Aira Mendoza's POV
Graduation na namin bukas.
At kaka-break lang namin ni James kahapon.
Tama kasi ang hinala ko. Yung madalas nyang pagsama sa barkada niya at hindi man lang nagte-text. Alam ko na yun e.
Sila nga ni Caroline.
Kaya nung nahuli ko siyang nakikipaghalikan pa siya kahapon sa bruha, inaway ko and the rest is history na. Ang tanga ko lang.
Kung alam ko lang na lolokohin niya lang ako, e di sana, hindi ko na lang siya sinagot in the first place. Ang kaso, wala talaga e.
Nasa huli lagi ang pagsisisi. Hindi nga naman kasi pwedeng ilagay sa unahan yun.
Matapos kong iiyak lahat kagabi, ngayon eto na ako. Parang wala nang buhay at namumugto na ang mga mata.
Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit wala na ang taong sinasandalan ko kapag may problema ako.
Si Axel.
Tuluyan na siyang lumayo sa akin. Lagi na niya akong iniiwasan. Kapag nagtatama yung mga paningin namin, siya pa itong unang umiiwas. Nakakaasar lang. Dati, siya ang takbuhan ko. Ngayon, pati siya ay hindi ko na malapitan.
At saka sa ganitong kalagayan ko lang na-realize na,
Mahal ko pala siya..
Ang tanga-tanga ko talaga. Totoo pala yung absence makes the heart grow fonder? Kasi ganun ang nararamdaman ko ngayon e. Nung mawala si Axel sa buhay ko, nung nilayuan na niya ako, saka ko lang nakita yung value niya sa buhay ko.
Namimiss ko na talaga siya.
Yung bangayan namin. Yung lambingan. Yung tawa moments na parang wala kaming problema sa mundo?
Dapat pala mas maaga ko ito napagtanto.
Kaya heto na ako, sa tapat ng pintuan ng bahay nila. Huminga ako ng malalim at saka kumatok.
Knock. Knock.
Bumukas na yung pinto, at bumungad sa akin yung walang emosyong mukha ni Axel.
Nanigas ako. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Bakit?" Tanong niya at hindi man lang ako pinapasok. Nakatayo lang kami dito.
"A-Ah...Axel, kasi may.. Aaminin ako sayo.."
Oo. Aamin na akong mahal kita. Sana naman, pareho lang tayo ng nararamdaman.
"Ano? Bilisan mo. May gagawin pa ako."
"N-Nagbreak na kami ni James at---"
"Aira, wag mong sabihing ako na naman ang tatakbuhan mo? Nakakasawa ka na e. Umuwi ka na nga lang."
"H-Hindi... K-Kasi---"
Nagbubuhol na talaga ang dila ko dito. At sabay putol na naman niya ng sasabihin ko. Ano bang ginawa ko sa kanya para magalit siya sa akin ng ganito?
"UMALIS KA NA."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Isinigaw ko na sa mukha niya.
"AXEL, MAHAL KITA!"
Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko kaya naman napatakip na lang ako ng bibig. Maski siya, nanlaki ang mga mata niya.
At saka ko lang naramdaman ang mga luha na pumapatak na mula sa mga mata ko.
Mga ilang minuto rin kaming ganun hanggang sa may narinig akong boses.
"Honey, sino ang kausap mo?"
Parang sinaksak naman ang puso ko lalo na nung sumagot si Axel sa babae.
"Wala. Isang dating kaibigan lang."
At inilipat niya yung mata niya sa akin. Humihikbi na ako.
"May fiancé na ako. Kaya umalis ka na."
At sa mga salitang iyon, sinaraduhan na niya ako ng pinto.
Ang sakit naman..
***
BINABASA MO ANG
✔ Aso't Pusa [A Filipino Short Story]
Ficțiune adolescențiLagi na lang kaming ganito. Away bati lagi.. Pero kung damdamin ba ang pag-uusapan? Magkakaroon kaya kami ng mutual understanding?