Kabanata 27

46.3K 800 118
                                    

Come back to me

I haven't utter a word ever since I woke up. I pushed everyone away. All of them who can't bring my son to me. Those who has pity on their eyes whenever they look at me.

For three days, I stayed here- No... They all wanted me to stay here. I have become worst. I hurt them. Miski ang asawa ko... nasasaktan ko na both physically and emotionally. Lahat sila... nasasaktan ko na dahil durog na durog ako.

Ilang beses ko bang tinanong ang nasa itaas? Bakit hinayaan niya pa akong mabuhay? He has a choice. He could've choose me. He should've pick me, not my son. Kasisilang pa lang ng anak ko. Ni hindi pa nga nakakakita nang maayos at tanging ilaw lang ang naging tanglaw. Ni hindi ko man lang nahawakan ang kamay niya. Bakit siya pa? Bakit?

I already accepted the fact that he will take back the life he gave me. Tanggap ko na, eh. Tanggap ko na kung hanggang saan lang ang buhay ko. Basta ba buhay ang anak ko. Buhay ang batang kinahiling-hiling ko sa kaniya noon. Pero bakit niya kinuha agad? Hindi ko alam kung mahal niya ba ako kaya niya ako niligtas at binuhay o galit siya sa akin kaya niya ako pinarurusahan. Hindi ko na alam ang dapat isipin.

Diyos ko, totoo ka ba? Bakit hindi mo ako naririnig? Bakit hinahayaan mong maging ganito ang sapitin ko? Bakit wala kang ginagawa para sa anak mo? May nagawa ba akong pagkakamali kaya mo ako pinapalo?

I sobbed. I know he cannot answer me. I pity myself.

Totoo pa lang darating sa puntong... kukuwestiyunin mo siya dahil sa pinagdaraanan mo. Totoong magiging mapagduda ka kung totoo ba siya sa pagkakataong hindi mo siya maramdaman. Darating sa puntong makakalimutan mo nang mali ang pagkuwestiyon mo sa kaniya.

I slapped myself continuously. Tross found me while hurting myself. It caused another chaos. It cause him to cry and beg once more. He begged me to stop harming myself. Told me how many times that that won't solve a thing. I watched him cry. I watched the De Guia's breaking down, also because of me.

Indeed, a piece of a shattered glass can hurt anyone who tries to touch it. Even those who only wants to collect those broken pieces to repair it. Lahat masasaktan. Lahat masusugatan.

"Baby... Please eat something. You haven't eaten anything for days. Kailangan mong magpalakas."

My husband's voice tells me how tired he is already. He has no more strength. Parang siya ang may kailangan na magpalakas at hindi ako. Siya ang pagod. Hindi ako. I wonder why he's still not giving up? He can leave me here. He can have a life away from someone unstable. Someone like me. Someone so broken.

Tinapunan ko siya nang malamig na tingin. Bakas na bakas sa mukha niya ang lungkot, sakit at pagod. Gayunpaman, nang tignan ko siya, namamag-asa at nasasabik ang kaniyang mga mata. Nasasabik sa pansin ko. Sa oras ko. May balbas na siya at ang buhok ay mahaba na. He is wearing a simple shirt which is kind of creased. Ang lukot na iyon ay ako ang gumawa kanina. Nang naglupasay muli ako sa pag-iyak.

I avoided his gaze. Nasasaktan ako sa mga iyon. Ang mga klase ng tingin niya ay tila mas masakit kaysa sa mga karayom na itinutusok sa akin sa loob ng hospital na 'to.

Naramdaman ko ang paglundo ng hospital bed. Isang paramdam na umupo siya roon. Hindi ako nagbaling ng tingin. Kahit sulyapan pa siya ay hindi ko ginawa. Sa pagkakataong 'to, hindi ko alam kung paano ko siya nagagawang tiisin. Alam kong mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal. Subalit nagsisimula na akong tanungin ang sarili. Kaya bang maniis ng isang nagmamahal? Kaya bang manakit ng isang nagmamahal? Dahil iyon ang ginagawa ko sa kaniya. Masakit man pero... kalaunan ay parang iyon na rin ang aking intensyon.

I felt his forearm, pulling me to his chest. Nagyuko ako ng ulo para itago ang pagluha. The truth is, I want them to get tired of me. I want him to give up on me. Kasi ako? Sumusuko na ako sa sarili ko. Sumusuko na ako sa sakit at nagpapalamon na lang doon. Dahil hindi ko kayang labanan pa ito. My soul has been tarnished. I no longer have any hope to hold onto. But then... whenever I am hearing how hopeful they are for me. How they keep on praying that I'll find a light to start again, I can't stop myself from thinking about different what ifs.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon