sorry late update
Ilang araw narin ang nakalipas pero hindi nya tlga ako binabati….
Hayy naku bahala na nga pero ang sakit ahhh may kirot promise.
Excited na ako dahil tour na namin bukas......
Tapos ang malupit pa kasama namin sa bus sila Shan oh diba pag si destiny ang umariba di kana makakapalag…J
May pasok parin kame kinabukasan pero pinauwi din kame ng maaga dahil alas syiete ang alis namin.
Umuwi din kaagad ako at dali-daling nag empake.
Tapus binuksan ko din agad ung account ko. Dahil nga friend ko sa Shan nabasa ko ung status nya..
“excited na ako kaso di na kasya ung brief ko sa maleta ko ilocos here we come”
Abnormal talaga tong isang toh..
pinatay ko na din agad at pumunta narin ako sa school namin. Mabilis din akong nakarating sa school.
Marami-rami narin ang mga tao sa school..
at dahil mukhang airport tong school namin tapos maraming sasakyan at ang ibang estudyante ay nakamaleta nag mukha tuloy sya
“NAIA”.
Ilang minuto lang ang nakalipas dumatig nadin si Shan at mukha syang tanga kalalaking tao makamaleta.
“pare sang impyerno na naman pupunta at nakamaleta kapa” sabi ni classmate nya.
Medyo napatawa naman ako doon totoo naman kasi..
medyo nakatapat sya sa akin ngayon at siguro nakikita nya akong tumawawa…
nagkatinginan kame kaya nilihis nya ung tingin nya…
“wag ka nga trip ko to ngayon no! ang hirap kaya magbitbit” sabi nya…
Ang ingay-ingay nila ngayon medyo nasa likod ko kasi sila medyo mag kakilala kasi ung section namin at section nila.
Bigla silang tumahimik may dumaang anghel ata!
Paglingon ko wala na sila ung mga gamit nalang nila ung naiwan asan na kaya ung mga yon..
nakakabored nman wala na kong naririnig na nagtatawanan..
Shan’s POV
Kanina ko pa nakikita si Shanly.
Mukha atang bagot wala pa kasi ung mga tropa nyang maiingay pero mamasasaya nman…J
Umalis muna kame dun sa inuupuan naming naghahanap kame ng mapagtritripan…
Pagbalik ko may kasama na si Shanly.
Ayan nakangiti na ulit sya ang cute nya tlga pag nakangiti.