Nanay
"How are you, anak?" tanong ni Tita Selena nang mapag-isa kami.
Aayusin ko kasi ang mga maternity dress na binili nila para sa akin. Although Tross can buy it for me, hindi talaga sila makakahinga nang hindi ako ini-spoil.
"Ayos lang naman po..." kiming tugon ko.
Pareho kaming nakaupo sa sofa, nagtutupi ng mga damit. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga mata at labi niya. Halata talagang masaya. Somehow, natutuwa rin ako dahil pakiramdam ko talaga ay may nagagawa akong maganda para sa kanila na maiiwan ko. If only I could forgive Crisosmo... If only I could also be comfortable with him, too.
"Alam mo? Noong nagbubuntis ako sa inyong dalawa ni Crowell, napakatamad ko sa lahat ng bagay. Unlike you," she chuckled. "Nagagawa mo pang magtungo sa café."
Napangiti rin ako roon. I watched Tita Selena... my mother's face wrinkled elegantly. Parang kahit may katandaan na ito ay maganda pa rin. Noong nakita ko nga noon ang picture niya, unang beses kong makatuntong sa pamamahay nila, akala ko ay isa siyang istrikta. Kahit kasi may kaamuan ang kaniyang mukha ay halatang seryoso ito at hindi basta-bastang uri ng tao.
Kaya nga ba nang iharap ako sa kaniya ni Crisosmo ay malayo agad ang naging pitlag ko. Kahit din ilang araw na ako sa bahay nila at lagi siyang nakangiti sa akin at mabait ay hindi ako agad nagtitiwala. Nag-iisip ako na baka... pakitang tao lamang iyon tulad ng nakagisnan kong ina.
Kunwaring nakangiti at mabait subalit... itinatago pala ang kakaibang ugali.
I still remember Nanay Helena. The mother who raised me until I turned eight. Pala-palagi itong nagagalit at isang kibot lang ay matinding bugbog ang inaabot ko. Kung hindi dahil sa kapitbahay namin na nagmamalasakit sa akin ay baka hindi ilang beses akong mapapatay ni Nanay. Aniya sa akin, wala akong silbi dahil hindi ko magawang panatalihin si Crisosmo sa kaniyang piling.
All of my moments with her are better sweet. Katumbas ng masayang mga alaala niya ay malupit na alaala rin. Bilang anak niya, nagtatanong din ako minsan kung kamusta na siya. Kung... naalala pa ba ako nito? O 'di kaya ay nakaramdan din ba siya ng pangungulila sa akin noong mga unang buwan na nagkahiwalay kami.
Even with the wrath she showed me, my young heart still learned how to love her unconditionally. Even though she treats me like I am not her daughter but someone she adopted.
As a child, I don't understand. I thought that's really how a mother's love works. Kasi nagsisimula lang naman na magkaganoon si Nanay kapag nalalasing siya. So, I thought it is okay. At bilang anak na rin, nang sinubukan niya na akong ibigay kay Crisosmo ay tigas na pagtutol ko. Hindi ko gustong mawalay sa kaniya, but she has decided already. I need to come with Crisosmo. I can still remember her last words before she vanished."I'll be back, Hollis. Babalikan kita..." she said that promise with a smile on her lips.
Noon, akala ko ay isang pangakong binitawan iyon sa akin na siya namang tigas konv pinanghahawakan. Ngunit habang nagkakaisip at sa tuwi-tuwinang napapanaginipan ko si Nanay Helena na... may ganoong klase ng ngiti sa labi niya, napagtanto kong ang klase ng ngiting iniwan niya sa akin ay parang nagbababala. I didn't tell that to Crisosmo. Baka nga matuwa pa iyon noon kaysa maalarma. Never have I experience peace in my own mother's house and sadly, ganoon din sa puder ng sarili kong ama.
Masakit man pero... mas hindi ako kampante lalo at nasa bahay siya. Mas naging mailap ako nang mapatunayan na talagang hidni ako gusto ni Crisosmo at ng dalawang anak niya. Only Tita Selena made me feel home. Kaya naman natuto na akong maging kontento na kahit papaano ay may dalawang taong pinakitutunguan ako ng maayos sa bahay ng sarili kong ama. That's Crowell and Tita Selena.
BINABASA MO ANG
Del Rico Triplets #1: Bound By Duties
RomanceHollis, who was raised as an adopted child to conceal her true identity as an illegitimate one, hoped for freedom as she turned eighteen. However, her hopes were shattered when she was forced into an arranged marriage with a stranger. Learning that...