Kabanata 30

55.8K 794 55
                                    

Hi! We've come this far! This will be the last POV of our dear Hollis.

New beginning

Hindi ako magkandaugaga sa pagkilos. Ate Sofia is preparing everything na kailangan ni Hope sa simbahan. I'm taking a bath right now dahil isang oras na lang ang mayroon kami. It's Hope's christening today.

April 14, 2021.

Everyone is busy. Ang iba ay nasa reception at inaasikaso ang lahat doon para na rin sa mga bisita. We decided to do her christening after my birthday. Naisip kong hindi na iyon kailangan pang patagalin. Gusto kong iharap ang anak ko sa Diyos para mabasbasan niya ito. Tross is fine with that at ganono din ang buong pamilya namin.

Alas nueve ng umaga ang call time sa simbahan at alas otso na ngayon. Alam kong gahol na talaga ako. Nauna ko kasing asikasuhin si Hope para naman hindi na ako mahirapan mamaya.

I put light makeup on my face. Iyong babagay lang sa morena kong mukha. I also decided to cut my hair short. Blunt bob with curtain bangs. It made me look younger and elegant at my age. Ginawa ko na rin as a start of a good life.

Mabilis kong nakumpleto ang sarili. Nagsuot lang ako ng kulay puting wrap dress. I partnered it with a nude two-inch sandals. Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. I spray myself with latest edition perfume na regalo pa sa akin ni Hiraya. I didn't know that I am friend with a big time perfumer.

Narinig ko ang pagbunghalit ng iyak ni Hope. Mga ilang sandali lang, hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng walk-in-closet ay tumahik na muli ang labas. Naabutan ko roon si Tross na karga-karga ang anak namin at inaaalog-alog para lang tumigil.

"Daddy's here," he whispered, which I also heard.

"Mommy! Our baby Hope is bored already..." his sweet voice captured my heart.

"Narito na po si Mommy," I said as I approached them.

Nilingon naman ako ni Tross. I saw how his eyes twinkled a bit. Humalik ito sa akin.

"Masisira ang lipstick ko," paninita ko sa kaniya nang matatatluhan niya na ako sa halik.

He grinned at me. "Marunong akong maglagay," mayabang niyang sambit.

Hinampas ko ang balikat niya. I softly took Hope in my arms. Tross is putting his necktie on.

"Kumpleto na raw ba ang mga Ninang at Ninong?"

I scanned my phone. Sobrang daming mensahe roon na hindi ko naman mabuksan pa at hawak-hawak si Hope.

"Kumpleto na. My parents and yours are inside the chapel already. We should get going," anito.

Kasunod nga namin si Ate Sofia. Gamit namin ang sasakyan ni Tross na Rolls Royce. Narito ako sa front seat at kalong si Hope. She's wearing white dress. I made sure na hindi 'yon sobrang init para naman hindi siya mairita at mag-iiyak sa simbahan mamaya. Kumpleto naman siya sa gatas kaya hindi rin problema kung magugutom ito mamaya.

We arrived at the church at eight fifty five. Limang minuto na lang. Mabuti na lamang at nakaabot kami. Sinalubong agad kami ng mga Ninong at Ninang. I spotted half of the Del Rico Clan here. Ang ilan din sa kamag-anak namin ay narito.

"She's asleep?" si Mama noong makalapit.

Umiling ako. Kanina pa dilat na dilat si Hope. Ang sabi nila ay nakakakita na ito kahit papaano at nakakarinig. Siguro ay nakikiramdam na rin sa paligid.

"Napakaganda naman ng apo ko..." Papa kissed Hope on her cheek.

They took her from me pero ibinalik din naman. Nang magsimula na ang misa ay naging tahimik din naman ang anak ko. Nagsimula na nga lang siyang mag-iiyak noong babawtismuhan na ng tubig sa kaniyang ulo. Magkahalong tawa at iyak ng mga naroon at miski na rin kami.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon