heytreyy Bub, RPh 💊
───────────────
Erica Marisse Palma is with Eric Palma and Marissa Palma.
Nanay, Tatay, RPh na po ang panganay niyo. 🥹
Hindi ko sukat akalaing maipapasa ko 'tong board exam ko. Alam ng mga kaibigan ko kung gaano katindi yung self-doubt ko at kung gaano kadalas yung pag-o-overthink ko pero hindi nila ako iniwanan.
Special mention sa Blossom (Thea) and Buttercup (Margaux) ko. Thank you for always brightening up my mood. Shoutout din sa Discord friends ko! You know who you are. 😉
Sa pamilya ko, maraming salamat po sa tiwala ninyo sa akin. Hindi ko po mararating ito nang wala kayo. Habang buhay po akong magpapasalamat sa inyo. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo ninyo para lang makapagtapos ako ng pag-aaral. Bunso, ako naman ang bahala sa 'yo!
Syempre, labis akong nagpapasalamat sa taong sinamahan ako kahit na hindi ko naman hiningi 'yon sa kanya. Salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinuhos mo sa akin. Karapat-dapat lang na ipagmayabang kita sa buong mundo, Trey. Mahal na mahal kita.
Bukod sa mga taong 'to na sumama sa akin sa board exam journey ko, gusto ko lang din i-share sa inyong lahat yung highlight ko during this season. Sinubukan ng board exam ang tiwala ko sa sarili ko kaya buti na lang hindi ko kailangang magtiwala sa akin. Dahil sa board exam season ko, nakilala ko ang Panginoon. Natutunan kong patawarin ang sarili ko at nagsimulang magtiwala sa kayang gawin ng aking Panginoon. Kaya itong lisensya ko ay hindi lang para sa akin, sa aking pamilya, at sa mga magiging pasyente ko. Ito ay para din sa Iyo, Panginoon.
Erica Marisse DS. Palma, RPh 💊
BINABASA MO ANG
Secrets We Can't Keep (Love on Call, #1)
Storie d'amoreLove on Call, #1 Can you keep a secret? Apparently, according to their friends, Erica and Trey can't. However, they prove it otherwise to their friends when they manage to keep one big secret from them. But for how long are they going to keep this s...