang lalaking white pomeranian na dalawang buwan pa lamang.

"Alagaan niyo 'yan, huh."

Sabay kaming napalingon ni Amanda kay kuya Mark.

"Alagaan namin? Amin na'to, kuya?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ko.

He smiled. "Oo, iyan nga ang dahilan kung bakit dito ako dumiretso, hinihingi kasi sa akin 'yan ni tita."

Napangiti ako. "Thank you, kuya Mark!"

Tuwang-tuwa kaming magkakapatid at agad na nag isip ng ipapangalan namin sa tuta. Until we decided to call him "Berting".

Tawang-tawa si kuya Mark na iyon ang naisip naming ipangalan. Actually, si Ambrose ang nakaisip na ipangalan namin iyon. Karamihan daw kasi sa mga alagang hayop ngayon ay nagpapagandahan ng pangalan, kung di sosyal ang ipinapangalan ay mga sweets at cute naman, masyado na raw common.

Jovan:
Saan ka dyan? haha

Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang nang-aasar na comment ni Jovan sa myday ko. Picture ko iyon with Berting.

Nireact ko ng angry emoji ang comment niya at nag send naman siya ng emoji na tumatawa.

Ang lakas niya talagang mang-asar, parang hindi umamin sa akin na gusto niya ako. Siguro si Jovan iyong tipo ng lalaki na trip ang mang-asar para mapansin, and I guess that it's the most effective way to get noticed.

May lumabas na namang notification.

Jovan:
Nalito lang naman ako. Parehas kasi kayong cute :P

Hindi ko alam kung mapaflatter ba ako o maiinis sa comment niya ngayon, ikumpara ba naman ako sa aso.

But I'm glad that he's fine now. Nakakapag cellphone na kasi ulit siya. Kahapon lang ay nasaksihan ko ang kahinahan ni Jovan dahil sa trangkaso, halos matumba pa nga siya sa kinatatayuan niya and I don't want to see him like that again.

Inalis ko muna si Jovan sa isip ko at muli kong ibinaling ang atensyon ko kay Berting na nilalaro ang basyo ng yakult na ibinigay ni Amanda. Napaka-energetic nito, at dahil maliit ay kung saan-saan nagsususuot. Nakakatakot lang na baka matapakan namin siya kasi minsan hindi namin napapansin na nasa paanan na pala namin at nakasunod.

I can't wait for him to grow up so I can teach him many tricks, ipapasyal ko rin siya sa labas o kaya naman ay sa mall. Small breed kasi si Berting kaya pwede mo siyang dalhin sa kung saan ng hindi nahihirapan, unless lalaki itong aggressive.

Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng ganitong klaseng aso at hindi ko ineexpect na matutupad na pala ito. May aso kami noon, askal iyon at seven years din naming inalagaan, kaya lang ay umuwi nalang ito isang araw na bumubula na ang bibig.

Miss Late Bloomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon