Axel Dela Rosa's POV
Isang buwan na ang nakakalipas simula nung pangyayaring iyon. Madalang ko nang makita si Aira kasi either may date sila ni James o sadyang iniiwasan ko lang siya minsan.
Masakit pa rin e.
Akalain mo yun? Yung James na yun na parang isang taon pa lang namin kaklase ay naging boyfriend niya, samantalang ako na isang dekada na niyang bestfriend ni hindi makaporma sa kanya?
Shit lang.
Nakaupo ako ngayon mag-isa sa may bench dito sa school garden. Hindi na ako sumama sa tropa. Gusto ko lang magmukmok dito buong break time.
"Talaga bang loner na ang peg mo ngayon?"
Tinignan ko yung nagsalita. Si Aira..
"Oo. Kaya umalis ka na."
Sabi ko na lang at tatayo na sana nang hinawakan niya yung kamay ko. "Axe, bakit mo ba ako iniiwasan? May problema ba?" Nag-aalala siya. Halata kasi sa tono ng boses niya. Umiwas ako ng tingin.
"Hindi. Basta. Akala ko kasama mo si James?"
Umupo na siya sa tabi ko at napabuntong-hininga. "Wala e. May pratice ng basketball. Kaya di niya ako sinamahan ngayon." Tumango na lang ako. "Ah..bwisit talaga siya kamo." Bulong ko at mabuti na lang pala at hindi naintindihan ni Aira.
"Ano yun?"
"W-Wala!"
At pagkatapos nun, ay tumahimik na lang kami. Nakakailang na. Parang gusto nang sumabog ng puso ko dahil sa lakas ng pagtibok nito. At bukod pa ron, ang bilis-bilis din! Ang kaso, hindi ko na talaga masasabi kay Aira ang mga gusto kong sabihin.
Huli na.
May boyfriend na siya. Hindi ko na masasabi ang nararamdaman ko para sa kanya. Inunahan na ako e.
Beep.
"Ay.. Wait lang ha."
At tiningnan ni Aira yung text dun sa cellphone niya. Ako naman, pinagmasdan ko lang siya at bigla na lang siyang ngumiti tapos sabay tingin sa akin.
"Axe, alis na ako ha? Nag-text si babe, magkita daw kami sa canteen."
"Sige lang."
At pagkatapos nun ay umalis na rin siya. Naiwan na naman ako dito.
Lagi na lang ganito.
Dati-rati, away aso't pusa kami kung magsagutan, ngayon, wala na. Kainis talaga. Para kasing, kahit minsan na napakalapit niya sa akin, ang layo pa rin niya e.
Para bang di ko siya maabot.
Siguro nga, kailangan ko nang sumang-ayom sa balak ni Daddy pagka-graduate ko this year.
Wala rin naman kasi akong mapapala kung aasa pa ako kay Aira e.
Aira Mendoza's POV
Lumakad na ako paalis. Iniwan ko tuloy si Axel. Okay lang kaya siya? Hm.. Nakakamiss tuloy yung pagtatalo namin.
Si James naman kasi e. Masyadong demanding pagdating sa oras ko sa kanya.
Aminin ko man o hindi, miss ko na yung moment namin ni Axel.
"Babe!"
Tawag ko sa boyfriend kong nakatalikod at may kausap na babae. Ngumiti siya sa akin. "O, babe, ang tagal mo naman!"
Lumapit ako sa kanya at bakit na parang ang sama ng tingin sa akin nung babae. Magkakilala ba sila ni James?
"Uh.. Sorry. May ginawa pa kasi ako. Babe, sino siya?" Bulong ko sabay kapit sa may braso ni James.
Inakbayan naman niya ako.
"Ah, siya ba? Haha. Aira, siya si Caroline. Kabarkada ko."
Tumango na lang ako at ngumiti saka inextend yung kamay ko sa kanya.
"Hi. Aira Mendoza.. Girlfriend ni James." Panimula ko.
At nakita ko naman na ngumiti din siya sa akin. Pero parang may ibang kahulugan yung ngiti niyang iyon.
"Caroline Pascual.. James' future girlfriend."
Ang sarap lang patayin.
***
BINABASA MO ANG
✔ Aso't Pusa [A Filipino Short Story]
Teen FictionLagi na lang kaming ganito. Away bati lagi.. Pero kung damdamin ba ang pag-uusapan? Magkakaroon kaya kami ng mutual understanding?