Kabanata 37

202 11 7
                                    

Kabanata 37
Absent


"Kahit si Thiara, hindi alam na magkapatid kayo ni Jovan?" tanong ko kay Denver habang nagmamaneho siya. Ihahatid niya na ako sa bahay ngayon.

"Hindi. Kahit nga si Noris hindi ko pinagsasabihan tungkol doon, may pagkamadaldal kasi ang isang iyon." nangingiting sabi ni Denver.

"Siguro kung hindi ko rin nalaman ng mas maaga at hindi nagpunta si Jovanie kanina, hindi ko rin malalaman ang totoo."

"Siguro. As much as possible, ayaw ni daddy na may makakaalam ng tungkol doon. Hindi dahil gusto niyang itago si Jovanie sa lahat o iniingatan niya ang reputasyon niya. What he really cares about is his woman's reputation." Denver paused and look at me.

"Matagal ng gustong ilantad ni daddy ang katotohanan sa pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae, pero ang nanay ni Jovanie ang laging tumututol."

Muling ibinalik ni Denver ang atensyon sa daan.

"Kung sabagay, isa siyang huwarang guro at siguradong masisira ang reputasyon niya sa oras na malaman na isa siyang homewrecker."

Hindi na lang ako umimik sa mga akusasyong naririnig ko mula kay Denver. Gusto ko nga sanang sabihin sa kanya na pareho lang naman sila ni Jovan na naaapektuhan sa problema ng mga magulang nila, that they are both victims of their parents infedelity, kaya hindi niya dapat idamay sa pagkamuhi niya si Jovan, pero pinili ko na manahimik na lang. Sanay na rin naman ako na hindi nagbibigay ng opinyon 'cause I've been an outcast for a long time, walang humihingi ng opinyon ko.

Isa pa, maaaring may ibang pinanghuhugutan ang galit ni Denver kay Jovan. Hindi lang iyon dahil sa pagiging anak sa labas ni Jovan at pagiging magkapatid nila sa ama.

Wala sa loob na napabuntong-hininga ako.

"Okay ka lang?" concerned na tanong naman ni Denver.

Hilaw na nginitian ko siya bago ko siya tinanguan bilang sagot.

Maayos akong naihatid ni Denver sa bahay. Nasa kwarto na niya si mama nang dumating ako, nakipag kwentuhan pa ako kay Amanda tungkol sa ipupublish ko na libro, hindi ko kasi naikwento sa kanya iyon kanina dahil paalis na ako nang dumating siya.

Habang abala kong binabasa ang contract na kailangan ko pirmahan ang bawat pages, napatigil ako nang sa peripheral vision ko ay makita ko ang chat sa akin ni Jovan na nag notif, sa cellphone ko na nasa gilid ng laptop.

Jovanie:
Ate, wala po sanang makakaalam ng tungkol sa amin ni Denver :P

Napanguso ako. Hanggang chat ba naman ay inaasar niya ako.

Ambrielle:
What if sabihin ko sa kanila ang totoo? :)

I was really joking. Wala akong balak na ipagkalat ang sikreto nila, hindi ako ganoong klaseng tao.

Jovanie:
Don't. You. Dare.

I can even heard his voice while reading his response. That is why I replied immediately.

Ambrielle:
My lips are sealed.

Nilike ni Jovan ang chat ko and that's the end of our conversation.

Ganoon lang kami mag usap sa chat. Minsan nga ay gusto ko makipag kwentuhan sa kanya, kaya lang ay iniisip ko na baka maboring lang siyang kausap ako, hindi kasi ako magaling mag isip ng topic.

Isa pa, kapag kausap ko si Jovan ay para akong naiintimidate, lalo na't hindi rin ako makwentong tao, unless we're very close.






Miss Late Bloomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon