Dear Axel,Kapag nasa itaas ako,
Bababa ka..
Kapag tinatamad ako,
Ikaw naman sinisipag..
Kapag ako'y naiinis,
Ikaw, nang-aasar pa!
Kapag umiiyak ako,
Ikaw tinatawan pa ako..
Kapag ako bumagsak,
Ikaw pa itong makakapasa!
Kapag um-oo ako,
Aayaw ka naman..
Nakakainis ka talaga Axel!
Lagi mo na lang akong sinasalungat.
Hindi ko alam pero ito na yata talaga ang tadhana nating dalawa.
Ang maging ASO'T PUSA.
Lagi na lang magkaaway!
Pero.. kapag lumalayo naman ako,
Ikaw pa ang lumalapit sa akin.
Ganito na lang ba talaga tayo?
Nakakaasar na nakakatuwa..
Paki-explain naman, please.
~Aira
***
BINABASA MO ANG
✔ Aso't Pusa [A Filipino Short Story]
Teen FictionLagi na lang kaming ganito. Away bati lagi.. Pero kung damdamin ba ang pag-uusapan? Magkakaroon kaya kami ng mutual understanding?